AYR 57: CONFESSION

182 13 0
                                    

[PAULINE]

Nakasunod pa rin sa likod ng kotseng sinasakyan namin ang mga kalaban naming pulos nakaitim. Nakasakay ang karamihan sa kanila sa mga motorsiklong habang ang iba naman ay sa mga van at sasakyan.

Medyo malayo na sila dahil na rin sa bilis ng pagpapatakbo ni John kaya naman ilang segundo lang hindi ko na sila nakita sa likuran namin.

Nakahinga ako ng maluwag saka ipinikit ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa may upuan upang makapagpahinga. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng halos buong katawan ko.

Gusto kong matulog kaso nababahala ako dahil mabilis pa rin ang pagpapatakbo ni John. Tumingin ako sa likod namin ngunit wala na naman na ang mga nakasunod na kotse sa amin.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Napakaseryoso ng mukha niya at hindi mo mababakas sa ekspresiyon niya ngayon ang ordinaryong John na palaging nakangiti. Mahigpit din ang kapit niya sa steering wheel. Nakakunot din ang mga noo niya habang nagmamaneho.

Galit ba siya?

"John," I called him but he didn't noticed it. Nilakasan ko pa ang pagtawag ko sa pangalan niya ngunit hindi niya pa rin napansin iyon. Imposible naman hindi niya narinig iyon dahil napakalakas na niyon.

"John!" I shouted his name pero napatinuod ako nang bigla niya apakan ang preno ng sasakyan. Buti na lamang ay nakaseatbelt ako kung hindi baka tumama na ang noo ko sa wind shield.

"What the hell is wrong with you?!" I glared at him after what had happened.

He sighed before facing me. Inalis niya ang kapit sa steering wheel at inilagay ang mga kamay niya sa hita niya.

"I'm sorry." He simply said.

"Are you okay?" I asked him.

Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko, may mali ba doon?

"I should be the one asking you that." napakaseryoso niyang sambit.

Itinaas ko ang mga kamay ko tanda ng pagsuko ko. "Okay, okay. Whatever your problem is, can you please tell it to me? Hindi 'yung parang naghuhulaan tayo rito."

He heaved another sigh at humarap sa may unahan.

"Why didn't you tell me or kahit sino man lang sa amin na susundan mo pala si Veronica?"

"For what?" nagtataka kong tanong.

"It's for your safety! You should've told us!" tumaas na ang tono ng boses niya. Mukhang galit nga siya pero hindi ko malaman kung bakit.

Hindi ko maiwasang masabayan na rin ang pagtaas niya ng boses. "I can handle myself!"

"Can you really? Tingnan mo kung anong nangyari sa'yo. Kung hindi lang ako dumating—"

Napataas ang kilay ko doon saka pinutol ang sinasabi niya.

"Ano? Ipagmamayabang mo na niligtas mo ako? Edi sana niligtas mo na lang sarili mo hindi ako." galit kong tugon sa kanya.

Sa sobrang pagkainis ko, lumabas na ako ng kotse niya at padabog na sinara ang pinto nuon. Kahit masakit pa rin ang katawan ko, mas pipiliin ko namang masaktan kaysa bungangaan ako ng mga walang kakuwenta kuwentang bagay.

"Pauline!" tinawag ako ni John pero hindi ako lumingon. Pinagpatuloy ko lang ang paglakad ko at dinoble pa ang bilis ng paghakbang.

Naramdaman ko na lamang na hinigit ni John ang braso ko at pinaharap sa kanya. Napakaseryoso na ngayon ng mga mata niya. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi at kinikilos niya.

"Wag mo akong layasan."

Lalong nag-init ang dugo ko sa sinabi niya kaya pinili ko na lang ba makaalis mula sa kapit niya. Napakahigpit nito kaya wala na akong nagawa kundi sipaan siya sa paa.

Napabitaw siya dahil doon at napahiyaw ng kaunti dahil sa sakit. Nagkaroon ako ng panahon upang tumakas sa kanya.

Naglakad ako ng mabilis dahil hindi ko pa kaya na tumakbo. Kahit alam kong susundan niya pa rin ako, pinagpatuloy ko lang ang paglayo.

"Pauline," sabi niya pagkaharang niya sa akin. Hindi na ako tumakas pa dahil napapagod na rin akong maglakad pa.

Hinarap ko siya nang may mga nanlilisik pa rin na mga mata dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya. Ano bang ipinapahiwatig niya ha?

"What do you want?" I asked him, trying to be calm.

Huminga siya ng malalim. "I want you to think of yourself first. Unahin mo naman ang sarili mo minsan,  Pauline. Isipin mo rin ang kapakanan mo."

"Ginagawa ko naman ah—"

"Pero taliwas doon ang ikinikilos mo!" he shouted at me. Silenced followed after.

"Ano bang pakialam mo?" may pagkamataray kong tanong sa kanya. Nauubusan na ako ng pasensiya sa mga sinasabi niya kaya lalo na akong naiinis

"Pauline," he called me. "There are people who care for you. There are people that worries whenever your life is in danger. I hope you care for your own good also."

Kumunot pa lalo ang noo ko dahil sa sobrang litong nadarama at sa frustrasyon kay John.

"Ano bang sinasabi mo ha? What are trying to say?!" medyo pagalit ko nang tanong sa kanya.

"You won't understand."

"E 'di ipaintindi mo sa akin!" sinagawan ko na siya dahil inis na inis na ako.

Natahimik kaming dalawa dahil sa sigaw ko. Natulala si John ngunit nararandaman ko na balak niya nang sabihin ang kung anumang bumabagabag sa kanya.

Tumikhim siya saka tumingin ng napakaseryoso sa akin.

Iba ang pakiramdam ko sa sasabihin niya. Will he— nevermind.

"Pauline," he called me again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko sa loob ng araw na ito.

"I like you."

Silence followed after he said that sentence.

What? He likes me? Tama ba ang narinig ko?

Umiwas siya ng tingin sa akin. Paniguradong nahihiya at naiilang.

Walang kahit anong salitang nalabas sa bibig ko. Hindi ko malaman kung ano ang tamang mga salitang sasabihin.

"You heard it right, Pauline. I like you." he repeated. "I like you, that's why I care for you."

Tumingin muli siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil para akong nalulunod sa mga tingin niya. Parang hinihila ako papalapit ng bilugan niyang mga mata. It hypnotizes me.

"Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa lagay mo, Pauline. Sa tuwing nakikipaglaban ka? Gusto kong tumulong kaso hindi ko kaya dahil napakahina ko. Tangina, bakit ba ako ganito?"

Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman niya. Iba sa pakiramdam nang malaman mo na may taong nagmamalasakit sa iyo. May taong tinitignan ang lagay mo sa bawat aksyon na gagawin mo.

"Tara na, kailangan pa nating pumunta sa ospital."

He left me after saying that. Nauna na siya sa sasakyan habang nakatulala pa rin ako sa gitna ng kalsada, iniisip ang mga salitang binitawan niya.

That explains why his actions seems weird to me.

He likes me...

Ngunit ano bang nararamdaman ko? Should I like him back? Should I reject him?

I don't know.

ARE YOU READY? | completedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang