AYR 20: SECOND MISSION-RESTRICTED

326 29 5
                                    

[KRISSHA]

Nagsimula na kaming maglakad ni Seb papunta sa Restricted area. Gosh! Sobrang layo nun dahil sobrang laki rin ng library na 'to. Ito yata ang isa sa pinakamalaking library sa buong Pilipinas.

Dumaan kami sa may tapat ng Fantasy Section at nakita namin si Hale at Tamara na papasok doon. Nagulat ako ng makita ang mga kamay nila. Magkahawak ang mga 'yun! Hmmm? Ano kayang meron?

"Do you think there's something with them?" Seb asked me pertaining to Tamara and Hale.

"I don't think so. Baka hindi lang sinasadya."

I shrugged off the thoughts that came into my mind.

Seb held my hand while walking. Napakaliit ng kamay ko kumpara sa kaniya. I blushed when he held it tighter, not wanting me to let it go.

Geez! Ang init!

Nakarating na kami sa tapat ng Restricted Section. Madilim sa part na ito. Kung hindi mo alam na may restricted section pala ay hindi mo mapapansin 'yun. The door compliments with the wall except for the knob attached to it. 'Yun lang talaga ang makikita mo unless you look closer.

Seb held the doorknob with his other hand and twisted it. It won't open. Seb gave me a disappointing look.

"Akong bahala." I said proudly.

Alam kong kayang-kaya ko itong buksan sa loob ng ilang minuto. Watch me, Seb.

Inabot ko ang isang black clip sa may buhok ko at kinalikot iyun sa butas ng pintuan.

I learned lockpicking when I was 10 years old. My brother would always lock me up my room because he said that I always get the attention, he always wanted. That forced me to learn it. Sa una, nakailang clip pa ako na nasira. But when I mastered it, naging madali na 'to para sakin.

A few seconds later, we heard a click sound. That's when I know that I did it successfully. I jumped in glee then hugged Seb. He hugged me back and kissed my forehead.

Pinihit ko ang seradura upang makapasok kami. The door made a creaking sound when I opened it slowly. Halatang hindi 'to nagamit ng matagal.

Pumasok kami at napaubo ako ng mahina dahil sa kapal ng alikabok. Pinababa ko muna ang ilang makakapal na alikabok na nasa hangin saka nagpatuloy ako sa paglalakad.

Woah!

Namangha ako sa libro na mga nandito.

There are books that has ancient writings embedded on it, may mga roman, greek , egyptian at kung anu-ano pa. Mayroon din ditong libro tungkol sa dark histories ng Philippines, nakasulat pa ang iilan sa alibata at baybayin. Then there are books about devils and demons and how to summon them. Pero nagulat talaga ako nang makita ko ang replica ng original catholic Bible.

Wow. Just wow.

Naglakad na kami papalapit sa 5th aisle. Dahan dahan lang ang lakad namin dahil mukhang marupok na rin ang kahoy na sahig. I held onto Seb when the floor shrieked.

Nakapunta na kami sa panglimang shelf at sinimulan na naming hanapin ang Omnibus.

Napakadaming iba't ibang libro rito na puro short stories. Meron pa ngang collection of poems and verses.

Nagsimula ako sa kanan, habang si Seb naman ang naghanap sa kaliwa. Wala kaming imikan habang naghahanap. Kitang-kita kasing focused na focused siya sa ginagawa niya kaya nakakahiya naman kung iistorbohin ko.

I scanned the right part of the long shelf pero wala akong makita kahit anong librong may title na Omnibus. Nagdesisyon akong umulit ng paghahanap. Iniisa-isa ko ang bawat libro at ganun din ang ginawa ni Seb ngunit bigo pa rin kaming mahanap ang librong hinahanap.

"Ano wala?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya.

We switched places. Ako na ngayon ang naghahanap sa kaliwa habang siya naman ang naghahanap sa kanan. Pawis na pawis na kaming dalawan dahil sa init ng bahaging 'to. Unti-unti na ring napupuno ng alikabok ang mga damit namin.

Tiningnan ko uli bawat libro dito sa kaliwang bahagi ng shelf ngunit hindi ko pa rin makita 'yung libro.

Argh! Nasan na ba 'yun?

Nasstress na ko kakahanap dito at nakita kong frustrated na rin si Seb habang iniisa isa ang mga libro.

Ang sabi sa library card ay dito daw diba? Bakit wala.

I give up. Baka naloko kami no'n.

Napapadyak na lang ako sa inis dahil sa hindi namin mahanap ang librong nakasaad sa mission namin. San naman namin 'yun hahanapin.

Dahil sa pagpadyak-padyak ko ay tumunog ang bahaging inaapakan ko. Napalingon din sakin si Seb.

Uh oh!

Nasira ang isang bahagi ng sahig na kahoy sa ilalim ko kaya't lumusot ang kanang paa ko rito.

Nabigla ako kaya napasigaw ako. Nagsimula nang gumapang ang kung anu-anong insekto mula sa ilalim kaya't biglaan ko nang tinanggal ang paa ko. Nasugatan ako dahil sa talim ng gilid ng kahoy na nasira.

Agad na lumapit si Seb at pinaupo ako. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at itinali sa paa kong may sugat. Hindi naman 'yung masiyadong malalim at masakit pero medyo maraming dugo ang inilalabas kaya't kailangan munang takpan.

"Saan natin hahanapin ngayon ang libro, Seb?" I grunted out of frustration. Hindi ko na alam kung saan magsisimula pang muli dahil sa laki ng library na ito. At saka nauubusan na kami ng oras, mamaya-maya lang ay kikilos na ang mga arsonists.

Nakatingin lang sakin si Seb, kaya't nagtataka man ay sinabayan ko ang mga titig niya.

"You already found the book, Krissha."

Huh?

Ako? Nahanap ang libro?

Anong sinasabi nito?

Tumayo siya at pumunta sa bahaging nasira ko nang pumadyak padyak ako. Dito rin lumusot ang paa ko.

Pinasok niya ang kamay niya doon at parang may kinapa-kapa. Pagkalabas ng kamay niya ay hawak hawak na niya ang isang lumang librong may pamagat na "Omnibus".

Wow! Andun lang pala 'yun. Well, wala naman kasing sinabi sa library card na nasa shelf. It is only stated there na nasa 5th aisle. And that floor is in the 5th aisle.

"Congrats, babe!" he said to me cheerfully. I smiled at him.

Natigil ang tinginan namin ng may marinig kaming sumabog sa labas.

"Let's get outta here."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now