CHAPTER 25: Everything

1.3K 35 5
                                    

Chapter 25

Micca

"What do you mean?" Lawrence asked while frowning.

"Ayoko pa sanang sabihin sa'yo pero ito na eh! I'll say it to you now. Ayokong biglain ka pero ayoko rin na puro sikreto na lang. I want trust, Lawrence. Hindi na ako naghahangad ng iba pa.." I said.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Oo, nagkaroon ako ng amnesia, 'di ba?" I sighed. "Pero, naaalala ko na lahat. Matagal na."

"What?" Tumango ako at nakita ko kung pa'no siya nagulat at kahit ang pagbagsak ng balikat niya. Napailing din siya na tila hindi makapaniwala.

"Noong una pa lang tayong magkita sa SC Office noon. Pero, sa maniwala ka man o sa hindi. I still didn't remember that time how you loved me. Basta ang alam ko lang, ikaw 'yung boyfriend ko noon na pinagpalit ako sa kapatid ko."

"But.."

"Alam ko," pagpapatigil ko sa kan'ya. "Alam kong mali ang mga una kong pinaniniwalaan kasi no'ng gabing pinigilan mo akong pumunta sa London, 'yun 'yung time na pinaalala mo na sa'kin lahat."

"So, you just did those efforts for me to notice you and you can do your revenge?"

"Oo," walang bahid ng pagsisinungaling na sagot ko. Lumungkot ang mga mata niya at halatang nangilid ang luha. "That was the first plan. Basta, mahulog ka lang ulit sa'kin. Everything had set. Kayang-kaya na kitang masaktan kahit anong oras ko na gustuhin noon 'cause you loved me that much. I would leave you devastated. That was the plan. Makakaganti na ako."

Napailing siya at marahas na humugot ng hininga. Alam kong nagtyatyaga lang siyang makinig just to know everything.

"Gusto kong makaganti. Lahat naman ng tao gustong magkaroon ng paghihiganti kung naagrabyado. I want you to suffer more than I suffer when I woke up one day like a new born child without any knowledge on Earth."

"You suffered?" Hindi makapaniwala ang tono niya na para bang nang-iinsulto.

"I did suffer, Lawrence.." pinigilan ko ang mga luha kong kumawala dahil sa matinding emosyon. "Wala akong maalala, anong aakalain mong mararamdaman ko? Matutuwa? Of course not! I felt like an idiot. Umiikot ang mundo ng wala akong paki, ni date hindi ko alam!"

Napapikit ako nang maalala ko na naman ang pagmumukha kong tanga no'ng mga panahong 'yun. Nagpakilala sa'kin ang mga kamag-anak ko pero wala akong tiwala dahil para akong musmos na walang alam at takot magtiwala sa mundo. I was devastated that time.

"Araw-araw sumasakit ang ulo ko dahil sa 'di malamang dahilan!" Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. "Matapos sumakit ng ulo ko at napagod na, 'yung puso ko naman ang napapagod. May mga oras na hindi na ako makahinga at isusugod nila ako sa hospital dahil sa sakit ko. Kung ikaw, Lawrence? Hindi mo ba maiisip maghiganti kahit para sa sarili mo lang?"

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa'kin. Wala siyang kahit anong reaksyon. Alam kong mali ang ikwento pa sa kan'ya dahil parang lumalabas na kinukonsensya ko siya pero hindi. I just want him to know what I've been through. Mahirap pero kinaya ko dahil sa 'di ko malamang dahilan. Ang nasa isip ko lang ng mga panahong 'yun is to meet him someday. Gusto kong malaman ang magiging reaksyon niya. Ang akala ko pa nga magugulat siya, but he did nothing. Wala siyang naging reaksyon kundi ang pagkunot ng noo niya. Laging gano'n, hindi nagbabago kaya muntik na akong mawalan ng pag-asa na magagawa ko ang plano ko pero binigla niya na naman ako. Pinigilan niya akong mawala sa kan'ya.

"My plan was ruined by you, Lawrence," I smiled. "Salamat sa pagkakataong 'yun. Thank you for ruining my plan. Kung hindi mo 'yun ginawa. I'm sure, 'yun ang pagsisihan ka sa buong buhay ko. Thank you Lawrence. Thank you for loving me, for making me the only girl in your life next to your mother, for caring me, for being my boyfriend twice till now, and for everything. Thank you."

Naghintay ako ng ilang minuto kung sasagot siya sa lahat ng mga sinabi ko, but I was disappointed. He even closed his eyes and leaned on the couch where he is sitting. Alam kong nahihirapan siya. I smiled bitterly. Lumapit ako sa kan'ya. I kissed his lips lightly after I said. "I love you.."

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now