Kabanata 41.0: Nasaan ka na?

13K 355 118
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 41.0: Nasaan ka na?
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

***
Fear De Guzman
"Kamyanakayshan as tha act ar prasas af yasang wards." /Translation: Communication is the act or process of using words,/

"...sands, sans ar bahavyars tta akspras aksshanjj yar aydayas, tats, falangs tta samwan als." /Translation: sounds, signs, or behaviors to express or exchange information or to express your ideas, thoughts, feelings, ., to someone else./

Nagdi-discuss si Ma'am Mayphrobe Limasangangala ngayon. At siyempre, iba na naman ang accent niya. Ang dating mga normally pronounced english words niya ay bigla na namang napalitan ng kakaibang pronounciation, lahat ng nilalabas niyang mga salita (maliban sa tagalog) mula sa bukana ng bunganga n'ya ay tila sumasayaw sa iisang tunog. At ang tunog na iyon ay ang tunog 'Ah'. At kung bakit naging ganu'n si Ma'am, aba! Awan!

"Yas, Mass Far Dagazman?" Napaigtad naman ako sa upuan ko nang tawagin ako ni Ma'am.

"Yas, Ma'am?" tanong ko kay Ma'am, nagtawanan naman mga kaklase ko, problema ng mga 'to?

"Fear's really funny, what do you think, Heaven?" tanong ni Kei kay Heaven. Tss. Oo! Classmates ko sila! Classmates ko ang buong miyembro ng Five Fingers sa subject na 'to.

"Whatever," tugon ni Heaven na nasa gilid lang lang ng cubicle ko. Oo, katabi ko siya. Chavez, De Guzman. Kaya malang, katabi ko talaga! Tss! Nakakainis siya! Gusto kong magalit siya kanya pero,  'yung puso ko, ang hirap utusan!

"Far ya, what as kamyanakaysyan?" tanong ni Ma'am, hindi ko naman nagets!

"Pardan? Ma'am?"

"BWAHAHAHAHA!" Biglang nagtawan ang mga kaklase ko. Aiish! Nakakiinis! Bakit ko ba kasi nakokopya ang pagsasalita ni ni Ma'am? Tss!

Napatingin naman ako kay Heaven, nakita ko naman siyang ngumiti kaso nung nakita niyang nahuli ko siya ay agad naman siyang sumimangot. Kamusta naman  'yun?

"SHA-AP!" /Translation: Shut-up."/ tanggal ngala-ngalang sigaw ni Ma'am, tumahimik naman ang lahat.

Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay tinignan ako ng masama, "Mass Dagazman, far ya, what as kamyanakashan?" buong pasensya niyang tanong.

"Ahh, what is communication," untag ko nang medyo na-gets ko na ang sinabi ni Ma'am.

Bago ako sumagot, tumigin ako kay Heaven. Tinignan niya ako at inirapan! Bwesit! Humanda ka! Para sayo ang sagot kong 'to.

"Ma'am," huminga ako ng malalim, "Para sa'kin ang kumonikasyon ay isang mekanismo para magkaintidihan ang dalawang tao. Kung walang kumonikasyon, walang pagkakaintindihang magaganap, magkakagulo ang mga tao, may aasa, may magmumukhang tanga," diretso kong tugon kay Ma'am.

"An athar wards?" tanong naman sa akin ni maam, napatingin lahat ng kaklase ko sa mukha ko. Lahat sila nakanganga habang nakatingin sa akin.

"In other words Ma'am, napaka-importante na makipag-ugnayan ang isang tao sa isa pang tao, 'yung tipong hindi ka iiwan sa ere nang walang sinasabi, 'yung tipong hindi ka gagawing tanga at hindi ka iiwang nakakanganga." Napataas naman ng kilay si Ma'am tapos 'yung mga kaklase ko naman, nakanganga lang ang bibig tapos si Cheesy naman...

"Bravo! Bravo!" sabi niya sabay palakpak tapos kinindatan niya ako. Si cheesy talaga. Nabilaukan bigla ang apdo ko nang tumaas ng kaonti ang self-esteem ko.

"Yas, Mastar, Chavaz?" Napalingon naman ako sa may gilid ko, nag-hands-up si Heaven tapos agad naman siyang tumayo nang ina-proach siya ni Ma'am Mayprobe. Aba! Aba!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now