AYR 54: MISTAKE

161 13 0
                                    

[KRISSHA]

Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko nung iwanan talaga ako ni Tamara dito sa lalaking ito na may malaking katawan. Like duh, kaya ko ba 'to?

Tinapon niya pa ang walis tambo na hawak ko. Argh! Ano nang gagamitin ko ngayon. Well, ayoko rin naman doon sa walis na iyon kase ang kati niya sa kamay. Baka magkarashes pa ang balat ko kapag patuloy kong ginamit iyon.

Sumugod na papalapit sa akin ang lalaking ito pero tumakbo lang ako papalayo sa kanya. Ayoko pang mamatay. Lalong ayokong mamatay sa mga pangit niyang kamay. Gross.

May mga display na pinggan sa may gilid kaya't binuksan ko kaagad ang cabinet kung saan ito nakapaloob. Pinagbabato ko siya ng mga pinggan at baso kaya hindi kaagad siya nakalapit sa akin. Nasugatan ko na rin siya sa braso. Yuck, pati dugo niya ang pangit ng kulay.

Kumapa pa ako ng pinggan pero wala na akong makuha. Nilingon ko na lang siya saka ngumiti at gumawa ng peace sign gamit ang gitnang daliri ko at hintuturo.

Tumingin siya sa akin nang may mga nanlilisik na mga mata. Mukhang nagalit siya sa akin dahil sa pagbato ko ng mga pinggan sa kanya. Eh kase naman eh, kung hindi niya sana ako sasaktan 'di ba, eh 'di hindi ko rin siya babatuhin.

Tumakbo siya papalapit sa akin at wala na akong magawa kundi ang iharang ang mga kamay ko sa mukha at katawan ko para protektahan ito.

Napatigil siya sa pagtakbo niya saka may lumabas na dugo sa bibig niya. Napaluhod siya at nakita ko ang saksak ng kutsilyo sa likod niya. Pagkabagsak niya ay tumambad sa akin sina Hale at Seb.

Kaagad kong tinakbo ang direksyon na papunta sa kanila para bigyan ng mahigpit na yakap si Seb. Pawis na pawis siya ngayon pero wala akong pakialam. Ipinulupot ko ang katawan ko sa kanya at inilingkis ang mga braso ko sa leeg niya. Kaagad naman niyang sinuklian din iyon ng yakap saka ako hinalikan sa noo.

"Hoy, ano yan. Porn! Porn!" sigaw sa amin ni Hale.

Tumawa naman si Seb sa kanya at inirapan ko lang siya. Kung ako sa kanya, hahanap na ko ng sa akin. Feeling ko bagay sila ni Tamara, hmmm?

Inalis ko na ang braso ko na nakapalibot sa leeg niya saka ko hinawakan ang kamay niya. Ang clingy ko ba? Kailangan ko lang kasing makalma ang sarili ko dahil kinakabahan pa rin ako kay Felize. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

Papaalis na sana kami sa lugar na iyon dahil nagkalat ang bubog sa paligid na galing sa mga pinagbababato kong pinggan. Nilapitan naman nila ang lalaking sinaksak nila saka pinakiramdaman ang pulso nito. Hindi naman siguro kami nakapatay 'di ba?

"Nahinga pa siya." Anunsiyo sa amin ni Hale. Nakahinga naman ako ng maluwag dito.

Kahit na self-defense lang ang ginagawa namin, balita ko ay wala pang nakakalaya dahil nakapatay sila gamit ang self-defense. Base sa mga nabasa ko, kung plano mong protektahan ang sarili mo, hindi ka dapat papatay ng iba. Maaari mo lamang itong ibaldado o patulugin, basta huwag papatayin. Makukulong ka pa rin kahit na idahilan mong pinoprotektahan mo lamang ang sarili mo.

Naglakad na kami papalayo doon, pero may narinig akong mga sigaw. Sinundan ko kung saan nanggagaling iyon at napagtanto kong galing iyon sa itaas, sa attic.

Habang palapit naming tinatakbo ang pinanggagalingan ng mga sigaw, palakas rin nang palakas ito. Lumilinaw ang boses na nanghihingi ng tulong at pamilyar ang boses nito.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now