Kabanata 2.0: The Shelf

56K 1K 192
                                    

Shelf

FEAR
"SO, gusto mo na s'ya?" Natigilan ako saglit sa tanong ni Cheesy. Naglakad na ako palayo sa kanya tapos sumunod rin naman siya. Kinuwento ko kasi sa kanya 'yong nangyari kanina. Kaya a'yon, tinatanong n'ya kung gusto ko ba daw si Heaven. Ang sagot ko, "Hindi!"

Maaga kaming nakalabas ngayon dahil sa Lee Min Ho shout out na gawa-gawa ko. Mabuti na lang at panibagong tree planting activity lang ang kaparusahan ko roon kasi kung hindi ay paniguradong ma-kikick-out na talaga ako. At pag nakick-out ako, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

"Huh? Bakit hindi mo gusto?" tanong n'ya habang pinapapak ang isang malaking cotton candy, "Eh sabi mo nga guwapo diba? At isa pa, grabe 'yong lalaking 'yon! Trumendeng sa twitter 'yong pagtransfer n'ya ng university. Palagay ko sikat 'yon," dagdag ni Cheesy.

"Anong bakit hindi ko gusto? Kakakila ko palang kaya 'dun! Imposibleng magkagusto ako agad no? At porket gwapo magkakagusto agad? Mas importante pa rin 'yong character no! Malay mo masungit pala 'yon."

"Asus! Deny deny ka pa. Alam mo Fear, tatanda ka talagang dalaga n'yan.""Grabe ka naman, ang bata-bata ko pa kaya. Mahaba pa ang buhay ko noh. Kaya imposibleng tatanda akong dalaga. Alam kong may inilaan si destiny para sa'kin. Kaya 'yong mga nanliligaw, pag 'di nakatiis, babye," sabi ko with hand gestures. "At 'yong mga crushie ko naman, pag wala namang gusto sa'kin, eh di.. forget. Simple as that," dagdag ko. At binigyan ko si Cheesy ng sarcastic na ngiti.

Nakaupo na kami sa isang food stall ngayon, at hindi pa rin kami umuorder.

"At isa pa, masyadong mahal ang tuition natin para isipin ang mga bagay na 'yan," dagdag ko

  "Oo na po!" Madiin n'yang sabi sabay taas ng dalawang kamay, "Pero alam mo, sabi nila, mas maganda daw 'pag sinasabi mo sa crush mo na gusto mo s'ya."

"Eh?" Walang gana kong tugon.

Nakakainis talaga 'tong si Cheesy minsan e. Andaming trivia tungkol sa pag-ibig-ka-echusan na 'yan e. Dahil kasi sa mga kaalaman n'ya tungkol sa pag-ibig, ako ang napapahamak. At dahil rin pag-ibig na 'yan, naitapon ko ang slam book n'ya sa ulo ng professor na'min. At dahil dun, nakapagmap ako ng hallway ng isang oras.

"Oo nga! Kasi daw, 'pag nalaman nalaman ng taong gusto mo na gusto mo s'ya, malaki ang posiblidad na magkagusto s'ya sa'yo."

   "Tss. Naniwala ka naman! Umurder na nga tayo.

Inirapan niya ako.
"Kuya! Dalawang kwek-kwek, anim na stick ng isaw at dalawang barbeque," sigaw ko. Biglang lumaki ang mata ni Cheesy sa pagsigaw ko kay Kuya. Tinanong ko kung bakit pero nagshook lang s'ya ng head as a sign 'wala'. Pero, shook pa rin s'ya ng shook ng head. Nababaliw na ba 'tong babaeng 'to? Parang sinapian siya ng XV Gensan e.

At, tama ang rinig n'yo. Dalawang kwek-kwek, anim na stick ng isaw at dalawang barbeque. Hindi dalawang cheesecake, hindi anim na mamahaling shopao kung ano pang chuchu. Kahit nag-aaral kami sa isang private university e mas trip naming kumain sa food stall na maraming streetfoods keysa roon sa mga mamahaling restaurant na kahit isang piraso ng maliit na patatas ay aabot sa limangdaang piso.

"Andyan na!" Tugon ni kuya. Infairness, ang guwapo ni kuya ha!

"S-so hindi ka naniniwala?" Nangangatog na tanong ni Cheesy. Ano ba talagang problema ng babaeng 'to? Simula nung dumating kami dito e 'di na s'ya mapakali.

"Hin-de!" Sagot ko na may diin. Nagroll-eyes s'ya bigla. Nakakatuwang inisin si Cheesy madali kasi s'yang mapikon. Pag may iniinsist s'ya at 'di ka sasang-ayon, paniguradong kukuha at kukuha s'ya ng ebedensiya na magpapatunay na tama ang iniinsist n'ya.

By the way, her full name's Cheesy Demoiselle. Bestfriend ko siya since first year college. At dahil sa mismong araw na'to e secondyear na kami, ibig sabihin one year anniversary na ng friendship namin ngayon. Kaya kami pumunta ngayon dito eh. Kasi sa food stall na'to, dito kami naging magkaibigan.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant