AYR 59: MASTERMIND

159 12 0
                                    

[PAULINE]

"What?" gulat na tanong sa amin ni Tamara.

I mean, yes. Sino ba naman kasing maniniwala na si Amber pala ang may pakana nito all along?

Gulat na gulat din ako nung nalaman ko ito. Could she actually do that? Pero nakita talaga ng dalawang mga mata ko ang biglaang pagbabago niya. From a sweet kind girl to a badass one.

"You mean... siya 'yung mas mataas kay Veronica?" hindi ko na mabilang pa kung pang-ilang tanong niya na ito pero sinagot ko pa rin. I understand why she's acting that way. Ayaw niyang paniwalain ang sarili niya, ganito rin ako noong umpisa.

Tumango ako sa tinanong niya.

"Impossible." sabi niya na lamang saka hawak sa ulo niya. Alam kong hindi kapani-paniwala pero kailangan naming paniwalaan.

Hindi rin dapat ako maniniwala sa nalaman at nasaksihan ko. Una kong aakalain na guni-guni ko lamang iyon, o maaaring panaginip lamang. Pero hindi lang ako ang nakakita, hindi lang ako ang nakasaksi. Nandoon din si John kaya totoo talaga ang mga nakita ko. Hindi ko lang iyon guni-guni at lalong hindi ko panaginip.

"Amber saw you, right?" Seb asked me and I nodded as a response. "What should we do now?"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"If Amber really did saw you, she must have known by this time that we already discovered that she's the mastermind."

So?

Hindi ko magets ang sense ng sinasabi ni Seb kaya magtatanong na sana ako kaso naunahan ako ni Tamara.

"Then? What are you implying to?" she asked him.

"Then she knows that we are already after her." He paused for atleast a second then continued but was cut off with Tamara's words.

"Oh, I get it now." she exclaimed pointing her index finger at the ceiling. "Dahil alam niya nang alam natin na siya nga ang may pakana ng lahat ng ito, it means na naghahanda na rin siya ng pang-atake sa atin, right?"

Tumango si Seb sa kanya. "And if that's the case, we should be ready for the possible actions. We should be prepared for whatever may come."

Tama si Seb.

Dapat maging handa kami sa kung ano man na gawin nila. Dapat magprepara na kami sa lalong madaling panahon ng mga pandepensa namin dahil hindi namin alam kung hanggang saan aabot ang kasamaan ni Amber. Hindi rin namin malalaman kung ano ang nasa isip ni Amber ngunit alam kong napakagulo nito. Maaaring may sakit na rin siya sa utak kaya niya nagagawa ang mga bagay na iyon.

Gaya nga ng sinabi nila, hindi imposible na kumikilos na ngayon si Amber at ang mga tauhan niya upang maunahan kami sa paghahanda at pag-atake gayong natuklasan na namin ang katauhan niya.

Kailangan naming paghandaan ito. The worst has yet to come. Kailangan naming magsanay nang maigi para makapaghanda laban sa kanila. Alam kong wala kaming laban sa ngayon ngunit alam ko na kapag dumating na ang panahon na makakaengkuwentro na namin sila, alam kong handang handa na kami. May laban na kami sa kanila. At sisiguraduhin ko na mapapabagsak namin ang grupo nila, kahit gaano pa man sila kalaki.

Ngunit hindi lang mga sarili namin ang kailangan naming isipin at problemahin dito. Natatandaan ko pa kung ano ang ultimate mission naming lahat kung bakit kami pinagtipon-tipon. Ang iligtas si Amy... mula sa sarili niyang kapatid.

Napalampas na namin ang pagkakataon na magawa iyon noong nakaraan kaya hindi na kami maaaring pumalpak dito. We only have one chance to save her. One chance to end this game, this chase.

Alam kong kakayanin namin. Ngunit ang tanong, kaya ba naming lahat?

Kaya kailangan naming magsanay upang makapaghanda. Tatapusin namin ito. Tatapusin namin ang sinimulang laro sa amin ni Amber. At dapat, kami ang mananalo.

Are you ready to witness our victory?

ARE YOU READY? | completedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant