AYR 49: FAILED

181 13 2
                                    

[KRISSHA]

Nagising ako ng maaga dahil hindi na muli ako makatulog nang maayos nang marinig kong tumunog ang cellphone ni Felize.

Nakakainis!

Sinira niya ang beauty rest ko! Paano na lang kung magka-eyebags ako dahil doon? Ang hirap pa namang itago no'n!

Kaya inis na inis ako sa kanya eh. Para kasi siyang bata. Oo nga, bata pa siya pero malapit na siyang mag-adult. Fcking mature, for heaven's sake.

Ugh!

Bumangon na lang ako dahil naiinis ako at pumunta sa banyo. Naglinis lang ako saglit ng katawan at paglabas ko mataas na ang sikat ng araw. Napatingin ako sa orasan at lagpas 6:30 na rin pala.

Pagtingin ko sa higaan ay si Pauline na lang ang natutulog. Ang aga naman nila magising.

Pumunta na ako sa may kusina at lumapit sa may coffeemaker, nagtimpla ako ng kape saka umupo sa may high stool chair.

Lumapit sa akin si Seb habang dala-dala ang kanyang tasa na may kape.

"Good morning," bati niya sa akin ng nakangiti kaso hindi ko siya masuklian ng ngiti. Badtrip pa rin ako hanggang ngayon.

"Oh, you look irritated. Wanna tell me what's bothering you?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya habang may inis pa rin sa aking mukha. Mas mabuti nga siguro kung mailalabas ko ito at maikuwento sa kanya.

"Eh paano naman kase dis oras ng gabi tumunog 'yung cellphone ni Felize tapos pagkatapos non hindi na ako nakatulog uli ng maayos." pagkuwento ko.

Humigop siya sa kanyang kape saka tumingin sa akin.

"That's odd" he said.

Huh?

What does he mean?

"Anong sinasabi mo? Anong odd ha?" 'Di ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Why did her cellphone vibrate?"

Eh?!

Sa cellphone siya ngayon ni Felize may pake? Pa'no naman sakin?

"Bahala ka dyan," nasabi ko na lang saka lumipat sa may lamesa kung saan nakahain ang mga pagkain.

"Kain ka na rito, iha." tawag sa akin ni Ginang Amelia.

Binigyan ko lang siya ng matipid na ngiti saka tumango. Umupo ako sa upuan na katabi nang kay Tamara.

"Ba't parang bad mood ka?" tanong sa akin ni Tamara.

"Eh kase si Seb eh." nagrereklamo kong tugon.

"Huh? Nag-away kayo?"

Agad kong iniling ang ulo ko. "Hindi! Naiinis lang ako sa kaniya kase mas pinansin niya ang pagtunog ng cellphone ni Felize kaysa sa nainis ako kase naudlot yung tulog ko dahil sa pagtunog no'n."

Hindi naman talaga ako naiinis masiyado, gusto ko lang suyuin ako ni Seb. Wala lang gusto ko lang marinig uli yung mga sinasabi niya tuwing naiinis ako. Ramdam kong ang init na ng pisngi ko dahil kinikilig ako habang inaalala yon. Erase, erase. Argh!

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon