Kabanata 15.0: Huwag Ka Munang Umalis

16.7K 577 30
                                    

Sa hallway ng ospital ay kasalukuyang maririnig ang kantang Invisible by Hunter Hayes. Nakaupo si Heaven sa malamig na flooring ng ospital. Nakasandal naman ang kanyang malapad na likod sa puting dingding ng pader. Hindi siya makapali. Nangangamba hindi para sa sarili n'ya. Nangangamba para kay Fear na nag-aagaw-buhay sa oras na ito.

Maya-maya pa ay hindi niya na napigilang maiyak. He's blaming his self sa nangyari sa babaeng iyon.

Sa kabila ng nakakabinging katahimikan na matatagpuan sa pasilyo ng ospital ay maririnig malungkot na paghikbi ni Heaven.

Makalipas ang ilang sandali ay narinig ni Heaven ang pagtakbo ng dalawang tao papunta sa mismong lugar kung saan naroroon siya ngayon. Tumatakbo sila. Nagmamadali.

Isang babaeng panay ang iyak at isang lalaking sobrang nag-alala sa impormasyong natanggap n'ya na nasagasaan daw ang anak n'ya.

Nang makalapit na sila ay agad namang hinarap ng lalaki ang binata. Marahas na itinayo ng lalaki si Heaven, "Anong ginawa mo sa anak ko!"

Galit na galit ang lalaki. Hindi masukat ang galit na nararamdaman n'ya sa oras na 'to. It was actually Fear's father.

Nagngangalit na tingin ang inilaan ng tatay ni Fear kay Heaven. Gusto ng lalaki na durugin ang binata. Gusto n'ya itong tupi-tupiin ng ilang beses.

"Anong ginawa mo kay Fear? Sumagot ka!"

"Tama na!" Napakapit naman ang umiiyak na nanay ni Fear na si Fea sa braso Arnulfo na naging dahilan upang kumalas ang mahigpit n'yang pagkakahawak sa kwelyo ng damit ni Heaven.

Sa pagkalas ni Arnulfo sa kwelyo ng binata ay agad rin namang nagbukas ang pinto ng emergency room. Isang doktor na may malungkot na mukha ang lumabas sa pintong iyon.

"Doc? Kamusta na po ang anak namin? Kamusta na po so Fear?" Naibulalas bigla ni Fe sa ere ang mga salitang iyon nang makalapit na silang mag-asawa sa doktor.

Naiwan naman si Heaven sa gilid. Nakatayo ngunit nakatungo lang sa sahig ang malugkot at bugbog sarado n'yang mukha.

"I'm sorry but.." Napahinto ang doktor sa pagsasalita n'ya. Kabado naman ang mag-asawa sa susunod na sasabihin ng doktor.

"...she's not in a good state right now. Her head was injured. And we're still finding out if there's an internal bleeding inside her head." Napatakip naman ng bibig ang nanay ni Fear matapos n'yang marinig ang sinabi ng doktor. Niyakap naman ni Arnulfo ang kanyang asawa upang maibsan ang lungkot na nararamdam nito.
"Pwede po ba namin siyang makita?" ani Fe.

Tumango lang ang doktor at agad namang pumasok ang mag-asawa sa silid kung saan naroroon ang kanilang anak.

"Fear! Diyos ko!"

Rinig na rinig naman ni Heaven ang durog-pusong ng pagsigaw at pag-iyak ng ina ni Fear. Sa bawat salitang nariring n'ya mula sa loob ay katumbas nito ang makailang beses na pagsaksak sa kanyang puso lalo na't alam hindi lang 'yon isang simpleng iyak kundi ang iyon ay isang matinding paghihinagpis ng isang Ina.

"It's my fault," bulong ni Heaven sa sarili n'ya.

Kung hindi lang sana siya nagpadala sa emosyon na naramdaman n'ya habang nangmamaneho ay paniguradong hindi n'ya nasagasaan si Fear. Wala sanang aksidenteng naganap. Wala sanang ina ang umiiyak sa silid na iyon. Wala sana.

Wala si Heaven sa sarili habang minamaneho ang kotseng iyon. Naanod siya ng kanyang emosyon nang maghalo ang nararamdaman n'ya sa kasalukuyan at sa nakaraan.

Makalipas ang ilang saglit ay may mga pulis na dumating. Hinahanap ang binatang may pangalang 'Heaven Chavez'.

   Noong nnang matagpuan nila ito'y agad nilang nilagyan ang binata ng posas sa parehong kamay nito
.
Isinilid si Heaven sa isang selda kung saan kasama n'ya ang iba pang mga bilanggo. Wala siyang imik sa loob. Tahimik lang siya sa isang sulok. Minsan, kinakausap s'ya ng mga preso ngunit hindi s'ya sumasagot kaya binubugbog siya ng mga ito.

Tatlong gabing na namalagi si Heaven sa bilangguang iyon. Ni isang beses ay hindi sumagi sa isip n'ya ang pagkabagot. Kung habangbuhay siyang ikulong doon ay malugod n'ya itong tatanggapin. Kung ito lang rin ang natatanging kabayaran para sa nangyari kay Fear ay paniguradong gagawin n'ya iyon.

Sa loob ng tatlong gabing iyon ay tanging mga suntok lang ng mga kasama n'ya ang tangi n'yang kinakain. Wala rin siyang tulog. Ni kahit isang segundo ay hindi n'ya nagawang maantok. Binabagabag siya ng konsensya n'ya.

"Pasalamat ka iho't underage ka pa at hindi rin nagsampa ng kaso ang mga magulang ng binangga mo. Sige na, umalis ka na."

Lumabas si Heaven ng police station. Naglakad lang siya ng naglakad, parang papel na tinatangay ng hangin. Hindi n'ya alam kung saan siya pupunta pero sa haba ng kaniyang nilakad ag napadpad siya sa isang ospital. Sa mismong ospital kung saan naroroon si Fear.

    Pinihit n'ya ang doorknob ng isang pinto sa isang private room sa second floor at nang magbukas ang pinto ay nakita niya ang dalaga, makahiga sa isang puting patient bed, walang malay, may benda ang ulo at may mga kung anu-anong wires ang nakaka-connect sa loob ng damit nito.

Kapansin pansin rin ang cardiac monitor na nakalagay sa gilid ng hinihigaan ni Fear. Isang maliit na cardiact monitor na may iba't-ibang curve at line patterns na gumagalaw at panay ang pagtunog. Patuloy lang ang pag-galaw ng mga kurba at linyang ito na nangangahulugang buhay pa ang dalaga. Na tumitibok pa ang puso nito.

"Sorry!" Agad siyang napaluhod sa gilid ni Fear at makalipas lang ang ilang sandali ay dumagsa ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumatakas sa mga mata ng binata. Nasasaktan siya. Siya ang nasasaktan sa nakita n'yang kalagayan ng dalaga. Iniisip n'ya rin na sana siya na lang ang nakahiga sa patient na iyon. Kung pwede lang sana.

Nagbukas naman ng kaonti ang pinto ng private room. Papasok na sana ang mga magulang ni Fear ngunit napabalik agad sila nang makita nila si Heaven na umiiyak at humihingi ng patawad sa anak nila. Si Heaven, ang mismong sumagasa sa anak nila.

"Sorry." Paulit-ulit iyon na binibigkas ng manipis n'yang mga labi.

Ano pa ba dapat ang sasabihin n'ya? 'Yon lang naman 'di ba? Ang salitang 'sorry' na sana ay lunas sa kalagayan ng babaeng nasa kanyang harapan. Si Fear. Ang kaniyang Choco Girl.

Sa 'di malamang dahilan ay biglang bumilis ang pagtakbo ng mga kurba sa cardiac monitor na nagpapakita ng pagtibok ng puso ni Fear.

Ba't bigla itong bumilis? Ano kaya ang nararamdaman ng dalaga sa oras na 'to? Nararamdaman kaya niya na nasa tabi lang ang lalaking hinahangaan n'ya? Posible kaya 'yon!

"Hindi ko sinasadya ang nangyari sa'yo. Sana mapatawad mo ako," ang huling lipon ng mga salita na lumabas sa bibig ni Heaven. Sa paglabas n'ya ay biglang nag-iba ang paggalaw ng mga kurba sa cardiac monitor. Humina ito na nagpapakita ng kalungkutan. Ayaw n'ya bang umalis si Heaven? Gusto n'ya bang manatili muna ito sa tabi n'ya?

Sa mahinang paggalaw ng mga kurbang iyon ay tila may gustong iyong ipahiwatig. Parang may nakausling kahulugan.

   Tila gusto nitong sabihin sa binata ang mga katagang, "Bumalik ka, huwag ka munang umalis."
*  *  *
   

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now