AYR 27: EMOTIONS

295 21 1
                                    

[HALE]

Nasa sasakyan na kami ngayon papunta sa bangin na sinasabi ni Tamara. Ang tawag daw dito ay the verge ayon sa kanya dahil na rin siguro ay nasa dulong bahagi ito ng lungsod.

Base nahanap ni John sa internet, may nakatayong abandonadong dalawang-palabag na inn dito at magbabakasakali kami na baka ito na nga ang "auberge".

Nasa driver's seat pa rin si John habang nasa shotgun seat si Pauline. Sa kasunod na row ng upuan ay nandoon si Seb, Krissha at Felize. Habang sa dulong bahagi naman ay nandito kami ni Tamara.

Pansin ko ang pananahimik at pagiging mailap ni Tamara. Kanina pa siya natutulala at mukhang malalim ang iniisip niya. Nagsimula ito nang hanapin namin ang lugar na pupuntahan namin ngayon.

Sabi niya ay alam niya ang lugar na iyon noong bata pa lamang siya. Nababagabag ba siya dahil doon? Anong meron sa lugar na iyon?

"Hey," pagkuha ko ng atensyon niya. Mukhang hindi niya ako narinig kaya't inulit ko na lang ito.

"Tamara..." she set her gaze to me still not saying anything. I know there's a reason why she's silent but I don't think it will be a great idea if I'll ask her about it.

"Are you sure you're okay?" paguulit ko sa tanong ko na pinutol niya kanina.

Sinagot niya lamang ito ng ilang tango saka itinungo ang ulo. Dinako niya ang atensyon sa mga kamay at dinudutdot ito.

Ramdam ko ang tensyon na nararamdanan ni Tamara kahit hindi siya magsabi. Halatang-halata ang pagbabago niya ngayon.

Kinuha ko ang kamay niya kaya't medyo nabigla siya at napatingin sa akin. Sinuklian ko lamang siya ng matamis na ngiti.

"I don't know what you're experiencing right now but I know you'll get through it." I assure her with my words. "Just remember that we are always here for you. We are all ears."

Hindi siya agad nakasagot sa gulat kaya't hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.

"T-thank you..." she bit her lips like she was forcing herself not to cry. Konti na lamang ay parang iiyak na siya.

Hindi ko binitawan ang mga kamay niya hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin.

Lumabas na kami ng sasakyan at siya na rin mismo ang umagaw ng kamay niya mula sa akin upang hindi kami mapansin ng ibang kasama namin.

Nilibot ko ang paningin sa paligid.

Punong puno ito ng mga matataas na damo sa paligid na tumubo na dahil sa tagal na hindi nagagalaw. Mahangin din sa gawing ito, na lahat ng hibla ng buhok ko ay hinahangin.

Tiningnan ko si Tamara.

Nasa may dulo siya ng bangin habang nakapikit ang mga mata. Nililipad ang buhok niyang itim na itim at ang dress niyang lila. Ang peaceful niyang tingnan doon.

Humakbang ako papalapit sa kaniya habang nakafocus pa rin ang tingin ko sa maamo niyamg mukha.

Mukhang hindi niya napansin ang presensiya ko hangga't sa iminulat na niya ang mga mata niya.

Medyo nagulat pa siya nang makita akong nakatingin sa kaniya ngunit agad naman siyang nakabawi sa pagkabigla.

"A-anong ginagawa mo diyan?" hindi niya ako matingnan ng deretso habang tinatanong niya ako.

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kaniya.

"It's gonna be fine, Tamara. I promise." I flashed a genuine smile.

Napalunok siya. "Will everything be... really fine?"

"Yes, Tamara. Trust me."

I held her hand ang gently pulled her close to me. I enveloped my arms onto her. I felt her body stiffened.

She was still in shock until she hugged me back. She gave me such a tight hug.

Nanatili kami sa ganoong posisiyon hanggang sa naramdaman ko na lang ang biglaang pag-alog ng mga balikat ni Tamara. Naririnig ko na rin ang mahihina niyang hikbi habang nararamdaman ko na rin na nababasa na ang dibdib ko at balikat.

"Shhh, Tamara. It's gonna be over soon." I caressed her hair gently.

Lalo pa siyang umiyak dahil doon. She freed from the hug as I cupped her face. I wiped the tears flowing down her cheeks.

"It's okay Tamara."

"I-i'm sorry if you saw m-me in this vulnerable state of m-mine..." nahikbi niya pa ring sabi.

"Why am I such a crybaby? I hate to be emotional." her words doesn't seemed like it soothed her.

"Everybody gets emotional when they get hurt. Some prefer to vent it out through crying, anger, etcetera, while other decide to hide it themselves." I comforted her.

"I'm weak.."

I put my forefinger on top of her lips and shushed her.

"No you're not." I opposed her. "For me, people who cry are the strongest. They can show their emotions to other people. Unlike for those who hide their true feelings, they are cowards."

They are the real cowards. Takot silang mahusgahan ng mundo kaya mas pinipili na lamang nilang itago ang nararamdaman nila.

Kahit na ang sakit na, kahit na hindi na nola kayang mag-isa. Kailangan nilang gawin upang hindi mapahiya, upang hindi makadismaya ng iba.

Muli siyang yumakap sa akin pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. It seemed like it comforted her.

Nang kumalas siya ay tumingin siya ng deretso sa akin.

"T-thank you..." she said and I smiled in return.

"Cheer up!" she smiled back.

"Tara na! Baka hinahanap na tayo ng mga 'yun." sabi saka hinila ang kamay ko. Ang kanang kamay naman niya ay hinahawi ang mga namuong luha.

Bilib ako sa kaniya ang tapang niya. Nakaya niyang ilabas lahat ng nararamdaman niya. Nakaya niyang umiyak sa harapan ng ibang tao.

Sana ako na lang siya. Sana ganyan na lang rin ako. Sana naging mahina na lang ako sa harap ng society dahil para sa akin ayun ang tunay na malakas.

Habang nakatitig ako sa kaniya ngayong natakbo kami ay hindi ko maiwasang mainggit.

Sana lang talaga...

ARE YOU READY? | completedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz