EPILOGUE

268 18 1
                                    

[PAULINE]

Sobrang dami ng tao sa paligid at halos lahat rito ay mga edad kinse hanggang bente singko. Hindi magkamayaw ang mga taong ito na kanina pa naghihintay sa labas ng gusaling ito upang makapasok.

"Oh hinay hinay lang makakapasok din ang lahat." Sabi ng guwardiyang nagbabantay sa may pintuan.

Setyempre ito ng kasalukuyang taon. At dumating na ng ang pinakahihintay kong araw at pagkakataon. Hindi ko pa rin akalain na makakasama ako sa ganitong klaseng pagtitipon. Parang natupad ang mga pangarap ko nang maimbitahan ako rito.

Hindi ko maitago ang kabang nadarama ko lalo na't ilang oras na lamang ay magsisimula na ang palatuntunan. Sumilip ako mula sa backstage at nakita kong napakaraming tao.

"Ano ka ba. Kaya mo 'yan." pagpapalakas ng loob ko ni Tamara. "Tandaan mong andito lang kami para sa'yo."

Siya lang ang kasama ko sa backstage habang ang natitira kong mga kaibigan ay prenteng nakaupo na sa nga upuan na nakaayos. Sinilip ko sila at nakita nila ako kaya kinawayan nila ako. Nginitian ko na lamang sila.

"Oh tama na yan." Sabi ng nangangasiwa ng programang ito sa aming lahat ng nasa backstage. "Magsisimula na ang programa sa ilang minuto, maghanda na kayong lahat."

Lalong lumakas ang ingay ng paligid dahil sa mga taong nakapasok na sa bulwagang ito. Natigil ang nakakabinging ingay nila nang magsimula nang magsalita ang emcee para sa araw na ito.

"Good morning everyone!" Bati nila nang pagkalakas-lakas.

"Good luck sa'yo, Pauline. Punta na ako roon ah?" sabi sa akin ni Tamara sa pinisil ang kamay ko. Tumango na lang ako sa kanya dahil maya maya lamang ay lalabas na kami't ipakikilala sa entablado bilang mga may akda ng mga librong binabasa nila.

"Let's all welcome our respectable authors."

Nagsimulang lumabas na ang nga tao mula rito sa backstage papunta sa stage. Sumunod na rin ako pagkatapos ng iilan.

---------------

"Ate, ate." tawag sa kin nang isang dalagita na nasa tantiya ko'y nasa labing-anim na taong gulang.

"Pwede pong magpapirma?"

Inilahad niya sa harapan ko ang librong isinulat ko. Kaagad ko naman iyong tinanggap at nilagyan pa ng maikling note sa gilid saka nakangiting inabot ito muli sa kanya.

"Ate Pauline," tinawag niya muli ako. "Maaari ko po bang malaman ang kuwento sa likod ng librong ito?"

Hindi ko akalaing may magtatanong ng ganoong klaseng tanong kaya hindi ako nakapaghanda. Hindi ko naman matanggihan ang babaeng ito na nasa harapan ko.

"Kuwento iyan ng isang babaeng nakahanap ng pag-ibig sa maling panahon at pagkakataon." sinimulan kong idetalye sa kaniya ang kuwentong malapit sa aking puso. Hindi ko namalayan na may natulo na palang luha sa mga mata ko habang nagkukuwento ako.

"S-sorry." sabi ko sa kanya. "Iyang libro kase ang pinakamalapit sa akin eh."

"Hango ho ba ito sa totoong buhay?" tanong niya muli.

Tumango na lang ako saka nagpaalam na pupuntang palikuran.

--------

Natapos na ang nakakapagod na araw na ito na puro kuwentuhan sa mga mambabasa at pirmahan ng mga libro. Naaliw naman ako kaya hindi ako nabagot ngunit tunay ngang nakakapagod ang araw na ito.

"Hey! Miss Author!" tawag ng ilang nga boses sa likod ko kaya napalingon ako sa gawi nila at nakita ko nga ang mga taong iineexpect kong makikita ko.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now