AYR 31: THIRD MISSION-UPPER

256 20 2
                                    

[JOHN]

Habang nakabaluktot ay rinig na rinig ko ang mga yabag ng maraming tao papalayo at kung paano unting-unti nababawasan ang ingay na dala nito bago tuluyang tumahimik.

Pagkatapos ng ilang segundo ay may narinig naman akong mahinang kaluskos at naramdaman ko na lang si Pauline sa may tabi ko.

"J-john." pagtawag nito sa akin. "Gising..."

Pagkatapos ako nitong puntahan ay pumunta rin siya sa may direksyon kung nasaaan sina Tamara at pinilit silang gisingin.

Matagumpay niyang nagising si Hale.

May narinig kaming mga yabag na nagmumula sa ibaba hanggang sa makarating ang mga ito sa amin.

"What happened?!" nag-aalalang tanong ni Seb sa amin. Nakasunod sa likod niya si Krissha na halatang naguguluhan din sa nangyari.

"We received a notification that the mission was already accomplished. Did you manage to find Amy?" sinabi ni Seb ang mga 'yun sa manila accent niya.

Grabe 'yun na yata ang pinakamahabang narinig kong sinabi niya.

Nakita kong nagising na si Tamara at umupo habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

"Yes, we found her." sagot ni Tamara habang inaalalayan siya ni Hale tumayo. "But we failed to save her, I'm sorry."

Bakas ang panlulumo sa mga boses niya. Halatang dismayado siya sa lahat ng nangyari. Kahit naman sino siguro sa amin. Nakita na namin eh. Pinakawalan pa.

"What should we do now?" tanong ni Seb habang inililibot niya ang tingin niya sa amin. "Should we go back from the start?"

Bumagsak ang mga balikat ni Seb matapos niyang sabihin 'yon. Nakita kong hinawakan ni Krissha ang kamay ni Seb para pakalmahin siya nito.

Nagising na rin si Felize at sumama sa usapan namin. "Uhm guys, it's alright."

She tried to comfort everyone. Pero sadyang mainit talaga ang dugo ni Krissha sa kanya.

"It's alright?!" mapaghamong saad ni Krissha na ikigitla ni Felize. "No it's not, our effort is now wasted!"

"Argh!" She grunted out of frustration.

Tumayo na ako kaya nakuha ko ang atensyon nila.

"No guys," I corrected them. "Our efforts are never wasted."

Sinabi ko ang mga katagang iyon habang itinataas ang itim na recorder.

"W-what's that?" gulat na tanong ni Krissha.

"It's a recorder. I managed to put a recording bug on Veronica's clothes. Because of this, we can hear their conversation."

They all sighed in relief.

"You're the best, man!" bati sa akin ni Seb.

Ramdam ko na may papalapit sa akin mula sa likod ko pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit natutop ako sa kinatatayuan ko. Parang ayoko nang lumingon ngayon at may nagtutulak saking tumingin lang ng diretso sa mga kasamahan kong nasa harapan.

"Good job, John. That's why I said you're not weak."

Dumaan si Tamara sa gilid ko habang sinasabi ang nga katagang iyon. Pagkatapos niya akong lampasan ay tumabi na rin sila sa iba pang nadoroon.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko at parang nag-iba ang tingin ko sa kanya. I found something special onto her. But I don't know what it is.

Ang mga kilos niya ay naging kakaiba rin sa paningin ko. Parang naging weird. It feels so odd. So surreal. A peculiar feeling.

I don't know how to describe it with adjectives. Even superlatives doesn't seem they suit it.

Hindi ko na alam.

I shrugged off those thoughts so I can focus with the reality.

"With this bug, w-we can overhear their conversation."

Bago namin pakinggan ang narecord sa bug na ito. Bumaba muna kami upang pumunta sa may sasakyan.

Hindi dapat kami mag-usap sa lugar na ito, dahil kampo pa rin ito ng kalaban. We'll never know what awaits us here.

Pagkapasok namin sa sasakyan ay pumwesto na ang lahat sa kani-kanilang lugar. As usual, sa driver's seat ako nakapuwesto. Sinet-up ko na ang recording device at cinonnect sa speaker para malakas naming marinig ang lahat.

++++

"Veronica,"

"Yes, milady?"

"I see that you've done your job great earlier. I commend you for that."

"Thank you, milady."

"Nice acting skills as me, huh? How did you do it."

"I've just known you too well, milady. That's why I was able to do such things."

"Oh, I see."

"..."

"But you're dumb as usual"

"M-milady?"

"You've been bugged and you didn't even notice it?'

"..."

"Be careful next time."

++++

Hindi na namin narinig pa ang mga susunod nilang sasabihin nang sundan ito ng static sound.

Kaagad kong pinatay ang listening device na hawak ko dahil sa nakakarinding tunog na nagmumula rito.

Hindi ko maintindihan ang mga narinig namin.

Ibig bang sabihin nun hindi si Veronica ang mastermind and mayroong mas upper sa kaniya?

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now