AYR 74

155 10 0
                                    

[KRISSHA]

"Maghanda na kayo, susugod tayo."

Napaamang ako sa sinabi ni Pauline. Nababaliw na ba sila? Delikado ang pinaplano nila!

"What?" pag-angal ko sa kanila.

Pero lalo akong naguluhan nang tumango silang lahat saka kumilos.

Napapadyak na ako ng paa ko kaya nakuha ko ang atensyon ng nila. "Are you guys insane?"

Tinignan lang nila ako nang nagtatataka.

Seryoso ba sila?!

Nababaliw na sila! Nilamon na sila ng galit nila! Are they still on their sane state of mind? Like seriously, puwede naman kaming magsumbong nalang sa mga authorities and let them handle the situation, right? Pero ano 'tong what the freak na naiisip nila? Kailangan pa talagang sumugod doon? They risk everyone's safety sa pinaggagagawa nila!

"What's wrong, Krissha?" tanong sa akin ni Seb.

Siya rin? Anong nangyayari sa kanila? Fuck.

"Pati i-ikaw?"

Ibinaba niya ang armas na hawak saka tumingin ng diretso sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Pati siya?

Akala ko kakampihan niya ako ngayon. Pero bakit pati siya gustong sumugod sa kanila?

"Babe..." he called me. "Can't you see the situation right now?

Huh? Ano? "Can't YOU see the situation right now?" ibinalik ko sa kanya ang tanong.

Talagang inemphasize ko ang you sa tanong na iyon dahil mukhang sila ang hindi nakakaintindi. Hindi nila ako naiintindihan.

"What do you mean?" Nakakunot na ang noo niya ngayon. Ganoon din ang pinapakitang ekspresiyon ng halos lahat sa kanila.

Seriously?

I sighed. Kailangan ko talagang mag-explain? Hays.

"Bakit ba gustong-gusto niyo pa rin na sumugod dun, ha?" tanong ko sa kanila. "We can just call the police at sila na ang bahala sa sitwasyon 'di ba? Why risk our lives for this?"

"Are you afraid, Krissha?" mapanuksong tanong ni Pauline.

The heck?

"No!" agad kong angal. "Of course not!"

"Tsaka I'm asking you 'no? Don't answer me back with another question."

Argh!

Konti na lang mapapasabunot na ako sa buhok dahil sa inis na nararamdaman ko. Bakit ba ganyan na sila? Anong naiisip nila na hindi ko naiisip?

"You wanna know why?" biglang tanong ni Hale all of a sudden.

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Pero agad naman akong nakabawi kaya tumango naman kaagad ako bilang sagot. Siyempre 'no, I wanna know their side din naman.

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon