AYR 82: THE REASON

216 13 1
                                    

[PAULINE]

Unti-unti nang lumalapit sa pinagtataguan namin si Amy habang hawak hawak ang isang baril. Her demeanor screams anger.and fearlessness. Hindi ako natatakot sa kanya noon. Ngunit heto ako ngayon, nanginginig sa takot habang unti-unting nahakbang si Amy.

Normal lang naman matakot 'di ba? Tao rin naman ako, kaya nakakaramdam rin ako ng takot. Pero mali ang panahon na ito para matakot, kailangan kong magpakatatag para sa aming lahat.

"Anong gagawin natin?" natatakot na tanong sa amin ni Felize.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi gumagana ang utak ko at hindi ako makapag-isip ng plano.

Nakatago lamang kami sa likod ng isang malaking container ban at ito lamang ang tanging bagay na pumoprotekta sa amin. Lima kaming nagtatago sa likod nito habang sina Tamara at Hale ay nasa kabilang bahagi ng ikalawang palapag na ito.

Alam kong lima kami, at nag-iisa lamang si Amy. Halos lahat ng kakampi niya ay namatay na at ang iba ay nagsitakasan na. Pero magkaiba ang sitwasyon at pag-iisip namin. Kami, nasa tamang pag-iisip pa kami at hanggang maaari, hindi namin siya kayang saktan. Pero siya, siguradong hindi siya magdadalawang isip na paputukan kami. Sadyang nabaliw na siya, lalo na't wala na si Veronica na tanging kaibigan niya at si Amber na kapatid niya.

Kahit ganoon siya, hindi ko pa rin maiwasan na maawa sa kanya. Ngayon, nag-iisa na lamang siya. Dahil sa kasakiman niya, nawala ang lahat sa kanya. Dahil sa tanging rason na mayroon siya para ipagpatuloy ilang lahat ng ito, nawalan siya ng dahilan para mabuhay.

Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako. Ano ang tanging bagay na gusto niyang makuha kaya niya ginagawa ito?  Masiyado ba itong mahalaga para isakripisiyo niya ang lahat sa kanya?

"ASAN NA KAYO. MAGHANDA KAYO SA AKIN. HAHAHAHAAHA" sigaw ni Amy nang pagkalakas lakas na umaaliwangwang sa paligid. Dahil dito mas lalong sumiksik si Felize sa tabi nila John at Seb.

Sunod sunod na naman ang pagputok ng baril kaya napayuko kami at nagtakip ng ulo. Ayan, tama lang yan. Ubusin mo lang ang bala mo.

"We need to fight now." mariing sabi sa amin ni Seb kaya napatango kaming lahat.

Ubos na ang halos lahat ng bala ng baril namin maliban sa iisang pistol na hawak ko. I guess this is our only chance right now. Ayoko mang gamitin ito. Pero kailangan ko para protektahan kami. Dahil si Amy, wala siyang pakialam kung sinuman ang matamaan ng machine gun niya, kahit na ang tanging kaibigan at kapatid niya pa.

Matapang ako tumayo at lumabas sa pinagtataguan ko nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Anong ginagawa mo, Pauline?" tinanong ako ni Krissha habang nakakunot ang noo. "Are you trying to be a hero again?"

Kahit pa masungit ang pagkakasabi niya nito, ramdam ko na nag-aalala siya sa akin. Nginitian ko na lang siya.

"Kung hindi ako lalabas, this will not end." sagot ko sa kanya. "Don't worry. Mag-iingat ako."

Her hand lost its grip with my arm. Nilingon ko silang lahat. Lahat sila ay may kakaibang tingin sa akin. But I stared at John the longest and gave him my sweetest smile that screams assurance.

Lumabas na ako sa pinagtataguan namin at kaagad na tumingin sa akin si Amy.

"Oh, Pauline." She called my name while playing with the machine gun on her hand. I gripped the gun in my hand tighter.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now