AYR 43: FOURTH MISSION-CULPRIT

194 15 0
                                    

[JOHN]

Lahat kami ay nag-aantay ng sasabihin ni Hale. Lahat kami ay kinakabahan sa maaaring sabihin niya. I think he already know who the killer is together with Tamara. Well, can't blame them, they're good at this.

Hindi ko alam kung sa papaanong paraan nila nalaman kung sino ang pumatay noon at kung papaano ginawa iyon. Kaya sobrang focused na focused sila kanina sa paghahanap ng mga clue at ebidensya. Gustong-gusto talaga nila malaman kung sino ang nakagawa noon.

Tumikhim na si Hale na nakakuha ng atensyon naming lahat. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sasabihin niya pero sa tingin ko naman ay dapat dahil ilang taon din siyang nag-aral sa kurso niya para rito.

Tumabi sa kanya si Tamara at mukhang handa na silang sabihin sa lahat sa amin ang kanilang nalalaman.

"This is what happened right?" panimula ni Hale. "Habang iniinterview namin si Anthony ay may narinig kaming sigaw sa itaas. And it's coming from Amber. Anthony then rushed all the way to her para pakalmahin siya then Amelia and Cecilia came from nowhere."

Tumango ang lahat sa sinabi niya maliban na lamang sa dalawang matanda.

"Amber," pagtawag niya sa pinakabata sa amin. "How did you find the body?"

Kitang-kita sa mukha ni Amber ang takot pero pinili niya pa ring sumagot. "P-pumunta ako sa kuwarto ni C-cassy para sa skincare routine namin. Gabi gabi ko iyong ginagawa. Kaso napansin kong n-nakabukas 'yung pintuan ng kuwarto niya, tapos pagsilip ko... pagsiip ko, n-nakita ko na siyang n-akasabit na doon."

Muling umiyak si Amber habang nagkukuwento noon. Lumapit naman sa kanya si Anthony para patahanin siya.

Sunod namang tinanong ni Hale sina Cecilia at Amelia.

"Nasaan kayo nung sumigaw si Amber?"

Sumagot naman si Amelia rito. "Nasa kapitbahay kami at nakikipaglaro ng mahjong. I-ito kase 'yung ginagawa namin sa tuwing nababagot kami."

Tumango si Hale sa mga sinabi nila. Mukhang kilalang-kilala niya na talaga ang may gawa nito.

Hindi na tinanong ni Hale si Anthony dahil kasama namin ito habang shinu-shoot ang interview niya.

"Wala ba kayong napapansin?" aniya. "Hindi niyo ba napansin na hindi talaga pagkabigti ang ikinamatay ni Cassandra?"

Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya. Ibig sabihin ba noon ay sa ibang paraan pa pinatay si Cassandra at front lang ang pagbigti niya rito? Kaya ba nasabi nila na hindi ito suicide pero isa itong murder? Murder disguised as suicide?

"Kaya ko nasabing hindi ito isang suicide dahil ang upuan na pinagtutungan ni Cassandra o maaaring ng killer ay nasa ilalim ng bangkay at nakatayo pa ito, diba? Kapag nagpakamatay ay isang tao, usually ay nakatumba na ito, kaya bakit nakatayo pa rin?"

Tama siya sa sinabi niya. Nakakapagtaka talaga ang posisyon ng upuan sa ilalim ng patay na katawan ni Cassandra. Imposible ngang suicide ito kung ganoon.

"Isa pa, ang kutsilyo na nasa may hindi kalayuan ay ang sa tingin kong ginamit ng salarin para sugatan ang kanang kamay nito." dagdag pa ni Hale.

Bigla namang humakbang papaharap si Tamara at mukhang may sasabihin din.

"Pero hindi rin ito ang ikinamatay ng biktima, hindi ang pagkaubos ng dugo."

Dahil sa sinabi ni Pauline ay nagulat muli ang lahat kasama na si Hale.

Kung ganoon, ano pa ang dahilan ng pagkamatay nito?

"Napansin niyo siguro na may laway na natulo sa bibig niya diba? Inamoy ko ito at hindi lang ito purong laway. May naaamoy akong almond dito." dagdag ni Tamara dito.

"Pottasium Cyanide." biglang sabi ni Hale.

"Tama ka Hale, ang Potassium Cyanide ay may faint smell ng almonds at iyon ang ikinamatay ng biktima."

Potassium Cyanide?

Hindi ko man personal na alam kung ano itong potassium cyanide ay alam kong sadyang nakakalason nito. At sino pa nga bang may alam nito, edi 'yung mga science freaks.

Wait.

Ibig sabihin magaling sa science ang may gawa nito.

Don't tell me..

Oh.

Tiningnan ko ang taong pinaghihinalaan kong gumawa ng lahat ng ito. Halos lahat kami ay nakatingin sa kanya. Paano niya nagawa ito.

"Paano mo nagawa iyon..." lumunok muna ako bago nagpatuloy.

"...Amber?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya makatingin ng diretso sa amin at nagmumukhang guilty sa mga ginawa niya.

"H-hindi!" biglang sigaw ni Ginang Amelia. "Hindi 'to magagawa ni Amber. Sino kayo para pagbintangan siya ng ganiyan?!"

Lumapit si Hale sa kanya. "Ngunit paano mo ngayon maipapaliwanag ang dalawang kulay ng dugo nasa damit niya ngayon, Ms. Amelia?"

Tumigil siya para tumingin sa amin saglit saka nagpatuloy. "Dalawa ang kulay ng dugo sa kanyang damit dahil ang isa ay sariwa habang ang isa naman ay mas matagal ng kaunti bago napunta sa damit niya. Nalagyan siya ng dugo sa damit niya kaya naman umarte siya na siya ang unang nakakita sa bangkay ni Cassandra para may eksplenasyon na sa dugo sa damit niyan. Hindi ba, Amber?"

Lumunok si Amber saka nagsomulang umiyak. Hindi niya dinedepensahan ang sarili niya. Ibig sabihin totoo nga?

Nagulat na lang ako ng ilang segundo pagkatapos niyang umiyak ay tumawa siya ng pagkalakas-lakas.

"A-amber?" tawag ni Ginang Amelia sa kanya ng may natatakot na mukha.

"So nalaman niyo, huh?" mapanghamong tanong ni Amber.

Pumalakpak siya ng mga kamay niya saka nagsimulang tumayo. "Magaling. Magaling. Magaling."

"Hindi ko inaasahan na may makakaalam ng ginawa ko, haha." nasundan iyon ng nakakatakot na tawa ni Amber.

Talaga namang nakakakilabot ang tagpong ito. Nararamdaman ko ang halos lahat ng balahibo sa katawan ko na nakatayo ngayon dahil sa sobrang takot. Nagawa niya talaga iyon sa pinsan niya?

Ang kaninang pagtawa ni Amber ay muling napalitan ng pag-iyak. "S-siya na lang kasi palagi ang napapansin eh. Siya na lang p-palagi ang bida. Eh, paano naman ako? Andito rin naman ako 'diba? Porke siya yung maganda, siya na lang palagi 'yung napapansin. Bakit ang unfair?"

Nagsimula na siyang humagulgol sa sahig ngunit wala akong magawa kundi tumingin lang sa kanya ng nakakaawa. Naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon pero hindi pa rin ito sapat na dahilan upang pumatay siya ng tao.

"She's beautiful. She's everybody's princess. Habang ako? I'm just a n-nobody. Wala lang ako. Para lang akong bula." pagpapatuloy ni Amber.

"No, Amber." lumapit sa kanya si Anthony at hinagkan siya. "You will always be my princess, our princess. You are so kind. Your heart is pure. Why can't you see that?"

"S-stop..." she pleaded.

"Napakabait mong bata, Amber. Wala kang ginawa na ikaiinis ni mama. You've been there through the thick and thins of my life. You are special to me, please remember that." lalong hinigpitan ni Anthony ang pagyakap kay Amber na nagpupumiglas.

"Stop it, K-kuya." lalong lumakas ang pag-iyak ni Amber dahil sa mga sinabi ng kuya niya.

Gusto niya lang na may makakaappreciate sa kanya. Gusto niyang makakita ng taong may pakialam sa kanya. But the moment she was seeking it, she already lost herself. She lost her sanity.

She failed to realize that there are people who cares for her. She failed to recognize that she's with the people who've been there through her ups and downs, through good and bad times. She forgot that she still has her family.

In the process of seeking for attention and compliments, she already lost herself.

She doesn't know herself anymore.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now