Kabanata 22.0: Lakas Tama

17.8K 552 36
                                    

When A Gay Fell Inlove with a Girl
Kabanata 22: Lakas Tama
writtenby: JoeyJMakathangIsip

HEAVEN
"Mapapahiya tayo nito," Kei said tapos sumalampak siya agad sa balikat ni Darryle. Tama si Kei, mapapahiya kami nito. Ano ba kasing alam namin sa basketball? Ni hindi kami nanunuod ng NBA games. Kung nanunuod naman kami, hindi naman laro ang habol namin kundi 'yong mga manlalaro. We don't mind who will get the three point shot, we mind kung sino ang mga hot na nakaka-shoot.

"Definitely," Darryle agreed as he let Kei dumped his head on his shoulder. Gusto ko sanang sapakin si Darryle at Kei ngayon dahil nagpa-Public-Display-of-Bromance na naman sila, pero hindi ko na nagawa. Pagod ako e, pagod ako kakaisip sa problema naming lima. That effin basketball league!

Nandito kaming lima sa stock room ngayon. Ang mismong stock room na meeting place namin 'pag hindi na namin kaya ang pressure ng pagiging lalaki sa labas.

Isang oras na kaming nandito pero wala pa rin kaming maisip na paraan kung pa'no namin haharapin ang problema namin ngayon. Isang problemang malabo naming malusutan. Problemang dapat naming harapin at labanan. We're left with no choice but to face it.

"That Blazing Eagles! They're raging on my nerves!" Naisuntok ko bigla ang kamao ko sa malap kong palad. Nakakabanas 'to! 'Pag naiinis ako, nagiging lalaki ako kung kumilos. And I hate it. But I hate Blazing Eagles more. Ang hahambog nila. Lalo na 'yong orange head na parang si Naruto? Gusto ko siyang i-vasectomize.

"Gosh! This is the end! This is the end of us! Quit na tayo please?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Niko habang sinasabunutan ang sarili. At oo, gising na si Niko. Hindi tumalab ang clinic sa kanya kaya ang ginawa namin e binuhusan namin siya ng malamig na tubig then boom, nagising na siya.

"No one's quiting," sabi naman ni Edison habang ikot lang siya ng ikot sa loob ng stock room na 'to. What's his problem? Alam n'ya bang nakakahilo ang ginagawa niya?

"Eh, anong gagawin natin? Hahayaan natin ang mga sarili natin na mapahiya? At ano bang knows natin sa basketball? We all just love the players but not the game! Ouchiness! Edison, ano ba!" daing ni Niko nang batuhin siya ni Edison ng eraser sa ulo sa kalagitnaan ng pagsasalita niya.

"We all love the players, but this time we'll aslo try to love the game," Edison said seriously at makalipas ang ilang segundo ay bigla siyang napahinto at nag-grin sa'kin. Bigla naman akong kinabahan nang makita ko ang ngiting iyon. Alam ko kasi kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon ni Edison. It is something that's not good. Something that is evil. Kinindatan naman ni Edison ang tatlo pa naming kainigan at makalipas ang ilang sandali ay tumayo na silang lahat at lumapit sa'kin.

"A-anong pinaplano n'yo---" Hindi pa ako nakakatapos magsalita ay bigla na akong hinila ni Edison palabas ng stock room. Ngayon, hindi lang si Edison ang nakahawak sa'kin, pati na rin 'yong tatlo.

"Saan n'yo ako dadalhin?" I asked them as they kept on dragging me.

"We'll find your girlfriend. Advance 'yon ng isang P.E. 'di ba? Kaya paniguradong may alam siya sa basketball," Edison said habang hawak-hawak n'ya pa rin ako. What's wrong with this gays? Puwede naman nila akong kausapin ng mahinahon e. Ba't kailangang ganito? Tinu-torture nila ako!

"First of all, she's not my girlfriend. At higit sa lahat, hindi siya ang akmang tao na kailangan nating hingan ng tulong. She's creepy! Bigla na lang siyang nanghahalik!" I shouted at them. Ngayon, tumigil na ako sa pagpupumiglas, wala rin naman e, talo pa rin ako sa apat na'to.

"Ikaw lang naman ang hahalikan nun e, kaya okay lang," sani ni Edison. Nandiri ako bigla. Naalala ko tuloy 'yong mukha ni Choco Girl noong madaganan n'ya ako kanina. Kainis! Gusto kong masuka!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now