Final Chapter

1.9K 33 9
                                    

FINAL CHAPTER

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Malamang dahil na rin 'to sa pag-iyak ko bago ako makatulog. I bit my lower lip to suppress any sobs which I can make. Dumapa ako sa kamang hinihigaan ko and buried my face on my pillow. I screamed, without sounds. Gustuhin ko mang sumigaw ng may tunog pero hindi ko na kakayanin ang stress.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. I didn't turn around to look who's there. I know who is she. Amoy pa lang ng pabango niya alam ko na.

"Anak," my Mom called me. Hindi ako kumilos. Pakiramdam ko, walang nagawa ang kahit na sino para maging masaya ako. Pakiramdam ko, ako lang ang may kakayanang magpasaya sa sarili ko at si Lawrence.

Hindi ko napigilan ang mga luhang kumawala na naman mula sa mga mata ko. I missed him. I want to see him. Kahit yata ang anak namin sa loob ng tyan ko ay miss na miss na siya. Ayokong mang isipin pero mahigit isang linggo na rin simula nang magkahiwalay kami ni Lawrence. Hindi ako lumabas ng bahay o kahit kwarto ko. Hindi dahil hindi pwede kundi ayoko. Ayokong mas magalit sa Dad ko.

"Anak, you need to eat.." my Mom approached me. Naramdaman ko ang paggalaw ng gilid ng kama ko na para bang may umupo. Saka ko naramdaman ang kamay ni Mom na bahagya akong hinawakan sa balikat. Comforting me.

Umiling ako. Sa loob ng isang linggo, si Mom na ang nag-alaga sa akin. Hindi ko pa nakikita si Dad at ayoko rin. Si Farrah naman ay nakabalik na sa bansa at galit na galit. Muntik na rin niyang sirain ang pinto ng kwarto ko sa pag-aakalang lock 'yun. Ang buong akala niya ikinulong ako ni Dad dito pero nang malaman niyang ako ang pumili nito ay sa kasamaang palad man ay napagsampal niya ako. Nakakainis talaga ang babaeng 'yun.

"Hindi lang 'to para sa'yo. Para din 'to sa baby niyo.." my Mom said. Lagi 'yan ang sinasabi sa akin ni Mom kapag hindi ako kumikilos para kumain.

I bit my lower lip. Medyo malaki na rin ang tyan ko pero hindi naman kasing laki ng bola ng basketball. Tama lang pero hindi rin masyado. Ewan. Ang gulo.

Dahan-dahan akong tumunghay at umupo sa harap ni Mom. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti niya. Kahit ganito ako na parang nagrerebelde ay hindi pa rin ako nakakalimot na may isa pa akong buhay na kasama. Ayokong pati ang walang kamalay-malay na anak namin ay maapektuhan dahil sa katigasan ng ulo ko.

"Let's go down to kitchen for your lunch," she suggested, but I shook my head in disapproval. Nawala ang ngiti ni Mom at hinawakan ang kamay ko. I sobbed. "Anak.."

Nagulat kami ni Mom nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa no'n si Farrah na ngiting-ngiti pero agad ding napawi nang makita ang itsura ko. Mabilis siyang lumundag sa kama ko at tiningnan akong mabuti. She even tilted her head sideways before gently slapping my cheek.

"Ano na namang kagagahan mo ha, Micca? Grabe. Look at yourself. Kung hindi lang kita kilala ay malamang ay iisipin kong na-rape ka na. But, I knew better. Blooming ka dapat kung na-rape ka ano!" She tried to pull out a joke, but I didn't laugh. "Okay, fine. Waley na nga."

"Hey!" Nilingon ko ang nasa pinto at sandaling napangiti. "Miss me?"

"Oh ayan ha! Ang bait kong kapatid, dinala ko pa dito ang best friend mong baliw."

"Yeah. Mana kasi ako sa'yo Farrah kaya sige lang, call me crazy."

"Hindi kita tinawag na 'crazy' ah. I said, 'baliw'. Susko. Spelling pa lang magkaiba na. Poor Cecille."

"Manahimik ka nga. Palibhasa english lang no'n, hindi mo pa alam."

I smiled bitterly as I continued listening to their debate. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak, knowing that they visited me. Kahit papaano pala ay naaalala pa rin nila ako. Kung hindi dahil sa kanila, malamang hindi ko alam ang gagawin ko.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now