Kabanata 19.5: Kiss

19.9K 649 115
                                    

Kabanata 19.5
When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 19.5: Kiss
Writtenby: JoeyJMakathangIsip


FEAR
"I told you na ingatan mo ang matres mo. Paano na lang kung madakdak 'yan at hindi na tayo magka-anak?"

Agad kong naitaas ang mukha ko at bukod sa mga bituin sa langit ay nakita ko ang isang nakangiting Heaven Chavez. He offered his right hand to me at nang mahawakan ko ang malambot n'yang kamay ay tila nakaramdaman ako ng kakaiba. Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Inalalayan niya akong tumayo at hindi naman ako makatingin sa kanya ng maayos. Nao-awkward ako sa paghawak n'ya sa kamay ko e. Nahihiya kasi ako sa kamay n'ya. 'Yong sa kanya, ang lambot, 'yong sakin, nevermind.

"Gusto ko ng umuwi," I coldly told him at saglit lang na tumingin sa kanya.

"Agad agad? Usap muna tayo," he said enthusiastically at nginitian n'ya ako. Ba't ganito? 'Pag nginingitian n'ya ako ay parang automatic 'rin na napapangiti ako? Ngumiwi ako para pigilan 'yong ngiti ko.

"Okay," sabi ko sa kanya at dahan dahan kaming naglakad sa may gilid ng daan. Tahimik lang ang buong paligid na dinadaanan namin. May mangilan ngilang insekto ang nag-iingay. Paminsan-minsan, mayroon ding dumadaan na mga sasakyan. Bakas naman ang magandang kondisyon ng panahon sa kalangitan. Kitang kita ang mga nagkikislapang bituin na animoy para lang silang mga nakasabit na ornamento, kasama naman ng mga bituin ay ang kulay asul at bilog na bilog na buwan. Pakiramdam ko tuloy, para kaming magsing-irog na nag-de-date sa kalagitnaan ng gabi.

"Alam mo bang ang yaman-yaman ng papa ko pero pakiramdam ko, siya na ang pinakamahirap na tao sa mundo?" he said out of nowhere. Nakapmulsa lang siya ngayon at masigasig na naglalakad. Ang cool n'yang tignan. Medyo madilim iyong nilalakaran namin pero buti na lang talaga ang nagba-blush iyong pisngi ko at nagkakaroon kami ng kaonting ilaw dahil doon. Thank you na rin sa mga paindap-indap na sodium lights at nakakalakad pa rin kami ng maayos.

"Bakit naman?" tanong ko sa sinabi n'ya.

"Because, there's one thing he can't afford to have."

"Ano 'yon?"

"Love." Sa sinabi n'yang iyon ay tila huminto ng isang segundo ang mundong ginagalawan namin. Para kaming nabato. Pareho kasi naming alam na isa 'yong katotohan. Katotohanan na walang puso ang Daddy n'ya. Gagawa ba naman ng project na madadamay ang madaming tao?

"He's been too busy in earning money at hindi n'ya namamalayan na marami na palang nawala sa kanya." Naramdaman ko bigla ang sinseridad sa sinabi n'ya. Bakit ganito siya magsalita? Bawat letrang binibigkas e parang ang lalim ng hugot?

"You know, mas pipiliin ko pang maging mahirap e. Though maghihirap kami, basta't sama-sama lang kami ay okay na. Kahit noodles lang o sardinas ang ulam namin, e okay pa rin. Basta't sama-sama kaming kakain sa isang mesa. Magtatawan, magkwekuwentuhan. Alam mo 'yon? Ikaw ba?" tanong n'ya sakin.

"Ako, gusto kong maging mayaman." Pagtaliwas ko sa sinabi n'ya.

"Gusto kong maranasan kong pa'no mamuhay ng elegante. 'Yong tipong sosyal? 'Yong tipong 'OMG, so nakakabanas na here, I think I'm gonna die na. So kaloka na!'" dagdag ko with actions. Natawa naman si Heaven sa ginawa ko.

"'Yong tipong, ang haba-haba ng mesa namin sa kusina tapos hindi na kami nagkakarinigan ng mamang at papang ko, 'Anak? Paabot nga ng kanin!' 'Ano po? Hindi ko po kayo marinig' 'Sabi ko, paabot ng kanin' 'Ahh, okay po, ito na po 'yong kambing! 'Ang sabi ko, kanin! Hindi kambing! Ulol!" dagdag ko ulit with actions tapos natawa ulit s'ya.

"'Yong mga ganung tipo? Pero, aanhin ko pa ang pagiging mayaman kung kagaya ng sinabi mo, we can't afford to have lohoove 'di ba?!" nakangiti kong tugon sa kanya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now