AYR 45: FOURTH MISSION-UNFAIR

195 15 0
                                    

[PAULINE]

Kakaalis lang ng mga pulis habang dala-dala ng mga ito si Amber. Sa loob lamang ng dalawang araw, dalawang tao na kaagad ang nalagas sa pamilya nila.

Naaawa ako sa kanila. Mahirap na nga 'yung pinagdaraanan nila dahil sa pagkawala ni Amy at nasundan pa ito ng pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya nila at posibleng pagkakulong ng isa pa.

Naikuyom ko ang kamao ko. Napaka-unfair ng buhay para sa kanila. Bakit kailangan pa nilang maranasan ito? Bakit kailangan pang dumaan ang napakamasalimuot na gabi na ito sa kanilang buhay?

Rinig na rinig na umaalingawngaw sa napakatahimik na gabing ito ang sabay na pag-iyak ng magkapatid na Cecilia at Amelia. Pareho silang nawalan ng mga anak sa magkaibang dahilan. Halinhinan naman silang pinapatahan ni Anthony na halatang nagpapakatatag lamang para sa mga ito. Halata sa mga mata niya na gusto na rin niyang umiyak. Kaso hindi pwede, kahit ngayon lang kailangan niyang tumayo bilang nag-iisang lalaki sa bahay nila.

Umupo ako sa mahabang sofa at napahilamos ng kamay ko sa mga mukha ko. Masiyadong maraming nangyari ngayong araw at hindi ko na alam ang gagawin.

Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko ngunit hindi ko na ito binalingan pa ng tingin.

"Ang unfair ng mundo 'no?" biglang saad ng lalaki na nasa tabi ko. "Ikaw 'yung walang ginagawang masama pero ikaw 'yung pinaparusahan. Ikaw 'yung nananahimik lang sa isang tabi, pero isang dagok lang sa buhay mo, maaaring ikawarak mo na."

Nilingon ko si John. Halatang malalim ang iniisip niya ngayon. At base sa mga salitang binibitawan niya ay may hinanakit ito, hindi ko man alam kung ano ito ay ramdam ko ang sakit sa mga boses niya.

"Hindi John, nagkakamali ka."

Nabaling ang tingin niya sa akin at nakita ko ang emosyong hindi ko inaasahan sa mga mata niya. Napakalungkot no'n. Parang dahil sa nangyari ngayon ay may parte ng nakaraan niya na nabuksan.

Sabi nga ng iba, minsan kung sino pa ang pinakamasaya, kung sino pa ang palaging tumatawa, sila pa ang may mabigat na pinagdaraanan. Gusto nilang takasan iyon sa paglagay ng ngiti sa kanilang mga labi. Their smiles became their friend. Their facade.

"The world isn't unfair. People are." pagsasalungat ko sa kanya.

"B-bakit ganoon, Pauline?" nauutal niyang sabi. "Bakit kami pa, wala naman kaming ginagawa, bakit kailangan pa naming maranasan iyon?"

Hinawakan ko ang kamay niya para sana i-comfort siya. Hindi ko alam kung paano ginagawa ito, pero susubukan ko para sa kaniya.

Tumingin muli siya sa akin. Nandoon pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Hinigpitan ko pa ang hawak sa mga kamay niya upang malaman niyang hindi siya nag-iisa. Na nandirito ako, kami, para sa kanya.

"It's okay, John. It's okay."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay may tumulong luha mula sa kaliwang mata niya. Mabilis niya itong pinanunasan pero hindi niya ito maitatago sa akin.

"The world is tough." pagsisimula ko. "The world is cruel. But however cruel it is, never gave up. Kapag sumuko ka, talo ka. Kapag nagpadala ka sa mga sinasabi ng iba, kapag nagpadala ka sa mga pagsubok na pinagdaraanan mo, hinding-hindi ka mananalo."

"Don't ever doubt His actions. Don't ever question His plans for you. Kailangan mo lang maniwala. Kailangan mo lang magtiwala. Patience din. Kailangan mong maging pasensiyoso."

Kinagat niya ang labi niya saka dahan-dahang tinango ang ulo. Halatang pinipigilan niya pa rin ang pag-iyak.

Nginitian ko siya.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang kumilos at agad na iniyakap ang mga kamay niya palibot sa akin. Isiniksik niya ang mukha niya sa may balikat ko.

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko bang yakapin siya pabalik? O dapat ko ba siyang palayuin?

Dahil sa lapit niya ay naaamoy ko ang kanyang pabango. Ano kaya ang ginagamit niya at ganoon kabango iyon?

Ramdam na ramdam ko rin ang init na nanggagaling sa katawan niya. Hindi ko alam pero parang ako ang nakaramdam ng comfort sa mga yakap niya. Ramdam ko na ligtas ako rito.

Sobrang nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nakatugon sa mahigpit na yakap niya. Habang nakapulupot ang mga braso niya sa katawan ko, nasa magkabilang gilid ko lang ang mga kamay ko. Wala akong lakas para buhatin iyon dahil nagbibigay ng kakaibang dulot sa akin ang yakap na ibinibigay niya.

Nang kumalas siya sa yakap na iyon, tumayo siya saka dumeretso palabas. Iniwan niya akong nakatulala sa lahat ng ginawa niya.

Shit! Ano 'tong nararamdaman ko. Bakit feeling ko namumula ako?

No, hindi pwede!

Si John-? Bakit siya pa?

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now