AYR 80

149 11 0
                                    

[HALE]

Takbo pa rin kami ng takbo kahit na wala kaming nakikitang nahabol sa amin. Nakita nila kami kanina sa pinagtataguan namin kaya hindi malabong masusundan nila kami.

Wala na akong masiyadong mga bantay na nakikita ngayon sa paligid. Tanging ang mga tunog na lamang ng mga paa namin na lumalapat sa sahig ang nagdudulot ng ingay sa paligid. Umaaliwangwang ang pagtapak namin pati na rin ang paghinga namin.

"Let's go there!" Sumigaw si Seb sa amin saka itinuro ang metal na hagdanan ng railings na papunta sa second floor.

Agad kaming tumakbo papunta roon at umakyat. Pinauna namin si Seb, saka sumunod si Krissha at Felize, at nagpahuli ako.

Tinulungan ni Seb sila Felize sa pag-akyat at hinila sila gamit ang braso niya na walang sugat. Nang makaakyat na kaming lahat, sabay-sabay kaming napaupo sa sahig dahil sa pagod.

"Fudge, that was close!" Seb cursed.

Nakita kong tumingin naman nang masama si Krissha kay Felize while the latter just turn her head down.

"Kase naman eh!" biglaang sigaw ni Krissha. "Kung hindi ka sana sumigaw edi sana may chance pa tayong naligtas si John mula sa kanila. Argh!"

Napasabunot na lang si Krissha sa sariling buhok sa sobrang inis. Naiinis rin ako sa ginawa ni Felize, pero nangyari na. Wala na tayong magagawa doon, kaya dapat pagkaabalahan na lang namin kung ano ang kasalukuyang nangyayari ngayon.

"S-sorry..." mahinang sabi ni Felize na halatang nahihiya sa amin.

"Your sorry won't do anything!" mataray pa ring pagkakasabi ni Krissha so I have no choice but to butt in. Hindi na iyon mahalaga ngayon.

"Your shouts won't do anything good too." sabi ko kay Krissha pero inirapan niya lang ako ng mga mata. "Nangyari na ang nangyari, okay? And we can't undo it, can we? So, ang kailangan na lamang nating gawin ngayon ay huwag magsisihan."

"We should work together as one now. Walang magsisisihan at lalong walang gagawa ng isang bagay nang padalos-dalos, okay? This is not our place so every part of this warehouse isn't safe."

Tumango na lamang sila sa sinabi ko probably realizing na walang patutunguhan ang pagsisisihan namin. Napahiwalay na sa amin si John. It will be more difficult if someone will get caught from us also. Mas madaling gumalaw kung hindi ka mag-isa.

Tumayo na kami sa pagkakaupo dahil baka may makakita na sa aming mga kalaban ngayon. Sa dami ng napatumba kanina ni Pauline ay wala na kaming nakakasalubong ngayon. Tumakas na siguro ang iba tapos ang iilan ay nagbabantay sa mga master nila.

We should get into that room wherein Amy and Amber is in. We need to stop them from doing all of this. Kailangan namin silang mapigilan dahil kung hahayaan lang namin sila, mas marami at mas malala pa ang maaari nilang gawin.

We roamed around the second floor and checked every container ban that we found there. Pumasok kami sa isa sa mga bagon na naglalaman ng mga crates. Sobrang dami nito na magkakapatong patong.

Sinipa ni Seb ang isa sa mga ito kaya tumambad sa amin ang napakaraming baril sa loob nito. There were rifles, pistols, machine guns, and sniper rifles. Ito ba ay isa sa mga business nila? Hindi ko nakitang may gamit na nga baril ang mga tao sa first floor. Is this exclusive for the elite ones? At 'yung mga elite iyon ang sa tingin kong nasa second floor ngayon. So we need to be prepared huh? Dahil armado na ang mga tao ng mga baril sa palapag na ito. Mas mahihirapan kami kalabanin sila. Nagtraining naman kami kay Pauline kung paano humawak ng baril pero kinakabahan pa rin ako.

Kumuha si Seb rito ng isang AK-47 na rifle at isinukbit sa balikat niya. Tinignan ko siya nang mataman. Ano gagawin niya doon?

"Just in case." aniya saka kumuha ng tatlong pistols at ibinato sa amin. Lumapit ako sa isa sa mga crates at kumuha pa ng isang pistol at isang revolver saka inilagay sa pantalon na suot suot ko. Kumuha rin ng tag-isa pang pistol sila Krissha.

Napansin kong nangingig pa si Felize habang hawak hawak ang baril. Hindi pa rin siya sanay sa paghawak nito kaya sa tingin ko hindi magiging maganda kung lalaban siya nang baril lang ang hawak. Ako naman ay medyo sanay na dahil sa nga training dahil sa kurso kong criminology, kaya walang kaso sa akin kung ito ang gagamitin kong panlaban.

Umikot ako sa loob ng bagon at nagbukas pa ng ilan crates. Ang karamihan dito ay puro baril ang laman, while some has knives and daggers inside. May bow and arrow din na hindi naman namin magagamit dahil sa masikip ang area at may mga spears and swords din. Lahat nang ito ay takot gamitin ni Felize kahit noong training pa lamang namin kaya napailing na lang ako.

May isang crate na naiiba sa may dulong bahagi kaya lumapit ako doon at muntik na akong mapatalon sa tuwa nang may mga staffs akong nakita sa loob nito. This would be perfect!

Binigay ko ang staff kay Felize na kaagad niya namang tinanggap habang nakangiti. Kahit noong training pa lang, Felize was the best at using staffs. Alam kong napakahirap nitong gamitin sa pakikipaglaban lalo na't wala itong talim kahit saan at para lamang itong stick kaya namamangha talaga ako tuwing ginagamit niya ito bilang panlaban.

Sinubukan ko na itong gamitin pero wala, hindi talaga ako marunong. Natalo niya pa nga ang lahat sa amin na ito lamang ang gamit niyang panlaban.

Umalis na kami sa lugar na iyon saka kami naghanap nang maaring mapuntahan.

May naririnig kaming mga kalabog galing sa isang daanang hallway dito sa second floor. May nangyayaring labanan sa hindi kalayuan.

Si Pauline at Tamara! Sila ang unang pumasok sa isipan ko! Dalawa lamang silang magkasama. Kahit na malalakas naman sila hindi ko naisipang mag-alala.

"Saan 'yon?" tanong sa amin ni Krissha pero walang nakasagot ng tanong niya.

We heard several gunshots kaya lalo kaming kinabahan.

Sana okay lang sila. Wait for us, tutulungan namin kayo.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now