AYR 12: THE FIRST MISSION-SPYING

515 36 3
                                    

[TAMARA]

Sinalubong ko si John ng mga ngiti ko. Ngunit iniharap niya ang kaniyang kamao sa akin. Akala ko'y susuntukin niya ako kaya medyo nagulat ako, yun pala'y gusto niya lamang makipagfist bump. Natawa ako rito.

"Yow, Tamara!" Masigla nitong bati sa akin. Narinig ko rin ang yabag mula sa hagdanan at kahit hindi ko tingnan ito ay alam kong bumaba na sina Hale at Seb mula sa kuwarto nila.

"Here comes the storm," rinig kong bulong ni Seb.

"Seb!" tawag ni John dito. Tumakbo ito palapit kay Seb at niyakap ito. Mukha namang walang malisya. Manly hug.

"Namiss kita bro, 'di ka na masiyadong natambay sa pasiyalan ah" bati ni John kay Seb. Mukhang close na close nga sila nito.

"Sorry," napakamot sa batok si Seb. "I just have to prioritize my studies. I'm still welcome, right?"

Napatigil si John sabay medyo tumawa. "Oo naman bro, namimiss ka na ng mga kaibigan natin."

Dahil parang sila lamang ang naguusap ay sumingit na rin ako. I coughed a little. Nakuha ko naman ang atensyon nila.

"Mukhang magkakilala na kayo ah?" Tanong ko sa kanila.

Tumango si John at ngumiti. "Oo, magkaklase kami noong high school tsaka naging magkaibigan din noong nasa Laguna pa sila nakatira kaso nung lumipat sila ay 'di na siya masiyadong nakakasama sa amin."

"Ah, ganun ba?" sabi ko na lang dahil wala na 'kong maidugtong pa.

"Hale nga pala, 'pre." biglang singit ni Hale. Hindi pa nga pala sila magkakilala ni John.

"John, bro." Pagkatapos nilang magpalitan ng pangalan ay nagkamayan naman sila.

Mukhang maingay talaga 'to si John pero mukhang mabait naman. Mayroon siyang suot na makapal na salamin. Hindi ko matantiya kung ilan ang grado noon pero sigurado akong mataas.

Nakasuot ito ng puting maluwag na damit at shorts na lagpas ng kaunti sa tuhod. Nakasuot din ito ng rubber shoes at may kwintas na krus.

May dala itong isang travel backpack at isa pa uling backpack na halos walang laman, parang laptop bag ata iyon.

Umupo kaming lahat sa sofa at gaya ng ginawa ko kila Hale ay tinanong ko rin siya.

"Isa akong Information Technology graduate pero 'di pa ko nagtatrabaho kase gusto ko pang masulit 'yung graduate life ko," aniya.

"May mga nag-aalok na sa akin pero sa tingin ko kase hindi pa ko handa, kaya minabuti kong 'wag munang tanggapin." pagpapatuloy niya.

"Sayang naman 'yung offer, bakit tinurn down mo?" pagtataka ko.

Bumuntong-hininga siya, "Hindi ko naman tinuturn-down sadiyang hindi ko lang muna tinatanggap."

Tumango na lamang ako.

Pagkatapos naming mag-usap usap sa sala, hinatid na nila Hale si John sa kuwarto nila. Magiging ayos naman siguro sila doon.

Tinignan ko ang gc para sa iba pa naming kasamahan. Sabi ni Felize ayaw raw muna siyang payagan gayong araw kaya hindi muna siya makakasama. Si Pauline naman ay on the way pa lang dahil taga-Davao pa ito. Mukhang bukas o mamaya pa ito makakarating.

Tumunog bigla ang phone ko dahil sa notification na natanggap. Galing ito sa app na omnibus. Bumalik ang kaba ko matapos kong makita ang app na ito. Sinubukan ko na itong i-delete kahapon ngunit ayaw gumana.

I clicked na notification bar and pressed the notification for omnibus. Natigilan ako ng makita ang nakasulat.

= OMNIBUS =

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon