CHAPTER 18: Secrets

1.6K 42 1
                                    

Chapter 18

Micca

Days passed. Mga tatlong araw lang yata ako sa hospital noon. And here I am, sitting on our sofa. Namili kasi kami for Christmas kaya naman pagod na pagod talaga ako.

"Oh Micca, hindi ka ba pupunta kina Lawrence?" I looked at my mother nang dumaan siya sa harapan ko bitbit ang ilan sa mga pinamili niya.

Minsan nga naisip ko kung pinapaalis ba ako nitong ina ko. Dalihan ba naman ako na kapag wala ako dito halos kina Lawrence na daw ako tumira. Kapag naman nasa bahay ako, kulang na lang ipagtabuyan ako. Napailing ako. Ibang klase.

"Pupunta po sya dito," sagot ko na lang. Nag-text na siya sa akin at sinabing malapit na siya.

Grabe. Feeling ko, mahuhulog na ako dito sa sofa dahil sa feel na feel ko ang pagkakahiga ko dito kahit na hindi ako masyadong kasya. Mukha tuloy ako ditong suman.

I frowned when I heard my phone rang. I handed my phone and answered it.

"Hello.."

"Micca," nakilala ko agad ang boses niya kaya nahiga ulit ako.

"Yes? Do you need something?" Bakit kaya ito napatawag?

"Nah. I just want to know, if you're okay?"

"Huh? I'm okay, Lance! Live and kicking!" Napasipa pa ako at biglang tumama ang paa ko sa mini table sa harap ko. "Ouch."

"Hey? Are you okay?"

"Yeah. Yeah. May nasipa lang ako," palusot ko which is partly true naman. "Do you have anything to say?"

Natahimik na kasi siya bigla sa kabilang linya.

"Micca.."

"Oh?"

"May pupuntahan ka ba bukas?" Nangunot ang noo ko. I actually have.

"We're going to celebrate our Christmas in Korea. Sorry, we will have our flight tomorrow."

"Ah! Of course! Ayos lang! Ano ka ba?] He laughed, but it sounded fake.

"Ahm.." ang awkward na namin. "Are Tito and Tita there already?"

"Ah, yeah. They already arrived just hours ago.."

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko dahil wala na akong masabi.

Saktong pagtingin ko sa bandang hagdan ay nakita ko si Farrah na pababa. She's wearing a dress. May pupuntahan sila ni Ven.

Farrah and I are . . paano ko ba sasabihin? Medyo okay na kami. Paglabas kasi ng hospital ay nag-sorry siya sa akin. As in, a word, sorry. Pero dahil isa akong anghel na nasobrahan sa ganda, tinanggap ko 'yun without asking any explanations from her.

"Ah, Micca?" Napakurap ako nang paulit-ulit nang maalalang kausap ko pa nga pala si Lance. "Still there?"

"Ah, yes. Sorry.." I said. "Sige na. I need to hang up. Bye. Ah, Merry Christmas by the way."

I ended the call bago pa siya makasagot. Wala lang, trip ko lang na asarin siya. Nagagalit kasi 'yun kapag binabaan sa tawag.

"Where are you going?" Nilingon ako ni Farrah.

"Kina Ven," kinuha niya ang purse niyang nakapatong sa mini table. "We're going to have our exchange gift.."

"Exchange gift?"

"Yeah," tumango na lang ako. Ang weird.

Napailing ako at nahiga ulit sa sofa. Sa totoo lang, lagi akong nakahiga dito pero hindi pa ako nakakahanap ng komportableng spot dito. Ewan, gusto ko lagi dito eh.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now