Kabanata 17.5: Girl<Space>Friend

19.2K 608 140
                                    

With Space

"According to the statistics, the tendency for a gay to fall inlove with a girl is only ten percent but once he get closer with that girl, the tendency rises up to 80 percent."

FEAR
"In any case Fear, do you want to be my girlfriend?"

"G-girlfriend?" utal kong sagot. Sa sinabi n'yang iyon ay tila nabuhayan ako ng loob. Tila sumibol ang isang bagong pag-asa sa aking puso. Pag-asa na puwede pa siyang maging lalaki. Pag-asang puwede pang maging kami.

Pero, nawala ang kakarampot na pag-asang iyon nang ituloy n'ya ang kanyang naudlot na sinabi....

"Oo, Girl-space-friend! In tagalog, babaeng kaibigan. Puwede naman tayong magkaibigan eh. 'Yong tipong bestfriend mo 'ko at bestfriend kita. 'Di ba mas okay 'yon?" Nalungkot naman ako bigla sa sinabi n'ya. Akala ko nobya na. Babaeng kaibigan lang pala? Assuming much?

"Ahh, sige ba!" maluwalhati at nakangiti kong sagot sa kanya pero may kaakibat na kirot sa puso.

"Okay, so pa'no? Girl friend na kita?" tanong n'ya, may ngiti sa mukha niya. Tumango lang ako sa sinabi n'ya at agad naman n'ya akong hinila papunta sa shelve ng Philippine Fiction ng National Bookstore.

May hinanap siyang libro roon at nang makita niya na ang hinahanap niya ay humarap siya sa'kin.

"Here..."

"Hala!" Kamuntikan na akong mapa-split sa tiles ng National Bookstore nang makita ko 'yong inabot niyang libro sa'kin. When A Gay Fell In Love With A Girl Part 2. Iyong librong pinag-agawan namin dati.

"I already have that part so I'm giving it to you," he said. Nakapamulsa lang.

"Wow! Thank you!" Dahil sa sobrang sayang naramdaman ko ay napayakap ako sa kanya.

"Choco Girl, 'wag namang ganyan. Baka ma-in love ako sa'yo sige ka," aniya kaya agad akong kumalas.

"Sira!" Bumingisngis ako sa harap niya.

"Pero infairness talaga sa'yo ha! 'Di ko talaga nalahatang bading ka," I told him like he is just my bestfriend.

Ngumiti siya. "Talaga?"

"Oo..." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa counter.

"Pero alam mo Heaven. Sayang ka talaga eh."

"195 pesos po Sir," sabi ng cashier. Kumuha si Heaven ng card sa wallet niya at si-nwipe naman iyon ng cashier sa machine.

"Thank you for buying When A Gay Fell In Love With A Girl Sir. Nice choice po. Bagay na bagay na pangregalo sa girlfriend niyo." Tumingin sa'kin 'yong cashier.

Natulala ako.

"Ah, 'di ko siya girlfriend. She's my girl friend." Inakbayan ako ni Heaven at iniwan naman namin nalilito iyong cashier.

"Sira..," sabi ko sa kanya noong palabas kami ng NBS! Nginitian niya lang ako.

Para akong dini-deleryo noong hanggang makalabas na kami ay naka-akbay pa rin siya sa akin. Gusto kong tumili at mag-split.

Iyon nga lang, napagtanto kong wala rin namang sense kung kikiligin ako sa kanya right? Kasi nga girl friend niya lang ako. Mas matutuwa sana ako kung walang space e. Pero merong space e! Letcheng 'SPACE' na 'yan!  Hashtag #SpaceZoned

"Laro tayo..," he said at hinila niya ako papasok sa Play Time. Hindi na ako nakapag-react pa noong nagbigay na s'ya ng 1000 pesos sa babaeng nasa transparent glass na cashier ng Play Time na parang kambing na ngumunguya ng bubble gum.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now