AYR 19: SECOND MISSION-FANTASY

357 23 4
                                    

A/N: Ang code na ginamit sa nakaraang chapter ay Caesar Cipher. Isa iyon sa pinakamadaling cipher at marami na ang nakakaalam nito. Kung alam niyo kung paano nagana ang Caesar, ay mabilis niyong makukuha ang code. Bale ang ginamit sa nakaraang chapter ay may right shift na three, ibig sabihin iuusog natin ang alphabet ng tatlong beses sa kanan. Para mabuo ang totoong ibig sabihin pabaligtad ang gagawin natin dito. A=X, B=Y, C=Z, and so on. Thank you!

++++++++++

[HALE]

9:15 AM

Agad kaming tumakbo ni Tamara palabas ng Short Story Section matapos naming mabasa ang nakasulat sa cipher text.

Dali-dali kaming nagtungo sa Fantasy Section upang malaman kung anong nangyayari doon.

Sa Fantasy Section naka-assign si Pauline, kaya't medyo kampante ako na kaya niyang makipaglaban. Alam kong babae siya pero hindi hadlang 'yun para madepensahan niya ang kaniyang sarili.

Pansin ko na naiiba ang Fantasy Section sa lahat ng seksyon dito sa library. May dagdag itong dalawang bantay sa may pasukan, ngunit iba ang suot nila kaysa sa mga ordinaryong mga guwardiya.

Makikita ring parang masinsin silang nagbabantay sa mga taong papasok dito.

Maganda ang napiling puwesto ng mga may gawa nito dahil ang fantasy section ay nasa pinakagitnang bahagi ng library. Anumang kaguluhan ay dito pinakamagandang gawin. Kung magkasunog man dito ay agad itong kakalat dahil nasa pinakagitna ito ng malaking silid-aklatan.

Posibleng naririto rin nakatago ang omnibus book. O baka maaaring dito lang nalinlang ang mga arsonists ng mga librarian dahil baka natunugan na nila ang balak pagnakaw sa libro.

Anong ispesyal ang meron sa libro na 'yun?

At anong ispesyal din ang meron sa Fantasy Section?

[KRISSHA]

Nagtungo kaming dalawa ni Seb sa may front desk upang kausapin ang librarian. Itatanong sana namin kung saan nakalagay ang librong hinahanap namin. Mukha namang mabait ang librarian na ito kumpara sa mga tipikal na matatandang masusungit na librarian sa mga eskuwelahan

"Uhm, Miss?" pagkuha ko ng atensyon niya. "Can we know the location po of the book "Omnibus"?"

Pagkatanong na pagkatanong ko pa lang nun ay bumaling na agad ang atensyon sa amin ng librarian. Kumunot ang noo niya at hindi malaman ang sasabihin. Mukhang may tinatago nga ito tungkol sa kung saan nakatago ang libro.

"Sorry, but that book was already borrowed." may pagkamasungit na sagot nito. Bumalik na ito sa kanina niyang ginagawa.

"Don't you have extra copies for it?" nakataas kilay kong tanong.

Naramdaman ko naman na biglang hinawakan ni Seb ang kamay kaya napatingin ako sa kaniya. Natunugan niya siguro na nagiging masungit na naman ako at sa tingin niya ay hindi ito makatutulong sa misyon namin.

"No," mariing sagot ng librarian habang nakapukol ang atensyon sa ginagawang imbentaryo.

"Thank you," nagpasalamat si Seb pagkatapos.

Hinila ako ni Seb sa likod ng isa sa mga bookshelf at saka hinarap sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga dahil sa lapit ng mga mukha namin. Narinig ko rin ang nakakarinding boses ni John sa earpiece ko.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now