AYR 29: THIRD MISSION-VERONICA

258 21 0
                                    

[PAULINE]

Nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa loob ng inn. Para itong nahihirapan. Damang-dama sa boses nito ang hirap na nararanasan.

Si Amy na ba 'yun?

Nagkatinginan kaming lahat saka marahang tumango. Gaya ng inaasahan, kasama ko ngayon si John at Felize sa lugar na nakaassign samin.

Sina Seb at Krissha ay sa labas nakaassign, kung saan sila ngayon ang magiging lookout namin habang naghahanap rin sila ng kung anumang makikita sa mga kuwarto sa labas.

Sina Hale at Tamara naman ay sa likod ng malaking inn daraan. May mga kuwarto rin doon sa labas at ilang mga palikuran.

Kaming tatlo ang papasok sa loob mula sa main door. Rinig na rinig pa rin namin hanggang ngayon ang malalakas na sigaw mula sa isang babae.

Anong nangyayari?

Dahan-dahang binuksan ni John ang pintuan at nakalikha iyon ng nakakatakot na tunog. Hindi ito nakatulong sa amin, sapagkat lalo lamang itong nagdala ng pangamba sa dalawang taong kasama ko.

Habang hawak ko ang maliit na kutsilyo na nakapasak sa may bewang ko, dahan dahan naming pinasok ang inn.

Halatang matagal na hindi nagamit ito sa dami ng alikabok na nasa paligid. Abandonadong abandonado na ito dahil halos lahat ng gamit dito ay nakabalot sa puting mga tela maliban na lang sa ilang upuang halatang ginamit.

Habang naglalakad kami ay lumilikha ang sahig ng mga tunog na masakit sa tainga. Dahil dito, kailangan naming magdahan dahan dahil mukhang marupok na rin talaga ang sahig.

Ang tinig ng nasigaw na babae ay mukhang nagmumula pa sa ikalawang palapag. Kailangan muna naming mahalughog ang unang palapag bago umakyat sa hagdanan.

Una naming pinasok ang pinakaunang kuwaro mula sa kanan. Sabay sabay kaming nagpunta rito dahil hindi kami maaaring maghiwalay. Mahirap na at baka may mangyari pang masama.

May nilabas si John mula sa bag niya at nalaman kong UV lights pala ito. Agad niya itong iwinasiwas sa paligid na naglikha ng kulay lilang kulay sa pader at mga gamit.

Wala kaming nakuhang impormasyon mula rito maliban na lang sa ilang bakas ng paa at mga fingerprints at palmprints na nasa salamin sa kuwartong ito.

Pinasok na rin namin ang natitirang mga kuwarto at wala namang kakaiba mula rito na hindi kagaya sa naunang kuwarto.

Nasa may tapat na kami ng hagdanan at akma na sanang aakyat nang may makita akong kuwarto pa sa ilalim ng hagdanan.

Pinasok namin ito at tumambad sa amin ang malaking banyo. Sira ang mga pintuan nito at nahahati ito sa dalawang bahagi ang panlalaki at ang pambabae.

Inuna namin ang panlalaking parte at agad kaming nagtakip ng ilong nang maamoy ang masangsang na amoy ng palikuran.

"Ang baho! Alis na tayo rito." reklamo ni John.

"Saglit lang." pigil ko sa kanya.

Nilibot namin ang bawat cubicle ng banyong ito at wala naman kaming nakita maliban sa maduduming mga bowl at mga vandalism sa pader na kung anu-anong kabalastugan ang nakasulat.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now