CHAPTER 1: Monster Baby & Monster Daddy

5.3K 88 9
                                    

CHAPTER
ONE

Monster Baby & Monster Daddy

"Ano bang nagawa ko? Ibinigay ko namang lahat, ah! Bakit niya ako pinagpalit sa iba?"

Mga kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada at kahit taga-ibang network, hindi po ako 'yan. Oo, maingay ako pero itong bunganga nitong kasama ko ay dinaig pa ang nakalunok ng megaphone. Ang ingay naman talaga kasi nitong si Cecille, ang best friend kong luka-luka.

"Sigurado ka bang naibigay mo na ang lahat?"

Natahimik naman siya sa tanong ko kaya napatingin na ako sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Parang gusto ko siyang masampal dahil natigilan siya bigla. Sana kasi hindi pa niya naibibigay lahat, 'di ba? Kasi . . you know — ang tanga niya!

"Hindi pa pala!" Sagot niya at humagulhol ulit ng iyak.

Nakahinga naman ako nang maluwag sa sagot niya. Buti na lang. Akala ko lang naman. Medyo judgemental lang ang peg ko.

Nandito kami ngayon sa field at sitting pretty sa damuhan dahil dito naisipan ng isang Cecille Dimaano na mag-emote.

Nga pala, ako si Micca El De Torres, isang serena. Joke! Babae po ako! Hindi ako bakla, ba-bakla, bakla! Straight 'to. Mas straight pa sa hair kong pina-rebond ko noong isang buwan.

"Dapat ba ibinigay ko na sa kanya lahat Micca?" At sa isang galaw ko lang ay binatukan ko siya.

"Tanga ka ba? Bakit mo naman ibibigay lahat? Eh, paano kung hindi na niya kayang ibalik, edi nganga!" Halos matanggal na ang eardrums niya sa sigaw ko. Dapat lang, para matauhan siya! Hindi naman siya ganoon katanga para magpauto sa mga lalaki!

"Anong gagawin ko?" Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

Aba! Malay ko ba kung anong gagawin niya. Bakit sino ba ako dito? Si DJ Chacha? Taga-advice lang ang peg? Eh, parang noon, kung maibida niya sa akin si Clark dahil sa pagiging perfect boyfriend nito sa kanya! Lolokohin lang pala siya.

"Magbigti ka na lang.." seryosong saad ko sabay tapik sa balikat niya.

Napangisi ako at muntik na akong humagalpak ng tawa dahil sa mabilis pa sa alas kwatrong napalingon siya sa direksyon ko.

"Hindi ka naman nakakatulong, eh!" Napabuntong hininga na lang ako. Ganito ba talaga ang role ko bilang best friend niya? Tagatulong? Taga-adivise? Tagagising sa kanya sa kanyang matinding imahinasyon?

"Edi sa iba ka na lang humingi ng tulong!"

"Micca naman! Don't worry pag nag-break kayo ni-"

Nakabunot agad ako ng damo at itinapat ko sa bibig niya. "Nino? Nino ha?"

"Ni wala — pwe! Ayan nakain ko na!" Inilayo ko na sa kanya ang damo at itinapon kung saan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw naman kasi, eh.." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil tanaw na tanaw ko mula rito ang pinakamamahal ko.

Nakakunot na naman ang noo niya. Para bang kapag may bumangga sa kanya ay patay agad. Gan'to na lang 'to araw-araw. Ano na naman kayang problema nito?

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tumayo na ako at naglakad palayo kay Cecille.

"Huwag mo na akong hintayin!" Sigaw ko sa kanya.

Masaya akong naglakad palapit sa irog ng buhay ko. Parang napapalipad na nga ako sa saya dahil feeling ko ay naturuan ako ni Peter Pan kagabing lumipad. Yes. Ganyan ako kasaya. Ang gwapo talaga ng kwago kong 'to!

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now