AYR 32: FRIENDS

237 22 0
                                    

[JOHN]

Hinawakan ko na nang mahigpit ang manibela at sinimulan ko nang magdrive pabalik sa bahay nila Tamara sa QC.

Gustong-gusto ko na magpahinga. Gustong-gusto ko na umuwi. Nakakapagod na gumawa ng mga nakamamatay na misyon.

Everyone's tired.

Everyone's exhausted.

I think we need a break. We need to take a rest.

Tahimik ang lahat habang nasa biyahe at walang nagtatangkang bumasag sa nakakarinding katahimikan. Lahat ay pagod sa nakaraang mga misyon kaya nawalan ng lakas ang lahat na gumawa ng mga bagay-bagay kahit ang magsalita lamang.

Kung hindi nakapikit ang iilan ay nakatulala lang ang mga ito sa labas at nakatingin lang sa mga establisiyimento sa labas at sa mga taong nagdaraan.

Gusto ko ring gayahin ang mga ginagawa nila kaso hindi pwede at kailangan kong magdrive.

I decided to turn on the stereo at binuksan ko ito sa random channel.

[Now playing: Count on me- Bruno Mars]

"If you ever find yourself stuck in the middle of the sea. I'll sail the world to find you.

If you ever find yourself lost in the dark and you can't see. I'll be the light to guide you."

Napangiti ako sa tumugtog na kanta. Nakakarelax ang boses ng singer kaya pinili ko ma lang itong hayaang tumugtog. Para na rin hindi masiyadong nakakabagot sa biyahe na ito.

Unti-unting may pumapatak na ulan mula sa windshield ng sasakyang ito. Napansin ko rin na madilim na ang langit. Babagsak ang ulan.

"Find out what we're made of. When we are called to help our friends in need."

Tuluyan nang bumagsak ang malakas na ulan kaya't naging madulas ang kalsada. Kinailangan kong bagalan ang andar ko.

Hindi nakasira ang tunog ng mga ulan na pumapatak sa ganda ng kanta bagkus ay dumagdag pa ito sa nakakarelax na atmosphere.

"You can count on me like 1 2 3, I'll be there. And I know when I need it, I can count on you like 4 3 2, you'll be there. 'Cause that's what friends are supposed to do. Oh yeah."

Napaisip ako. Nasaan kaya ako ngayon kung hindi ko nakilala ang mga taong ito?

Ano kayang ginagawa ko ngayon sa sandaling ito kung wala 'yung app na 'yun?

Anong pinagkakaabalahan ko maliban sa paggawa ng mga misyon ito?

Makikilala at makakatagpo ko kaya sila kung nagkataon?

Napasulyap ako sa rearview mirror.

Kitang-kita ko sila mula roon, habang si Pauline naman sa kanan ko.

Itinuturing ko na silang mga kaibigan ko. Naging parte na sila ng buhay ko. Iba ang impact na nagawa nila dito.

Hindi ako nagsisising ininstall ko ang app na iyon. Kung hindi dahil doon ay hindi ko makikilala ang mga taong ito.

Ramdam ko na ang bigat ng mga talukap ng mata ko. Malapit na kami. Kaya ko itong paabutin hanggang sa bahay. Kahit nanghihina na ako, pinihit ko pa rin ang steering wheel upang kumabig pakanan ang sasakyan.

"You need help?" tanong sa akin ni Seb.

Nginitian ko lang siya saka umiling. Kaya ko pa naman eh.

"I think you need to rest too, John. I have already taken a nap. Let me substitute you."

I think it's rude to turn down someone's offer kaya pumayag na lang din ako. Nararamdaman ko na rin ang bigat ng katawan ko. Kailangan ko ngang magpahinga.

Agad kaming nagpalit ng posisyon ni Seb.

Tumingin muna ako sa kanilang lahat bago sumandal sa upuan.

Pinikit ko ang mata ko dahil sa sobrang pagod.

Thank you, guys...

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now