AYR 38: FOURTH MISSION-MEDIA

217 15 0
                                    

[TAMARA]

Nilibot ko ang paningin sa loob ng bahay nila at talaga namang napakalaki nito ngunit makaluma ang pagkakagawa, mula sa pintuan, hagdanan at kung anu pa man ay halos lahat kahoy.

Punong-puno ito ng samu't saring ilaw sa loob na iba ibang ang disenyo at ang kulay.

May isang 'di kalakihang chandelier din sa gitna na nakakapagpadagdag sa pagiging elegante ng paligid. May mga malalaking vase din na nakadisplay sa bawat sulok ng bahay, na halatang mamahalin at galing pa ng ibang bansa.

"Maupo muna kayo." she gestured us to sit down.

Dinalhan niya kami ng kape habang naghihintay kami saka siya umupo sa harapan namin.

"Ano uling kailangan niyo?" tanong niya habang nakangiti.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "We are from the TVC News and we are here to interview you about the famous author Amy Evangelista."

Rumehestriro sa kanyang mukha ang pagkagulat, mukhang hindi niya inaasahan na iinterviewhin siya ngayon tungkol sa nawawala niyang anak.

Suddenly, pain crossed her face. Halatang ang pagkawala ng panganay na anak niya ang dahilan ng namumugto niyang mga mata.

It also looks like she hasn't slept peacefully for days. Mukhang gabi-gabi ay iniiyakan niya ito.

Umiwas siya ng tingin sa amin at mukhang maluluha na.

"Are you okay?" pormal na tanong ko sa kaniya.

Nakatatak sa isipan ko ngayon na isa akong propesyonal na mamamahayag at ang aking mga kasamahan umano ang aking news team.

Si Felize at John ay sa camera at lights. Si Seb at Krissha ay sa script at kung ano pa mang kailangan off the camera while me, Hale at Pauline ay ang mga journalist and broadcasters.

"Yes, I'm okay." sagot sa amin ni Mrs. Evangelista habang natango-tango pa.

Biglang bumukas ang isang pintuan sa itaas ng hagdanan at tumambad sa amin ang halos kasing edad lang ni Felize na babae.

"Ma!" sigaw nito habang natakbo pababa ng hagdanan.

"Paano ito-" natigil ang pagsasalita niya nang makitang andito kami. "Sino sila?"

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti bago nagpakilala. "I am Tamara Yamoto and I'm from the TVC News. We're here to interview you about your older sister?"

Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya at dali-dali niy namang kinuha iyon at nakipagkamay. Matapos noon, ay ngumiti rin siya ng pagkalaki laki sa akin. Mukhang mabait ang isang ito.

"Hi po, Nice to meet you po. Ako po si Amber."

Pagkasabi niya noon, ay nilagpasan niya na ako at dumeretso siya sa nanay niya at may tinanong.

Habang nandoon kami ay bumukas naman bigla ang main door at pumasok dito ang tatlong tao na mukhang kagagaling lang sa isang mall dahil sa mga bitbit nito.

Isang lalaki at dalawang babae. Must be the remaining family members.

"We're home- oh!" maarteng saad ng batang babae ngunit napatigil nang makita kami.

Mukhang artista sa ganda ang babaeng ito at sa tingin ko ay ito na si Cassandra. Ang babae namang nasa tabi niya ay halos kaedaran lang ni Amelia at mukhang magkahawig din sila. Ito na marahil si Cecilia. Ang lalaki namang kasama nila ay nakaformal suit and tie at mukhang propesyonal, si Anthony.

Inulit kong muli ang pagpapakilala sa kanila at nilahad muli ang kamay ko sa harapan nila. Malugod naman nila itong tinanggap maliban na lang kay Cassandra na may pangiwi-ngiwi pa habang hawak ang kamay ko.

Malinis kaya ang kamay ko! Ang arte niya. Araw-araw itong pinapahiran ng lotion 'no. Hindi porket mukhang may lahi siya, ay maganda na siya. Attitude is still a big factor and she failed at that.

Pagkatapos noon ay nagpaalam muna si Ginang Evangelista sa amin na pupuntahan niya lang ang anak niya sa may kuwarto.

Habang wala siya ay nagset-up na kami ng mga gamit namin. Hindi kami puwedeng mabulilyaso.

Inilagay na ni Felize ang camera sa tripod at iniayos ito upang maging maging kalebel ng mukha ng uupo sa upuan sa may harapan.

Si Seb naman ay may hawak na isa pang camera para kumuha sa iba pang anggulo. Hindi ko alam kung bakit pumasok pa sa isipan niyang gawin iyon dahil hindi naman ito kailangan. Mukhang katulad ko ay pursigido rin siyang hindi kami mabuko sa misyon na ginagawa namin.

Sineset-up naman ni Krissha at John ang mga ilaw at wires sa paligid para magkaroon ng magandang lighting pagdating sa camera.

Maganda naman na ang bahay nila Amy kaya wala nang kailangan pang baguhin dito. Ang bawat gamit na nakukuhan sa kamera ay hindi pangdagdag lang sa lens kundi nakakaganda pa.

Inaayos naman ni Pauline ang recorder na gagamitin namin. Isinet-up niya iyon nang malapit sa magsasalita ngunit hindi kita sa camera. Si Hale naman ang makakasama ko sa pag-iinterview. Hindi kami makikita sa camera pero maririnig naman ang mga boses namin.

Bumalik na si Ginang Evangelista kasama ang iba pang naririto sa bahay na nakasunod sa likod niya.

"Are you ready?" tanong ko sa kanya.

Kitang-kita ko ang malalim na buntong hininga ni Amelia saka tumango.

"I'm ready."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now