AYR 48: SECRET MISSION

189 13 0
                                    

[FELIZE]

Nasa may sala kami ngayon at tuluyan na nga naming nasabi sa pamilya ni Amy ang lahat.

Pumayag naman silang 'wag itong ipagsabi muna kahit kanino dahil sa app na iyon.

Madaling araw na ngayon at pagtingin ko sa orasan ko ay 12:30 na. Napahikab ako dahil sa antok na nararamdaman ko. Hindi kasi ako sanay na gising pa ng ganitong oras. Usually hanggang 11 lang ako at iyon na ang pinakamatagal ko.

"Gabi na pala mga iha," sabi sa amin ni Ginang Amelia. Napakamahinahon noya talagang magsalita. Parang lagi siyang nanglalambing kapag maririnig mo siya. "Dito na muna kayo matulog kung gusto niyo."

"Naku 'di na p-"

"Sige po!" pinutol ko ang sasabihin ni Tamara sa kanya. Paano kase antok na antok na ako. She glared at me kaya napagawa na lang ako ng peace sign saka tinapat sa mukha niya. Iniiwas ko rin ang paningin ko sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ginang Amelia dahil sa sinabi ko.

"Sige na iha," pagkukumbinsi niya kay Tamara. "Ikonsidera mo na lamang na maliit na pagsukli namin ito sa tulong na ibinibigay niyo sa amin. Tsaka halatang antok na antok na ang kasama mo oh."

Sinabi niya ang mga iyon habang nakatingin at nakaturo sa akin. Bigla tuloy akong nahiya sa puwesto ko. Napababa tuloy ako ng ulo ng kaunti at napasiksik sa sofa na inuupuan ko. Nakakahiya! Ganon na ba ako kawalang-hiya? Pero antok na antok na kase talaga ako eh.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Tamara at sa tingin ko ay pumapayag siya. Diba? Diba?!

"Sige po, salamat ho."

Yes! Pumayag siya!

Hinatid na kami sa mga kuwarto namin at magkahiwalay ang lalaki sa babae. May tatlong double deck sa kuwartong ito pero dalawa lang ang magagamit namin dahil apat lang naman kami naghanap na kami ng kanya-kanya naming puwesto at pumuwesto ako sa itaas na parte ng isang double deck na kama at nasa ibaba ko nakapuwesto si Krissha. Nasa kabilang kama naman sina Tamara at Pauline.

Naghugas muna ako ng katawan saka nagpalit ng susuotin ko.

Dumeretso na ako sa puwesto ko saka pinikit ng mga mata ko para matulog.

--------

Nagising ako sa gitna ng pagkatulog ko nang maramdaman ko ang pagvibrate sa higaan no'n. Napakalakas ng pagvibrate at talaga namang damang-dama mo dahil ang cellphone ko ay nakatabi sa may bakal na railings nitong higaan kaya may lumakas ang tunog.

Ugh! Inaantok pa ako!

"Patayin mo nga 'yan!" sigaw ni Krissha mula sa ibaba. "Istorbo ng tulog eh!"

Kaagad ko namang kinuha ang cellphone ko para tingnan kung bakit ito nagv-vibrate.

Hindi ko ito makita agad dahil sa liwanag na nanggagaling dito at kinailangan ko munang maghintay ng kaunti para mag-adjust ang paningin ko sa liwanag.

Nang nakikita ko na ay napansin kong 5:30 na pala ng umaga. Malapit nang sumikat ang araw. Ano kayang mayroon bakit natunog ito?

Binuksan ko ang cellphone ko gamit ang passcode ko at nagulat ako dahil isang notification galing Omnibus app ang natanggap ko.

Huh? Wait.

Ang cellphone ko lang ang umilaw at ako lang ang nakatanggap ng mission na ito. Bakit naman?

Nawala ang antok ko nang makita ko kung anong nakalagay dito.

••••

1 new notification

Open Notification?
Yes | No

••••

SECRET MISSION!!!!!

MISSION:
Get the Omnibus Book from your hideout.

TASK: Go to your hideout house without letting anyone know. Get the book after. Involvement of authorities will make this mission fail. Failing of this mission might result to someone's punishment or even death.

TIME ALLOTED: 4 hours.

••••

So ibig sabihin tama nga ang hinala ko na ang mission na ito ay para sa'kin lang?

Bakit naman kaya?

Umalis ako sa higaan ko nang tahimik dahil takot akong may magising na isa sa amin lalo na si Krissha. Nakakatakot siya kung magalit lalo na't napakainit ng dugo niya sa akin.

Agad akong nagbihis ng pang-alis at lumabas sa bahay ng mga Evangelista na ang dala lamang ay ang cellphone at wallet ko. Babalikan ko na lang 'yung mga gamit ko.

Nag-abang ako sa labas ng bahay ng tricycle na dumaraan o kahit anuman ngunit walang kahit anong sasakyan gayong maaga pa. Nagdesisyon na lang akong lakarin ito hanggang sa bungad ng subdivision na ito.

Masaya naman ang paglalakad ko dahil walang init na galing sa sikat ng araw dahil maaga pa at malamig din dahil maraming mga puno sa parteng ito. Napakasariwa rin ng hangin.

Nakarating na ako sa may gate at sumisikat na ang araw nang makapunta ako. Nag-abang ako ng masasakyan at buti na lang may dumaang bus na papuntang Quezon City.

Good luck na lang sa'kin at sa secret mission na ito! Excited na ako, hihihi!

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now