AYR 72

138 13 8
                                    

[PAULINE]

"Anong nalalaman mo?"

Tinanong ko agad si John pagkasama-sama namin. Kanina ko pa gustong itanong ito nang tawagin niyang kami para mag-usap usap. May natuklasan daw siya. Ano naman kaya iyon?

Ipinagdarasal ko lang talaga na hindi kabalastugan ang sasabihin ng lalaking ito kung hindi, nakaabang ang kamao ko sa kanya. Makikita niya lang.

Lahat kami ay tahimik at nag-aabang sa ikukuwento ni John. Gabi na ngayon ngunit gising na gising pa kaming lahat dahil kakatapos lang ng training namin.

Maganda naman ang nakikita kong resulta nito. Lahat sila ay madaling turuan. Pinalalakas ko sila ngayon sa pakikipaglaban habang mayroong hawak na armas.

Inalis ko na lahat ng iniisip ko sa isipan ko at ifinocus ang sarili ko sa pakikinig ng sasabihin ni John.

"Kilala ko na kung sino ang mastermind."

Eh?!

Eh, alam na rin naman namin ah? Nakita ko pa nga si Amber ng personal. Tsaka kasama ko siya nung araw na yun ah? Imposible namang hindi niya nakita. Nasabi na rin naman namin sa lahat kaya... Anong pinagsasasabi nito?

Itinaas ko na ang kamay ko at dadapo na dapat 'yun sa mukha niya ngunit napatagil ako dahil sa sinigaw niya.

"Mali tayo ng inakala!"

Sinigaw niya 'yun dahil nakabanta ang napakaraming kamay na papunta sa kanya. Dahil doon, unti-unting bumaba ang lahat ng kamay na iyon at hindi na naituloy ang planong pagpalo kay John.

Wait.

Ano raw?

Mali kami ng inakala?

Anong ibig niyang sabihin? Saan kami nagkamali?

Binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin dahil hindi ko malaman kung anong sasabihin ko. Si Tamara naman ang nagkalakas ng loob na magtanong.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi ko pa rin maintindihan. Ako ang mismong nakasaksi no'n. Kitang-kita ko ang mukha ni Amber. Siya talaga iyon. Imposible namang namamalik-mata lang ako 'di ba?

"Hindi si Amber ang mastermind. Hindi siya ang pinakaugat nito." seryosong sagot ni John.

Ano?

"Hindi si A-amber?" tanong ko sa kaniya kaya napatango siya. "Pero kitang-kita ko siya nung araw na iyon. Anong ibig sabihin no'n?"

Hinarap ako ni John saka tumikhim. "Tama ka, Pauline. Si Amber nga ang nakita mo."

Oh. Siya naman pala 'yun eh. Ano pang sinasabi nito?

Naramdaman kong lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Pero..." pagtutuloy niya. "Walang makapagsasabi na siya nga ang nagplano ng lahat ng ito. Hindi siya. Tauhan lang rin siya dito."

That left me speechless. Ibig sabihin, may mas mataas pa sa kanya. At para lang rin siyang si Veronica na sunod sunuran sa kung sino mang mas mataas sa kanila. Kumbaga sa chess, isa lamang siyang chess piece, na pinagagalaw ng kung sino mang naglalaro nito. Ang taong naglalaro nito ang may kontrol sa kung anong gagawin nila.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now