AYR 21: SECOND MISSION-ESCAPE

305 26 3
                                    

[TAMARA]

Kakatapos ko lang i-diffuse ang pinaka-unang bombang nakita ko. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang 9:58 AM na.

Base sa narinig ko kanina sa dalawang nag-uusap, may mangyayaring hindi maganda kapag sumapit ang 10:00 AM. Ano naman kayang pinaplano ng mga 'yun once sumapit na ang alas diyes ng umaga? Ito na ba ang itinakda nilang pasabog? No pun intended!

Bumalik na ako sa puwestong kinaroroonan nila Hale at napag-alaman kong nakapagdiffuse na silang dalawa ng tatlong bomba kapag pinagsama-sama. Ako naman nakapagdiffuse na nang isa, bale isa na lang ang kailangan naming i-diffuse.

Nakasquat sila sa tapat ng isang shelf habang sinusubukang idiffuse ang mas malaking bomba. Halatang mas mahirap ito ngayong patigilin sa pagsabog dahil na rin sa mas marami itong wires. This bomb is more complex than the other bombs kaya't medyo natagalan sila dito.

Tinignan ko uli ang relo ko. 9:59 na. Isang minuto na lang at magt-ten na. Binaling ko rin ang mga tingin ko sa timer na nakakabit sa bomba, isang minuto na lang din ang oras na natitira doon.

Habang nabawas ang oras na nakalagay ay mas lalo akong kinakabahan para kina Hale at Pauline. Hindi naman ako makatulong, dahil alam kong magiging pabigat lamang ako.

Nabuksan na nila ang bomba, at tumambad na ang napakaraming wires na magkakakone-konekta kaso nasa 30 segundo na lang din ang oras na natitira sa timer.

Kitang-kita ko na ang panginginig ng mga kamay ni Pauline habang sinusubukang alamin kung anong wire ang dapat putulin.

Pinutol niya ang itim na wire, pero walang nangyari. Parang nanghuhula na lang kami ng pipiliin kulay dito sa dami ng nakapulupot na wires.

Inagaw ni Hale kay Pauline ang kutsilyo at inakong siya na raw ang magdidiffuse.

"Umalis na kayo! Sabihan niyo 'yung mga tao sa paligid na may bomba. Paalisin niyo sila agad!" sabi niya habang ikinukumpas ang mga kamay sa harapan namin.

Tinignan ko ang timer at nag-panic nang makita kong 20 segundo na lang ang natitira doon.

"Tamara, tara na." anyaya ni Pauline sa akin, saka ako sapilitan na hinila.

Si Hale...

Paano siya...

Agad kaming nakalabas sa kuwartong, iyon ng fantasy section, ngunit nagulat kami nang makitang marami pa ring tao ang nagbabasa sa seksyong ito.

"UMALIS NA KAYO! MAY BOMBA!!!" sigaw ko sa kanila habang natakbo.

Kaagad naman na nagsialisan ang mga nandoon at nagpaunahan pa upang makalabas ng pinto kaya medyo bumagal ang paglabas namin.

Tumatakbo na kami palabas ng gusali kasabay ang mga taong tumatakbo para sa kani-kanilang buhay. May ibang tila wala pa ring alam sa mangyayari ngunit pinili na lang ding tumakbo dahil sa panic.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay nakarinig na kami ng malakas na pagsabog.

Dahil sa impact ay nagpagulong-gulong kami sa sahig at nagtamo ng ilang mga sugat at pasa.

Si Hale...

Anong nangyari sa kaniya?

Nilingon ko ang nangyaring pagsabog, at nanlumo ako nang makitang sunog na sunog na ang fantasy section.

Napatitig na lang ako sa apoy habang unti unti nitong nilalamon ang mga libro.

Hale...

Magpakatatag ka...

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakasalampak sa sahig kung hindi pa ako hinigit ni Pauline.

"Tama na Tamara, kailangan na nating umalis. Kakalat ang apoy maya may-"

"P-pero si Hale, Pauline!" sigaw ko habang natulo ang mga luha sa mukha ko. "Si H-hale..."

Umiyak lang ako nang umiyak at nagpahatak na kay Pauline.

Lumapit sa amin sina John at Felize na kaagad namang yumakap sakin.

"Matatag si Hale, Tamara. Kakayanin niya 'yun." sabi ni John habang nakangiti.

Dahil dun, lalo lamang akong naiyak. Ako 'yung nandoon pero wala akong natulong para madiffuse ang huling bomba. Ako 'yung nandoon, pero hindi ko napilit si Hale na sumama na sa amin palabas.

Nakarinig ako ng mga sirena ng ambulansya at fire truck.

Ligtas siya diba? Ligtas siya.

Nasa labas na kami ng library at halos lahat ng tao ay nandirito na rin. May mga ilang nakikiusiyoso pa sa tabi.

Lumalabas na ang usok mula sa loob ng library at kitang-kita ang pagkaitim no'n. Walanghiya talaga ang mga gumawa nito.

Mula sa itim na usok ay may nakikita akong tatlong anino ng tao.

Unang tumambad sa akin sina Seb at Krissha sa magkabilang gilid. Ligtas sila. Nagawa nilang makalabas.

Dumapo ang paningin ko sa taong akay-akay nila sa kanilang mga balikat. Punong puno ang lalaking ito ng mga sugat sa katawan at halatang hinang hina na.

Si Hale... Nagawa niya.

Nakaligtas siya.

Agad na nag-unahan ang mga luha ko mula sa kaliwa at kanan na mata nang makita ko ang kalagayan ni Hale.

Dali-daling kumilos ang mga paa ko na tumakbo papunta sa kanila at agad kong yinakap si Hale.

"S-sorry..." utal utal kong sabi.

"Shhhh..." pagpapatahan niya sakin.

Kitang-kita ko ang talukap ng mata niya na unti-unti nang sumasara.

Buhay siya diba? Buhay siya.

Agad na lumapit ang medical team sa direksyon namin at inunang kunin si Hale mula sa balikat nila Seb dahil siya ang pinakahinang-hina na.

Sinunod nila kaming pinasunod nila Pauline sa mga stretcher at nilagyan ng paunang lunas.

'Yung libro? Anong nangyari sa librong hinahanap namin.

Napadako ang tingin ko kay Krissha at nakita kong may hawak siyang lumang libro.

Nagawa namin diba? Nakumpleto namin ang misyon.

Nakita ako ni Krissha na nakatingin sa kaniya.. o sa libro, kaya't bumaba muna siya sa stretcher at inabot sa akin iyon.

Ngumiti siya habang inaabot sa akin iyon.

Binuklat ko ang libro at may nahulog na papel mula rito. May mga hindi nanamang maintindihang mga numero na nakalagay dito.

Ito nanaman! Kailan ba 'to matatapos?

Tumunog ang cellphone ko dahil sa notification na natanggap.

••••

1 notification received

••••

Open Notification?

Yes | No

••••

MISSION: Save the Omnibus Book from the arsonists
STATUS: COMPLETED

CONGRATULATIONS ON COMPLETING THIS MISSION!

F*ck you!

F*ck this missions. F*ck this game! Kailan ba 'to titigil?

ARE YOU READY? | completedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt