AYR 61: READY?

141 12 0
                                    

[FELIZE]

"

Kanan!"

"Baba!"

"Yaaaah!"

"Sige pa!"

Nasa isang linggo na ang nakalipas nang sabihan kami ni Ate Pauline na tuturuan niya kami sa pag-eensayo. Simula ng araw na iyon ay halos buong araw na kaming nagsasanay.

Masakit na ang katawan ko kaso nakakahiya naman kung magrereklamo ako kase kitang-kita sa mga kasama ko ang determinasyon na matuto.

Tumutulo na ang pawis ko at hingal na hingal na ako sa ginagawa naming training. Nasa maayos na paghahawak kami ngayon ng weapons at kakatapos lang namin sa combat fighting. May hawak hawak akong samurai habang dalawang espadang katamtaman ang haba naman ang kay ate Tamara. Kami ang pinaglalaban ngayon at halatang wala akong kalaban-laban kay ate Tamara at mukhang pinagbibigyan niya lang ako. Halatang sanay na sanay siya sa weapon na nakuha niya habang ako, nakailang beses ng palit ng weapon dahil hindi ko pa rin malaman kung ano ang para sa akin.

"Felize," tawag sa akin ni Pauline pagkatapos ng sparring session namin ni Ate Tamara. "Ano ba talagang klaseng weapon ang gusto mo? Kase kung saan ka sanay, saan ka kumportable doon ka dapat na magsanay."

Ano nga bang klaseng weapon ang dapat kong gamitin? Hindi ko alam kung ano ang bagay sa akin na gamitin.

Tinignan ko ang mga nakalatag sa lamesa. Napadaan ako sa isang lamesa na punong puno ng mga espada at punyal. Hindi ko makita at maimagine ang sarili ko na gagamit ang matatalas na mga gamit na iyan. Hindi ko kaya ang ganoong kadugong pakikipaglaban.

Kasunod naman niyon ang mga long range weapons. Kasama rito ang iba't ibang klaseng mga bow and arrow at mga baril. Hindi ko rin nakikita ang sarili ko na humahawak ng ganoon klaseng mga panlaban.

Andito na ako sa lamesa na punong puno ng staffs at iba pang katulad na weapon katulad ng arnis. Sa tingin ko mas sanay ako na gamitin ang mga ganito. Pinadausdos ko ang kamay ko sa isang mahabang staff saka ito kinuha. Mahigpit ko itong hinawakan saka bumaling kay Pauline.

"Nakapili na po ako," sabi ko habang hawak hawak ang staff gamit ang dalawang kamay ko. Nagulat ako nang biglang kumuha ng espada si Pauline at itinutok sa leeg ko. Hindi ako makagalaw dahil takot akong masugatan nito.

"Sa pakikipaglaban, hindi ka dapat nagtitiwala sa kahit na sino. Dapat lagi kang handa sa posibleng nga aksyon na gawin nila."

Binaba niya na ang hawak na patalim at napatango ako sa sinabi niya. Lahat ng pangaral niya ay tinatandaan ko. Lahat ng ito, sinusubukan kong ipasok sa isipan ko.

"Hindi mo alam kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan, always watch your back from traitors."

Pagkasabi niya noon ay sinugod niya uli ako gamit ang espada niya ngunit ngayon, handa na ako at natantiya ko ang pag-atake niya.

Napigilan ko ang espada niya gamit ang staff ko. Ang lakas ni Ate Pauline! Hirap na hirap ako at halos ilagay ko na ang lahat ng lakad ko rito pero siya, prenteng-prente lang at walang kahirap-hirap sa pakikipaglaban.

Inalis niya na ito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumingin sa paligid. Nag-eensayo na rin ang lahat at nakikipagsparring sa isa't isa. Mukhang handang handa na sila at ako na lamang ang napag-iiwanan.

Kakayanin ko ito. Alam kong kaya ko 'to.

Natigilan ang lahat nang sabay sabay na tumunog ang mga cellphone namin sa hindi kalayuan.

Alam na namin kung ano iyon.

Sapat na ba ang paghahanda namin?

Are we ready?

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon