AYR 24: PROMISE

285 23 3
                                    

[HALE]

"Sorry,"

"Sorry for what?" takang tanong ko kay Tamara.

"Sorry, because I was there but I wasn't able to do anything that can possibly help y-you." her voice cracked.

"Sorry, kase naging pabigat ako. Hindi man lang ako nakatulong doon. Sorry, because, it was my fault, kaya ka nasaktan ng ganyan. I'm sorry, Hale. Kung hindi lang sana kita iniwan dun-"

Tears came running from her cute round eyes. How can someone be this gorgeous while crying?

"No, Tamara. Shhhh." pagpapatahan ko sa kaniya. "It was not your fault. Nobody wants this to happen. Please don't blame yourself for this."

"But-" I cut her off.

"Thank you, Tamara." sabi ko na nakapagpatigil sa kaniya.

"If it weren't because of you, many people would have been injured from that accident. The world would not be able to see the smiles from the people you've saved. 'Yung mga taong binalaan niyo? May mga pamilya ang mga yun. At alam kong sobrang nagpapasalamat ang mga pamilya ng taong iyon dahil makakauwi pa ang mga mahal nila sa buhay sa kani-kanilang tahanan. And it was all because of you. Thank you Tamara, for doing the right thing."

Lalo pang lumakas ang hagulgol niya dahil sa sinabi ko. Palagi niyang sinisisi ang sarili niya kapag may nangyayaring hindi maganda where in fact, we should be thankful to her.

Lumapit ako sa direksyon niya saka ko siya marahang yinakap. I felt her body became stiff pero yumakap din siya pabalik pagkatapos ng ilang segundo.

"P-promise me you'll stay alive, Hale. Promise me."

I smiled because of what she said.

Natuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya.

Tuwing sinasabi sa akin ang ganyan klaseng pangako ay alam ko na agad ang sasabihin ko.

Pero iba ngayon. Matatanggao kaya ni Tamara ang magiging sagot ko kung sakali?

"P-promise me, Hale." she said those words with pleading eyes.

I sighed.

"I can't promise that I could stay alive but I promise that I'll do everything to survive, Tamara. For you, I'd propably risk everything."

Lumakas pa lalo ang hagulgol niya dahil sa mga salitang binitawan ko.

"D-don't say that, Hale."

"Shhhh, Tamara. 'Wag mo munang isipin 'yun. Tignan mo pumapangit ka na oh." I teased her to lessen the heavy atmosphere.

Pinalo niya agad ako sa braso pagkatapos no'n at pinanlisikan ng mata.

Nagkunwari akong nasaktan dahil sa ginawa niya kaya umamo kaagad ang mukha niya. Guilt was very evident on her face

Girls and their mood swings.

But it's kinda cute, huh?

"Sorry, ikaw kase eh"

"Ako pa talaga?" pagtatanong ko.

"Oo," mapanghamon niyang sagot. "How dare you say that I'm ugly?"

"Aren't you-"

Natigil ang pag-aaway namin ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok dito ang natitirang mga kasama namin sa mission.

"Hello, everything- Ay!" bati ni John ngunit natigil dahil sa posisyon namin ni Tamara.

Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit pala namin sa isa't isa habang magkaharapan pa. Bigla tuloy kaming napausog papalayo dahil sa biglaang pagdating nila.

"Halika John, nakakaistorbo ata tayo." sabi ni Pauline habang hila hila pa si John.

"Hindi!"

"No!" Sabay naming sabi ni Tamara kaya't nagkatinginan kami.

Lalo tuloy naging awkward sa pagitan namin dahil dito.

"Hindi naman pala, Pauline eh, Tara sokpa!" masiglang sabi ni John.

Marami silang dalang iba't ibang klaseng pagkain na halos lahat ay prutas. Nilapag nila ito sa may lamesa.

Kasunod nila John at Pauline ay pumasok din sila Felize, Seb at Krissha.

May dala-dalang libro si Krissha ngunit nakuha ng atensyon ko ang benda sa may paanan niya.

"Napano yan?" tanong ko.

"Napano ka, kamo. Tingnan mo 'to, ikaw ang may pinakamaraming galos pero nakuha mo pang mas mag-alala sa iba." pagbabalik ng tanong sakin ni Krissha.

Nilapag niya ang libro sa kama ko.

"Ano yan?" tanong ni John.

"Ang Omnibus."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now