AYR 36: FOURTH MISSION-FAMILY

253 23 1
                                    

[FELIZE]

Ilang araw na ang nakalipas noong huling mangyari ang huling mission namin. Nakakapagod 'yun at talaga namang kinonsumo nito ang lakas namin kaya nagpahinga kami sa mga susunod na araw.

Nakakapanibago lang ang kapayapaan ngayon kase hindi na kami nasanay sa ganoon.

Nakakapagtaka ang biglang pananahimik ng app at ng mga nasa likod nito.

Dapat ba naming ipagpasalamat ito na walang nangyayaring hindi maganda at parang pinagpapahinga kami?

O dapat ba kaming matakot dahil maaaring mas malala ang kahihinatnan nito? Nakakatakot dahil baka pinaghahanda lang kami sa mas mabigat na mission. Ano kayang pinaplano nila? Hindi talaga ako mapalagay dahil dito.

Nasa sasakyan namin ako ngayon, at ang kasama ko lamang ay ang family driver namin. Papunta ako kila Tamara ngayon, na araw araw kong ginagawa.

Kahit walang paramdam ang app na iyon ay kailangan pa rin naming maghanda. Kahit anong oras ay pwedeng bigla na lamang magbigay ng kung anong mission ang app na ito. Kailangan naming paghandaan ito

Bigla kong naalala ang mga kasamahan ko. Masaya ako sa tuwing nakikita ko sila. Sila ang tinuturing kong mga ate at kuya ko maliban sa mga kapamilya ko. Nararamdaman ko talaga ang malasakit nila sa akin lalo na kapag pinoprotektahan nila ako.

Kaso nalulungkot lang ako pagdating kay ate Krissha. Mainit kase ang dugo niya sakin.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko kung bakit siya ganoon kainis sa akin. Hindi ko masabi kung bakit ang init palagi ng dugo niya tuwing kausap ako.

Wala akong magawang bagay maaaring maging dahilan para magkaayos. Sadyang hindi ako maalam sa mga ngayon.

Tumigil na ang kotse sa harapan ng gate ng malaking mansion kaya lumabas na ako matapos magpasalamat sa driver namin.

Naglakad ako papasok rito hanggang sa makarating ako sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Naririnig ko ang malalakas na mga boses nila na nanggagaling sa may living room. Mukhang nagkakasiyahan sila.

"Hi po!" nahihiya kong bati sa mababang boses.

Hindi nila napansin ang presensiya ko dahil sa sobrang focus nila sa paglalaro ng UNO. Mukhang bagot na bagot na sila talaga kaya kung anu-ano na ang naiisip na laro.

"Ba't mo nireverse!" sigaw ni John kay Hale.

"Sorry." sabi ni Hale habang nagp-peace sign.

Naglapag naman bigla si Pauline ng card. "Oh ha! Plus four!"

"No, no, no. May plus four din ako." sabi ni Krissha saka naglapag uli ng plus four na sinundan ng isa pang plus four ni Seb.

"Andaya!" reklamo ni John. "Wala naman sa original rules yan na puwede kang magbaba ng plus four pagkatapos ng plus four eh!"

Natawa ako kase sinasabi iyon ni kuya John habang nakanguso. Para siyang batang natalo sa laro.

"But you agreed!" sabi ni Seb sa kanya.

"Andaya!"

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now