AYR 42: FOURTH MISSION-SUSPECTS

189 15 0
                                    

[TAMARA]

Lumabas na kami ni Hale sa banyo nang naiintindihan na ang gagawin. Medyo napatagal kami dahil ikinuwento niya na rin sa akin kung sino ang pinaghihinalaan niya.

Well, nagulat talaga ako nang malaman ko kung sino ang naiisip niya. Like, hindi ko maisip kung paano niya iyon magagawa. Kung tama nga ang naiisip ni Hale sa kung sino ang tunay na pumatay, ay napakawalang puso nito. Nagawa niya talagang gawin iyon sa sarili niyang kamag-anak?

Maya-maya lang ay sasabihin na namin ni Hale kung sino ang pinaghihinalaan naming pumatay. Ayaw pa niya itong sabihin sa ngayon, marahil ay maghahanap pa siya ng ibang clue na makakapagturo sa culprit?

Pagkalabas namin ng banyo ay nakita kong nandun si John. Andiyan na naman ang makahulugang tingin niya na parang inaasar sa kaming dalawa.

Hindi ko alam kung kaming dalawa nga ang inaasar, pero parang ako lang naman. Wala naman kasing pakialam 'tong katabi ko at nilagpasan lang ang mga tingin n ipinupukol ni John eh.

Inirapan ko na lang siya sa pagkakataong ito. Mas maganda kung magfocus kami sa crime na nangyari rito at hindi sa mga wala namang kakuwenta kuwentang bagay.

Kailangan pa naming malutas kung sino nga ang pumatay kay Cassandra.

Tinignan ko ang lahat ng taong maaring nakagawa noon kay Cassandra.

Amelia Evangelista. Tita ng biktima at nanay ni Amy Evangelista. Isa rin siya sa mga naiyak kanina nang malaman nila ang biglaang pagkamatay ni Cecilia. Ngayon ay medyo tumahan na siya, ngunit kitang-kita ang pagkatulala niya at pagkatahimik kanina pa man din. Ang tanong siya nga kaya ang pumatay sa biktima? Kaya niya bang patayin ang sarili niyang pamangkin?

Nilipat ko ang tingin sa babaeng katabi ni Amelia.

Amber Evangelista. Ang pinsan ng biktima at nalaman ko ring madalas na kaaway ng biktima. Siya ang pinakaunang nakakita sa nangyaring krimen kaya naman isa siya sa pinakapinaghihinalaan. Kitang-kita pa rin ang maraming bakas ng dugo sa damit niya dahil nilapitan niya si Amber noong nakita niya ito. Mabuti na lamang ay naabutan siya ni Anthony at nailayo dahil maraming ebidensya ang maari niyang masira. Kaya niya bang patayin ang sarili niyang pinsan?

Napatingin ako sa iba pang naririto.

Cecilia Evangelista. Ang nanay ng biktima. Napag-alaman ko na sobrang malapit sila ni Cassandra. Ang bonding nila palaging ay ang pagpunta sa mga mall. Si Cassandra na lamang ang kasama niya sa buhay maliban sa pamilya ng kapatid niya nang iwan siya ng asawa niyang Amerikano noon. Siya ang pinakanaapektuhan sa nangyari. Kaya niya bang patayin ang nag-iisa niyang anak?

Anthony Evangelista. Ang napakacaring na pinsan ng biktima. Gusto niya lang ibigay lahat ng makakaya niya para sa mga kamag-anak niya. He treasures them so much. Kaya niyang isakripisyo lahat para lamang sa kapakanan nila. Handa siya ibuwis lahat kahit na sariling buhay niya para lamang protektahan ang mga taong mahalaga sa kaniya. He's always there for everybody but no one's been there for him, but he said that's okay. As long as they're alive, he will be happy. Did this love turned something that made him a killer?

Lahat sila posibleng killer pero sino nga kaya sa kanila ang nakagawa noon?

Hindi ko alam ang motibo na mayroon kung sino man siya na dumating talaga sa puntong nakapatay siya.

Isa lang sa kanila ang posibleng killer. O isa nga lang ba talaga? Kahit na malaman ko kung sino ito ay tiyak na magugulat pa rin ako.

Tumikhim si Hale at nakuha noon ang atensyon naming lahat. Mukahng handa na yata siyang sabihin ang nasa isip niya. Ang tanong, handa na ba akong marinig kung paano pinatay ng killer si Cassandra?

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now