Kabanata 44.0: Chocolate

10.1K 303 27
                                    

FEAR

"PINAYAGAN MONG MANLIGAW SA'YO HELL? PA'NO NA SI HEAVEN? PA'NO NA SIYAAAAAAA?" labas tonsil na sigaw ni Cheesy sa harap ng pagmumukha ko. Lahat ng laway niya ay tumalsik sa mukha ko. Bwesit.

"Chessy? Ba't ka ba sumisigaw? Ang lapit lapit lang natin oh?" kalmado ngunit naiinis kong bulalas kay Cheesy. Nandito kami sa loob ng guidance ngayon. Kung bakit? Sinungkit kasi ni Chessy 'yung peluka ni Sir Boompa e. Kaya eto, bestfriend n'ya ako kay damay-damay na.

"EH BAKIT MO KASI--MIMAYAGAN? MAMET MO MASE MEMEME-PWE!" Napahinto si Cheesy nang ipinakain ko sa kanya ang peluka ni Sir Boompa na pinamumugaran ng sandamukal na kuto.

"Ano ba, Cheesy! OA lang? Hindi ko pa nga sinasagot e," utas ko sa kanya. Akala ko magsasalita si Cheesy pero bigla siyang humarap sa akin at bigla niya akong sinakal.

"Aaack!"

"So, may plano ka nga sagutin 'yung kutong-lupa na 'yun? Sabihin mo Fear? Sabihin mooo!"

"Cheesy! Aaack! Anooabaaack!"

Pareho kaming napalingon ni Cheesy nang biglang pumasok 'yung guidance councelor.

"Both of you! STAND UP!" nagngangalit nguso at gilagid na sigaw nung guidance councelor at agad naman kaming napatayo habang gulat na nakadilat ang mga mata.

"45 Degrees!" sigaw n'ya tapos pareho naman kami ni Chessy na napa-45 degrees ang mga paa.

"NAHULI KAYONG DALAWA NA GUMAGAWA NG MALISYA SA MAY CR NG MGA BABAE! UMAMIN KAYONG DALAWA!"

"ANOOO?" parehong sigaw namin Cheesy.

"S-sir, hindi po kami gumawa ng milagro, eto po kasing si Cheesy e sinungkit niya kasi 'yung peluka ni Sir Boomp--" magsasalita pa sana ako kaso,

"UMAMIN KAYO! SINO ANG TOMBOY SA INYONG DALAWA???"

Dahil sa pinaghalong kaba at pagkawindang ay agad kong naituro si Cheesy naging dahilan upang maibuka niya ang bibig niya at...

<*NGANGA*>

* * *

"Saan na ba si Cheesy?" medyo malungkot at palingap-lingap kong bulalas. Hinahanap ko si Chessy pero hindi ko siya matagpuan. Saan na kaya 'yun? Papunta ako ng cafeteria ngayon. Lunchbreak na kaya kakain na ako ng pananghalian. Haay, saan na ba kasi si Cheesy? Hindi pa ba siya tapos sa sanction niya?

Habang naglalakad ako ay agad na sumalubong sa paningin ko ang sandamukal na college students na nanghalian sa bawat table. Napakamot ako ng ulo kasi wala na akong nakitang bakante maliban sa isang table kung saan may nakaupo na pero may bakante pa rin sa may side.

"My table is free, you can sit with me." Walang pagdadalawangisip akong umupo sa table na iyun nang hindi man lang tinitignan kung sino ang nakaupo. Masaya akong umupo, kinuha ang pang-grade 3 na luncbox ko na hinaram ko kay Angry na napanalunan niya sa raffle fraw sa supermarket na suki ni Papang. Agad ko namang kinain ang pinakbet na luto ni Mamang at nakangiting nginuya ang kutsara. Pero siyempre, joke lang.

"Choco Girl, dahan-dahan lang."

"Uho! Uho!"

Halos maibuga ko ang mga kinain ko sa tapat nang pagmumuka ng lalaking nasa harapan ko nang marinig ko ang boses na iyun. Ang boses ni Heaven.

Agad akong kong tinignan ang ilalim ng lunchbox ko, pero wala siya roon. Agad naman akong napalingon sa katabi kong table at agad na itinaas ang skirt ng babaeng kumakain roon, pero wala pa rin si Heaven. Saan ba siya?

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now