CHAPTER 12: Lance Ithan Do

1.6K 46 2
                                    

Chapter 12

"Micca, nasasakal mo na ako.." agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Lance! Kumusta ka na? Kumusta ang pagtira niyo sa Korea. Are you okay? Siguro sobrang lamig doon ano? Teka, Lawrence! Saan ka pupunta?" Nilingon ako ni Lawrence at kahit na si Lance na kakambal nya ay tiningnan lang siya.

"Follow me if you want to.."

"Huh?" Nakita ko ang pag-iling-iling niya pati na rin ang pagbuntong-hininga niya nang magpatuloy na siya sa pag-alis. Anong problema ng isang 'yun?

"Ah, Micca. Tara, ilibot mo naman ako dito sa school," napatingin ako kay Lance at sa likod ni Lawrence na malayo na sa akin ngayon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinanggihan ko si Lance.

"Sige next time na lang ha? Mukhang may problema Kuya mo eh."

"Problema? Ano naman?" Ano nga ba? Napaisip ako. Ewan ko, feeling ko lang.

"Ewan. Sige na ha? Welcome back nga pala!" Kumaway-kaway ako sa kanya bago ko sinundan si Lawrence. Mukhang tinopak.

Lance

Napangiti ako nang mapait habang nakatingin sa likod ni Micca na palayo na sa akin. Ang bilis nga naman ng panahon. Noon, si Micca pa ang naghahabol kay Kuya. Ngayon, ibang-iba na.

Naglakad na rin ako palabas ng cafeteria at doon ko naabutan sila Kuya at Micca na mukhang naglalambingan. I didn't really expect my Kuya will show these different kinds of emotions at the same time with the same girl. He's too brave for Micca. Hindi naman nila ako nakita kaya nagtuloy na ako sa pag-alis.

"Fuck you!" Napahawak ako sa labi ko at pinahid ang dugo dito. Malakas talaga siya.

Pinilit kong tumayo para lang maipakitang kaya ko. I can be strong for her too. How I wish I can really be strong for her. Tumayo na ako nang maayos. Tinitigan ko lang ang galit na mukha niya. He's showing his different side. His side that no one could like.

"Bakit Kuya?" I smirked. "Nagustuhan mo na ba si Micca at ganyan ka makaasta? As far as I know, you don't like her!"

"You don't know anything," he said plainly. "You don't have any idea how special she is for me."

"Kung ganun! Bakit Kuya? Why are doing this? Mahal ka niya! Nahihirapan siya at nasasaktan!" Hindi siya nagsalita dahil sa sinabi ko. "I'll steal her."

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya pero wala akong pakialam.

"Try it and I will surely forget that I have a brother like you.."

"Tapos ano? Pababayaan mo siyang umalis! Eh putangina ka pala eh! Kung talagang ayaw mong makuha ko siya, hindi ka papayag na umalis siya!"

"Why? Are you going to follow her to London just to be with her?" Parang hindi naniniwala na tanong niya. Gagawin ko nga ba? Hindi ko rin alam.

"Yes. Kung 'yun ang ikakasaya nya," pagmamatapang ko pero agad kong nakita ang ngisi sa mukha ni Kuya na minsan lang niya ipakita.

Kapag ngumisi si Kuya, alam niyang siya ang tama, na kaya ka niyang sumbatan o kontrolin sa simpleng mga salita. Kuya is too good at controlling things around him even people.

"I like her.." at sa simpleng mga salitang 'yun, nalaglag ang balikat ko. Naramdaman ko na rin ang sakit ng katawan ko dahil sa pagbugbog sa akin ni Kuya at anumang oras pwede akong matumba. Alam ko na naman iyon pero iba rin pala ang impact kapag siya mismo ang nagsabi.

"Be with her," I started. "Aalis ako Kuya. I will go back to Korea for you and Micca. Pero babalik ako, at sa pagbabalik kong 'yun. Make sure that she truly loves you and you love her too to the point that no one can brake your relationship."

Huminga muna ako nang malalim bago tumingin sa mga mata ni Kuya. I know, he's serious but I can't do this for him instead I will do this for Micca.

"If you're not. I will steal her from you. Goodluck Kuya."

At ngayon, bumalik na ako. Kung kinakailangan kong maghintay ng sobrang tagal para lang makuha ko siya, gagawin ko. Kahit na alam kong malabo na. Kahit na gano'n, I'll do anything.

Nilingon ko ulit sila at napangiti na naman ako nang mapait nang mapansin sa mga ngiti at mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Siguro nga katangahan ang gagawin kong maging isang kontrabida sa sariling lovelife ng kakambal ko pero ganun lang siguro talaga. I'm too idiot. Kakayanin ko para sa kanya, para makuha siya.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now