AYR 58: HOSPITAL

194 15 0
                                    

[TAMARA]

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na ilaw na nanggagaling sa kisame ng kuwarto kung nasaan ako ngayon. Nilibot ko ang paningin ko sa loob nito. Puro puti ang paligid kaya nalaman ko na kaagad na nasa hospital ako. May nakasabit na krus sa pader at ang tanging gamit na nakikita ko lamang sa loob ng kuwartong ito ay isang maliit na lamesa na may lamang flower vase at isang pahabang sofa sa may hindi kalayuan. Walang tao na nasa loob nito maliban sa akin.

Pinilit kong iupo ang sarili ko ngunit sumakit lang ang ulo ko kaya minabuti ko na lang na bumalik sa pagkakahiga. May nararamdaman akong sakit sa may bumbunan ng ulo ko kaya napahawak ako rito. May gasa na nakalagay sa itaas ng sugat.

Inalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Ang huli kong natatandaan ay ang tagpo sa attic. Alam kong si Felize ang may gawa sa akin ng sugat kong ito ngunit hindi ko siya maaaring sisihin dahil ginawa niya lamang iyon para protektahan ang sarili niya. Masaya rin ako na nakita kong ligtas siya.

Rinig ko ang aparatong nasa tabi ko at naiirita ako sa ginagawang pagtunog niyon kaya minbuti ko na lamang na tumayo na kahit na hirap na hirap pa ako. Pagkatapos ng ilang minuto ay maayos na akong nakatayo. Kinuha ko ang suwero ko na nakalagay sa IV stand at dinala ito upang makapaglakad-lakad sa paligid ng ospital. Kaunting oras pa lang akong gising ngunit nababagot na kaagad ako. Hahanapin ko rin kung nasaan na ang mga kasamahan ko.

Suot suot ang hospital gown na maluwang sa akin, naglakad ako papalapit sa may pintuan. Hinawakan ko na ang doorknib nito ngunit may naririnig ako mga boses mula sa labas. Hindi ko ito maintindihan nang maayos kaya lumapit ako sa pintuan at itinapat ang tainga sa pintuan.

"Siya? Sigurado ka? Paano kung namamalikmata ka lang?" narecognize ko ang maarte nitong boses kaya nalaman kong si Krissha ito.

Mukhang may pinagtatalunan sila. Gusto kong marinig kung ano iyon kaya hindi muna ako lumabas ng kuwarto.

"Oo, Krissha." sumagot ang isang boses na alam kong galing kay Pauline. "Sigurado akong nakita ko ang mukha niya. Siyang-siya iyon. Mula sa tindig, boses, kilos at kung ano pa, kakaiba lang talaga ang aura niya noong nakita ko siya. Something authorative. Kahit itanong mo pa kay J-john.'

Nagstutter siya sa pagsabi ng pangalan ni John. Ano kayang mayroon? Tsaka sinong pinaguusapan nilang nakita nila?

"Oo, katulad nga ng sabi ni Pauline, ibang-iba na siya ngayon. Marami siyang tauhan na kasama. Napuntahan din namin ang warehouse na pinagtataguan nila at nagpadala na rin ako ng mga pulis para magmanman sa paligid."

"Pero.." panimula ng isang boses na batid kong kay Hale. Alam na alam ko na kung ano ang kanyang boses. "Ano naman kayang motibo niya para gawin iyon?"

"Envy." Seb answered. "It turned her into a monster she doesn't want to be. I could sense that she isn't on her sane state right now, that's why she was able to do such things."

I agree with what Seb said. Maraming nagagawa ang inggit sa isang tao.

"Uhm..." pagsingit ni Felize. "Everything will be back to normal naman po 'diba once we finished this game?" she hopefully asked them.

Silence filled the atmosphere. Wala na akong marinig pa kaya sa tingin ko natigilan sila sa tanong ni Felize.

Napaisip din tuloy ako. Will everything be back to normal? Alam kong malaki na ang naging impact ng nangyayaring ito sa buhay namin. Sobrang ginulo nito ang mapayapang pamumuhay namin noon. Pero ito rin ang dahilan kung bakit kami nagkasama. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa dahil dito, nang hindi nakadepende sa mga magulang ko.

Kapag natapos namin ang lahat ng ito, ano nang mangyayari sa amin? Matatapos ba talaga namin ito? O itong game ang tatapos sa amin?

Hindi mo talaga maiiwasan na mapaisip ng ganitong mga klaseng katanungan sa oras na ito. Lahat ng kasali sa larong ito ay kinakabahan. Hindi na sigurado ang buhay nila. Hindi na nila tiyak kung makikita pa ba nila ang sikat ng araw kinabukasan. Kung makaligtas man ako sa larong ito, gagamitin ko lahat ng napagdaanan ko para palaguin ang sarili ko, kahit na alam kong mahirap, alam kong mayroon naman akong natutunan dito.

Umiling na lang ako para maalis sa isipan ko lahat ng naisip ko. Hindi ito ang panahon para isipin ang mga mangyayari sa hinaharap. Dapat ko munang ituon ang atensyon sa kasalukuyan at laruin ang laro ng buhay.

Ibinalik ko ang tainga ko sa may pintuan at umasang may maririnig pa mula sa kanila.

"Tara na. Huwag niyo munang isipin iyan. Tingnan muna natin si Tamara."

Nagpanic ako sa narinig ko kaya hindi kaagad ako nakaalis sa puwesto ko. Bago ko pa man mailayo ang mukha ko sa may pintuan bigla na lamang itong bumukas.

Napasalamat ako na ang bukas ng mga pintuan sa ospital na ito ay palabas kung hindi ay basag na siguro ang mukha ko. Ngunit dahil doon, nawalan ako ng balanse at natumba.

Nasalo ako ng kung sino man ang nasa harap ko. Siya siguro ang nagbukas ng pinto. Napasubsob ako sa dibdib niya at naamoy ko pa ang mabagong pabango niya. Hindi kaagad ako nakatayo dahil hirap pa rin ako ng walang alalay.

Mabilis namang kumilos ang mga kamay ng taong pinagsubsuban ko at inalalayan ako upang makatayo ng tuwid. Nagulat ako nang makita ko si Hale na nakahawak sa akin. Sa kanya pala ako sumubsob.

"Ayos ka lang, Tamara?" tanong niya sa akin ng may nag-aalalang mukha.

Napatango na lang ako sa sobrang kahihiyan. Inalalayan niya ako papunta sa kama ko at pinaupo roon. Kinuha niya rin mula sa akin ang suwero ko saka ibinalik sa stand nito.

"Dapat kase hindi ka muna kumilos eh." pangaral niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin.

Dinako ko na lang ang paningin ko sa mga taong papasok na rin ng ward na ito. Nakangiti silang lahat sa akin kaya sinuklian ko rin sila ng isang matamis na ngiti.

"Tamara!" sigaw sa akin ni John kaya napatakip ako ng aking tainga. "Ayos ka na?"

Hindi ko na nasagot ang tanong niya nang pumasok si Pauline sa kuwarto. Punong-puno ng gasa ang katawan niya at sementado pa ang kanang kamay. Ngunit ang nakakuha ng pansin ko ay ang maikli niyang buhok. Malapit na ang haba nito sa kanyang baba at hindi pa pantay-pantay at halatang kagugupit lang. Anong nangyari?

"What happened to you, Pauline?" I asked her pertaining to the wounds she got and... her hair.

Sadyang nakakadistract lang kasi ang maikli niyang buhok dahil napakahaba nito noon. Bagay pa rin naman sa kanya at sa tingin ko nga ay lalong lumitaw ang ganda niya.

"Ginupit ko. Maganda ba?" Nag-aalangan niyang tanong sa akin.

Napasimangot siya nang wala siyang makuhang tugon mula sa akin.

"May nakaenkuwentro kase ako, tapos nakakainis! Hila sila ng hila sa buhok ko kaya ayun, wala akong choice kundi gupitin na lang ito." Halata pa rin ang panlulumo sa boses niya marahil ay iniingatan niya talaga ang hanggang baywang niyang buhok noon. Ngunit mas bumagay talaga ang buhok niya ngayon at lalo pa itong nagpaastig sa kanya. Nakakadagdag ito sa dating niya.

"And Tamara," tawag sa akin ni Pauline.

"Kilala na namin kung sino ang mastermind."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now