AYR 34: WASTED

224 21 3
                                    

[HALE]

Nandirito pa rin kami sa sala ng bahay nila Tamara. It was fun playing truth or dare indeed.

Kitang-kita ko ang pamumula sa mukha ni Pauline ngayon matapos siyang halikan sa noo ni John. Ang mokong naman ay nakatulog pagkataos no'n.

Kaagad na naming inubos ang mga alak dahil sa nangyari kanina. Lahat ay nagulat ng gawin ni John ang dare sa kanya ni Krissha.

Apat na lamang kaming nag-aayos ngayon dahil nakatulog na si Tamara at John sa lapag dahil sa sobrang kalasingan.

Habang nakaupo pa rin ang iba palibot sa lamesa ay binuhat ko na si John papasok ng kuwarto namin.

Ang bigat niya at hirap na hirap akong dalhin siya dahil mas matangkad siya sa akin.

Nang maihiga ko na siya ay naglakad na ako papalabas ng kuwarto, ngunit napatigil ako ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"Pauline..." tawag niya dito. "I-i like you.."

Sinabi niya ang mga katagang iyon pagkatapos ay inakap ang unan na nasa tabi niya.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. I think he really likes Pauline, huh?

Dumeretso na ako sa sala ngunit nakita ko pa rin sina Pauline, Krissha at Seb sa kani-kanilang puwesto. Mukhang ayaw pa nila magpaawat at kumuha pa ng bagong set ng beer.

Natatawa naman ako sa posisyon ni Tamara dahil paikot-ikot na ito sa sahig. Mukhang hindi niya na alam ang ginagawa.

Kinuha ko siya at dinala sa kuwarto nila. Hindi naman ako nahirapan sa kanya dahil bukod sa hindi naman siya mabigat ay nakakaya niya pa namang maglakad kaso nagewang-gewang lang.

Kaagad ko siyang nadala sa kuwarto nila ngunit pagbukas ko ng pintuan ay may tatlong kamang nadirito. Hindi ko alam kung nasaan ang kanya rito.

"Doon..." sabi niya habang nakaturo sa isang kama sa may hindi kalayuan.

Dinala ko siya roon at akmang ihihiga na sana ng pigilan niya ako.

"Hale..."

Pagkasabi niya ng pangalan ko ay pinikit niya na ang mata niya at naramdaman kong bumigat na siya.

Inihiga niya ang sarili niya padausdos sa kama kaso nakakawit pa ang kamay niya sa braso ko kaya nasama ako sa pagbagsak.

What the-

I fell on top of her!

Nakatukod ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid niya upang hindi ko siya madaganan.

Ang peaceful niyang tingnan sa tanawing ito. Kitang kita ko ang mahahaba niyang mga pilik mata, ang kanyang matangos na ilong at ang maninipis na labi.

Hindi ko alam kung bakit parang nahypnotize ako. The moment I laid my eyes on her face, I just can't stop staring at it. Her face is so angelic. Hinding-hindi ako magsasawnag tingnan ito ng paulit-ulit.

Tatayo na sana ako but something's stopping me because I wanted to look at her gorgeous face this close.

No! Wtf man.

Ano 'tong iniisip ko. Hindi pwede 'to.

Tumayo na ako mula sa dati kong posisyon ngunit pinigilan ako ng mga kamay ni Tamara tuluyan na akong hinila pahiga sa kama.

Nagawa kong iiwas ang sarili kong mapabagsak sa kanyang kaya sa tabi lang niya ako bumagsak.

Nakapikit pa rin ang mga mata niya sa sandaling ito kaya malaya ko pa rin siyang napagmamasdan sa anggulong ito.

Kitang kita ko rito ang panga niyang matalim, ang mukha niya habang nakatagilid. Hindi pa rin kumukupas ang ganda nito.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.

Am I just wasted?

Yes. I'm probably just drunk.

Nakaramdam na rin ako ng antok pagkatapos noon kaya't minabuti ko na ring pumunta na ng kuwarto namin.

Tumayo ako sa kama niya ngunit nagalaw ko siya kaya bahagya siyang dumilat. Napatingin siya sa akin saglit bago muling pumikit ng mga mata.

"Hale..." She called me.

Tamara..

I wanted to call her too but I couldn't find my voice. I couldn't find the right words to say in this kind of situation.

Come on, Hale! Man up!

Magsasalita na ako ngunit narinig ko na ang mahinang paghilik niya.

Mukhang pagod na pagod na siya kaya hinayaan ko na lamang.

Kinuha ko ang kumot niya ay itinaklob sa kanya.

Naglakad na ako papalapit sa pintuan at pinihit ang seradura.

Sleep well, Tamara.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now