AYR 81

145 11 0
                                    

[TAMARA]

Nagpagulong-gulong ako sa sahig para iwasan ang mga umuulang bala ng baril mula kina Amy, Amber, Veronica at sa mga kasamahan pa nila.

Shit. Bakit sila may mga baril? Hindi kami nakapaghanda at puro mga combat weapons lang ang dala namin ni Pauline nang sundan namin si Veronica paakyat ng second floor.

Hinihingal pa ako bago nagtago sa likod ng pader. Muntik na ako doon!

May naramdaman akong kirot sa may tagiliran ko kinapa ko ito at may naramdaman ako basa.

Fck. Don't tell me—

Binaba ko ang tingin ko rito at nakita kong may umaagos na mapulang likido na nagmumula sa tagiliran ko. Damn, natamaan nga ako.

Isinalikop ko ang dalawang kamay ko rito para kahit papaano'y mapigilan ang agos ng dugo. Masakit man, tiniis ko ito para hindi ako maubusan ng dugo.

Tuluy-tuloy pa rin ang putok ng baril na naririnig ko kaya hindi pa rin ako makaalis sa pinagtataguan ko. Once I get out of hear, the bullets would pierce my body.

Sana ayos lang si Pauline sa pinagtataguan niya. I hope hindi siya nabaril dahil dito. Nagkahiwalay kami ng pinuntahan nang bigla kaming pinaulanan ng bala.

The gunshots never stopped pero lalo lang itong lumakas. Dumami ang bumabaril. Ngunit ang ipinagtataka ko, sa magkaibang gawi na nanggagaling ang dalawang baril. Wait. Sila Hale na ba 'yun?

I tried to peek para makita ko kung anong nangyayari when suddenly a hand held mine.

Nilingon ko ang ulo ko para makita na si Hale pala ang humawak sa kamay ko.

"Just stay right here." he commanded me.

May kinuha siya mula sa bulsa ng suot niyang pantalon saka iniabot sa kamay ko. Malugod ko naman itong tinanggap. Nang alisin niya na ang kamay niya na nakapatong sa akin, nalaman ko na binigyan niya pala ako ng baril. Saan nila nakuha ito?

"Use this when necessary." Sabi niya saka tumayo upang bumawi ng putok sa mga kalaban.

Hinawakan ko nang mahigpit ang hawakan ng baril saka ko ininspekyon ito. Base sa pagkakaalam ko, this one's a pistol.

Nakapagtraining na kami noon kung paano ang tamang paggamit ng baril pero hindi ko alam kung kaya ko na ba itong gamitin sa pagkakataong ito. This one is the real game. Once I pulled the trigger of this gun, the bullet might have a damage to something or someone. Holding a gun in your hands is a responsibility. The cost of the negligence of the person holding this is someone's life.

Hindi ko pa rin alam kung dapat ba akong makisama sa pakikipagbarilan nila Hale dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang magagawa ko. I might be a burden if I fight with them, but am I not right now?

Tama. I need to use this. I need this for protection if I want all of us to live.

Masakit pa rin ang sugat sa tagiliran ko kaya naupo pa muna ako ng saglit. I closed my eyes and breathed deeply saka ako nakapagpasiya na gamitin na ang baril na ito.

The moment I opened my eyes, may isang kalaban akong namataan sa mismong harapan ko. He was holding a gun and he's aiming at Hale!

Oh my gosh! He'll pull the trigger!

Bago niya pa makalabit ang gatilyo, agad kong itinaas ang baril ko sa direksyon niya at inunahan siyang paputukin ito.

Because of the impact, napabalikwas ako at nabitawan ko ang baril pagkatapos ko itong mapaputok.

Narinig yata ni Hale ang putok na nanggaling sa baril ko kaya napatingin siya sa akin at tumigil muna saglit sa pagpapaputok. "Anong nangyari?"

Imbes na sagutin ko siya, inilipat ko ang paningin ko sa lalaking kanina lamang nakatutok ang baril kay Hale and nagulat ako nang nakita ko siyang nakabulagta sa sahig.

ARE YOU READY? | completedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang