AYR 13: THE FIRST MISSION-THE WOUNDED GIRL

451 36 16
                                    

[HALE]

Tumayo ako mula sa pagkakadapa. Nakakahiya dahil sobrang daming taong nakakita noon. Bakit kasi napakaclumsy ko eh, natalisod tuloy ako sa kung anuman

Rinig na rinig ko rin ang malalakas na pagsigaw ng mga dalawang tao mula sa earpiece na suot namin. Masakit sa tainga! Tinatanong nila kung anong nangyari sakin kaya't binulong ko na lang na okay lang ang lahat.

Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Seb ngunit mukhang wala naman siyang pakialam kung nadapa man ako o hindi. Parang may malalim siyang iniisip na dumating sa puntong hindi niya napansin ang pagkalabog ko sa lapag. Ano kaya 'yun?

Pinagpatuloy namin ang paglalakad at habang pataas ng pataas ang palapag na tinitungo namin ay napansin kong maraming mga nakaitim na lalaking nasa palagid.

Mukhang alam ko na kung bakit naririto sila. At mukhang hindi rin magiging madali ang misyon naming ito lalo na kung ganito karami ang tauhang nakabantay.

Dahil nakikita rin nila Tamara at John ang sitwasyon ay may binulong agad silang solusyon sa amin.

Hindi. Hindi tama ang pinagagawa nila sa amin. Bilang isang criminology student, alam kong mali ito.

"Pero-" sinubukan kong ipaliwanag na mali ang paraang naiisip nila ngunit wala na rin akong magawa.

"No more buts, Hale." rinig ko ang boses ni Tamara. "I know that you'll oppose this one but I think this is the most suitable plan for us. Maaaring hindi na rin tayo magmanman lamang ngayon because the time is already running out. Habang tumatagal ay napapansin naming paparami nang paparami ang dumadating na mga taong nakasuot ng itim at hindi maganda iyon. We need to act now. And I think we are almost ready."

Almost?

So does that mean na kailangan talaga naming gawin ang pinagagawa nila para masabi naming handa na talaga kami para iligtas si Krissha.

I sighed in defeat.

Kumaliwa kami sa isang medyo madilim na hallway at naghintay ng taong papalapit. Mukhang may nag-uusap na dalawang lalaking personnel at papalapit na ang mga yabag nila sa direksyon namin.

Inihanda na namin ang mga sarili namin sa pagatake. May nakita si Seb na mukhang kagamitan para sa
pagoopera kaya't hinawakan niya iyon at ginawang weapon.

Naalala kong wala nga pala kaming dalang kahit ano, baril man o kung anong maaaring gamitin upang ipangdepensa para sa sarili. Ang tanga naming hindi namin naisip yun.

Kitang kita ko kung gaano kahapit ang hawak ni Seb sa bakal na iyon. Mukhang determinado siya sa 'di ko malaman na dahilan.

Sumulpot na sa harapan namin ang dalawang nakaputing lalaki, at agad namin silang sinunggaban.

Pinalo kaagad ni Seb ng bakal na hawak niya ng ulo ng isa sa mga ito na sa tingin ko'y isang nurse. Habang ako nama'y nakipambuno sa lalaking sa tingin ko ay doctor.

Mas malaki sa katawan ko ang isang ito ngunit hindi maikakaila na mas sanay ako sa pakikipaglaban dahil batak ang katawan ko para rito dahil na rin sa kinuha kong kurso.

Pagkatapos ng kalahating minuto ay napatumba na rin namin sila. Kinuha namin ang mga suot nila upang magdisguise para mas mapadali ang pagpasok namin sa mga kuwarto.

Sinuot ko ang puting coat ng doktor na napatumba ko at sinabit sa leeg ko ang stethoscope nito. Kinuha ko rin ang salamin nito pati na rin ang hawak hawak nitong patient record.

Mukhang sinisuwerte kami ngayon dahil itong doktor na ito pala ang doktor na may hawak kay Krissha base sa dokumentong hawak nito. Pinakita ko ito kay Seb at noon ang unang beses na nakita kong ngumiti siya.

Naglakad na kami papunta sa sixth floor ng building ngunit nagkatinginan kami nang mapagtanto namin hindi namin alam ang room number nito.

"607." bulong ni Tamara sa earpiece namin. Mukhang natunugan niyang nalimutan namin ang room number nito.

Naglakad na kami sa hallway at habang palalapit kami nang papalapit ay parami rin nang parami ang mga lalaking nakasuot ng puro itim.

Pinagbuksan naman kaagad nila kami ng pinto nang mapagtantong nandoon kami para tignan ang lagay ni Krissha.

Pumasok kami at nakita namin ang lagay ni Krissha. Tila hinang-hina habang maraming nakalagay na apparato sa kaniya.

Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at tumingin sa direksyon namin... o ni Seb lamang. Ngumiti siya ng malaki.

"S-seb..." mahinang bulong nito.

Mukhang magkakilala nga sila ngunit mas nabigla ako sa tinawag ni Seb sa kaniya.

"Babe..." sabi nito.

So kaya pala kanina pa ganoon kumilos si Seb dahil may relasyon silang dalawa?

Kaya pala hindi mapakali si Seb dahil buhay ng girlfriend niya ang nakasalalay dito. So that explains everything, huh?

Wala na kaming oras pa para pag-usapan ito lalo na sa sitwasyon namin ngayon.

Nilapitan namin si Krissha at kunwaring chinecheck ang vital signs ngunit pasimple naming tinatanggal ang mga kandadong nakakabit dito.

Nakita ko ang mga sugat na natamo niya mula sa hindi kilalang tao. Marami nga iyon at mukhang hindi naman malulubha. Ngunit ang nakapagtataka lang ay halos lahat dito ay magaling na o kung hindi naman ay pagaling na. Bakit parang hirap na hirap kumilos si Krissha?

May nakita akong bote ng gamot sa bedside table ng higaan niya. Mukhang ito ang dahilan kung bakit tila paralisado siyang kumilos ngayon. Hindi ko man maintindihan ang nakasaad dito pero sigurado akong ito ang may dahilan kung bakit naging ganito ang sitwasyon ni Krissha.

Tumunog ang kandadong nakapulupot kay Krissha at nakita ko na lamang na natanggal na pala ito ni Seb.

Mukhang naalarma na ang mga lalaking nasa labas ngunit mukhang hindi sila makapasok agad dahil sa nangyayaring komosiyon sa labas.

Sa tingin ko ay sila John na iyon, dahil hindi ko na sila marinig sa kabilang linya. Maging ang paghinga nila ay hindi mo na maririnig hindi kagaya kanina.

Mabilis naming inakay si Krissha palabas at nakita namin sila John at Tamara na nakikipaglaban. Agad naming ibinigay kay Tamara si Krissha upang makipagpalit sa kaniya sa paglaban.

Napakarami ng mga kalaban. Sa tingin ko at nasa lagpas bente iyon sa palapag pa lamang na ito.

Una naming pinatumba ang mahihina. Sinipa ko ang lalaking nasa kanan ko upang mapigilan itong makalapit sa akin. Pagkatapos ay sinuntok ko ito sa sikmura, at naglabas ito ng dugo sa bibig. Dahil dito, sinuntok ko uli siya sa mukha na naging dahilan ng pagbagsak nito.

Mukang madadali lang naman kalabanin ang mga ito ngunit napakarami nila. Ang nga nakaitim mula sa ibang palapag ay pumupunta na rin dito upang pagtulungan kami.

Pagod ang kalaban namin dito. Nararamdaman ko na ang pagod saking katawan matapos naming mapatumba ang nasa kalahating bilang ng mga ito.

Tingnan ko si John at Seb at napansin kong putok na ang labi ni John dahil sa pakikipaglaban. Si Seb naman ay pawis na pawis na kagaya ko at humihingal.

Pinulot ko ang bakal na nakita ko sa sahig. Ipapalo ko na dapat ito sa isa sa mga lalaki nang biglaan na lamang itong tumumba.

Kasunod noon ay nagtumbahan na rin ang iba pa nitong kasamahan habang kami ay napatigil habang natutuliro at naguguluhan.

Tumumba na ang lahat ng mga nakasuot ng itim at tumambad sa amin ang isang babaeng may mahabang buhok. Mukhang hindi man lang ito napagod sa ginawa niya habang kami'y hinahabol pa rin ang paghinga namin.

"Tara na?" pag-aya nito.

Wala pa ring kumikilos sa amin mula sa gulat at natunugan ito marahil ng babaeng nasa harapan namin.

Ngumiti siya at nagpakilala.

"Ako nga pala si Pauline."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now