AYR 60: PREPARATION

165 12 0
                                    

[KRISSHA]

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang huli naming engkuwentro sa mga kalaban. Nakakapagod ang nakaraang linggo!

Hindi na ako nakasali pa sa pageant dahil sa sobrang raming nangyari sa buhay namin. Sayang iyon. Napakalaking kompetisyon niyon kaya sayang talaga kung papalampasin mo. Ngunit wala naman akong magagawa, kailangan ko itong ipagpaliban para matapos na ang walang katigilang laro na ito. Pagod na kaming lahat, dapat na naming tapusin ito.

Hindi rin naman na talaga ako sasali sa patimpalak na iyon dahil sa rami ng nakuha kong mga sugat at pasa mula sa mga misyon namin. Ang panget naman tingnan niyon kung nakasuot ako ng gown tapos may makikitang mga pasa sa braso at binti ko.

Ilang araw na rin ang nakalipas at nakauwi na ng tuluyan si Pauline at Tamara. Magaling na ang mga sugat nila mula sa huli naming pakikipaglaban.

Kitang-kita ko na talaga ngayon ang determinasyon sa mga mata nila na wakasan ang larong ito. Kitang-kita ko kung gaano sila nagpupursigi para matapos ang lahat ng ito.

Pinatawag kaming lahat ni Pauline sa living room ngunit hindi niya sinabi kung bakit. Kumpleto na kaming lahat dito at siya na lamang ang kulang. Lahat kami ay naghihintay ng mga sasabihin niya.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Malinis na ito at wala nang bakas ng dugo at mga bubog na nanggaling sa mga basag basag na gamit. May mga kagamitan na rin na nabago at pinalitan dahil nawasak ito dahil sa nangyari sa nakaraan.

Lahat kami na naririto ay nakasuot ng mga komportableng damit. Basta na lamang kami sinabihan ni Pauline na magsuot ng mga ganto dahil kakailanganin daw namin ito sa gagawin namin ngayon. Ano naman kaya ang ipapagawa niya.

Tiningnan ko ang suot ko. Napakapanget ng istilo nito, ngunit wala na akong magagawa dahil ito na lang ang natitirang damit na kumportable na natitira sa closet ko. Ang iba ay nasa laundry pa habang ang iba naman ay nasa bahay nila Amy. And there's no way, I'll get that back.

Dinako ko rin ang paningin ko sa mga kasamahan ko. They all seemed happy amidst what's happenning right now. Nakakaya pa naming ngumiti and I think that's a good thing, right? Wala namang mangyayari kung ilulugmok mo ang sarili sa mga problema at nangyayari sa buhay mo.

Life goes on. At para sa mga Pilipino, walang makakahadlang sa Filipino spirit. Maging bagyo man yan, lindol o kung anumang sakuna.

Nagkukuwentuhan sila rito, marahil ay para maibsan ang pagkabagot. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila dahil nakatulala lang ako sa kawalan at nag-iisip ng malalim.

Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"Ay, palaka!" malakas na pagkakasabi ko kaya napatingin sa akin ang lahat saka tumawa.

I glared at them. Bakit sila tumatawa? Masama na bang magulat ha?

Natatawa ring pumasok si Pauline mula sa pintong binuksan niya. Siya pala ang pumasok kaya umayos na kaming lahat sa pagkakaupo. Si Pauline naman ay piniling tumayo na muna habang naghihintay kami ng sasabihin niya.

"Uhm, hi?" awkward niyang pagbati sa amin kaya tumikhim siya saka umayos ng pagkatindig.

Kakaiba ang ayos niya sa araw na ito. Nakasuot siya ng pantalon na parang pang mga army ngunit walang camouflage na design, tinernuhan niya ito ng gray na sando na hapit sa katawan niya at isang pares ng black combat shoes. May suot suot din siyang metal na kwintas. Nagcocompliment naan ang buhok niya sa ayos niya ngayon. Nakadagdag ang maiksi niyang buhok sa pagiging astig niya. Para na siyang isang bidang babae sa isang action movie. Sa tingin ko bagay  siyang maging artista sa mga palabas. May kakilala akong manager na naghahanap ng talents, irerecommend ko nga ito kapag nagkita kami.

"Alam naman nating lahat na nasa gitna tayo ng isang laro ngayon," pagsisimula ni Pauline kaya tumingin na ako sa gawi niya at nakinig nang mabuti. "Nasa loob tayo ng isang gyera na gustong-gusto na natin matapos. Gusto na nating wakasan ang paghihirap na ito. Ngunit paano natin ito malalampasan, kung hindi tayo handa?"

Ito na naman ako sa hindi-ko-maintindihan-session ng buhay ko. Ano na namang pinagsasasabi ni Pauline. Anong ibig niyang sabihin dito?

Minabuti ko na lang na makinig ng mabuti para man lang may ma-digest ako sa sinasabi niya kahit kaunti.

"We need to get ready. And getting ready means knowing how to fight."

Wait.

No way!

Mukhang unti-unti ko nang nakukuha ang sinasabi niya. Mag-eensayo ba kami parasa pakikipaglaban.

Oh god. Kakayanin ko ba 'to? Para sa amin din naman ito 'di ba? Well, hindi ako marunong ng combat fighting—scratch that, hindi ako marunong ng kahit anong klaseng pakikipaglaban. I guess I really need this.

"Yes, you're right. I'm going to train you how to fight."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now