AYR 26: THE VERGE

315 22 2
                                    

[PAULINE]

"Wait, ano 'yung auberge?" tanong ko.

"Isn't that a house or something?" sagot ni Krissha.

Kinuha ni John ang laptop niya sa bag niya. "Wait, check ko."

Nagsimula siyang magtipa ng kung anu-ano sa keyboard niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay tila lumiwanaga ang mukha niya.

"According here, ang auberge ay ibang tawag sa inn. So that means sa isang inn siya dinala?"

So it's a public house, huh?

"Sa dinami-dami ng inn sa buong bansa, saan naman natin siya hahagilapin?"

Mukhang napaisip ang lahat sa sinabi ko. Totoo naman kase, hindi lang iisa ang inn sa buong Pilipinas. There are thousands of it. How can we be sure na 'yung inn na mapupuntahan namin ay nandoon nga si Amy?

Natahimik ang lahat at wala nang masabi.

"Baka naman may iba pang clue na nasa libro na makakatulong sa'tin?" John asked.

Sumingit si Tamara sa usapan. "I don't think so. Kung may clue pa dyan ay sana sinama na lang ni Amy sa naunang clue. Maybe she didn't have the chance to write it down already"

"Pero guys, masama pa rin talaga ang kutob ko diyan. What if it's a trap?" histerikal na tanong ni Krissha.

Trap? Paano nga kaya kung patibong lang ang isang 'to. Pero kailangan pa rin naming subukan. Buhay ang nakasalalay dito eh.

"Hindi naman po siguro, ate." si Felize ang sumagot.

"How can you be so sure?" mataray na tanong ni Krissha na sinabayan pa ng pataas-taas ng kanang kilay.

Napatiklop niya si Felize dahil doon. Sumobra ata siya ng kaunti, minsan na nga lang nagsasalita si Felize ay kinontra na niya.

"Shut up Krissha, you're at it again, you're scaring her." saway rito ni Tamara.

Napairap na lang si Krissha habang si Felize ay nakatungo pa rin. Halata ang biglang pananahimik niya at pagdamdam dahil sa nangyari.

Nasa kalagitnaan kami ng diskusyon ng sabay-sabay na tumunog ang mga telepono namin.

Nagkatinginan muna kami bago namin tingnan ito. Napabuntong-hinga ako. Ito na naman.

••••

1 new notification

Open Notification?
Yes | No

••••

Don't be stubborn.
Look for the tavern.
Are you looking for the auberge?
It is already on the verge.

••••

Is this another clue for us?

[TAMARA]

The verge.

Isa lang ang pumasok sa isip ko nang mabasa ko ang salitang iyon.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now