CHAPTER 5: Flashback 4/4

2.2K 56 0
                                    

CHAPTER FIVE

Flashback 4/4

Time check: 11:06pm

Hindi pa rin ako makatulog! Ang laki na lalo ng eyebags ko kakaiyak sa dalawang araw na nakalipas. Oo, lumipas na ang dalawang araw at heto ako, hindi pa rin ako nakaka-move on sa speechless reaction ni Lawrence.

Napalingon ako sa bintana ng kwarto ko nang may marinig akong parang may maliit na bagay na tumama dito. Ano yun?

"Wala lang yun!" I uttered to myself. Humiga na lang ako ng ayos at nagtalukbong ng kumot.

Biglang narinig ko na naman.

Napabalikwas na ako ng bangon at nagpalinga-linga sa loob ng kwarto ko.

"Minumulto na ako!" I screamed. Nagpa-panic na ako.

Napatingin ako sa bintana nang nay tumama na naman doon. 'Yun ba 'yung naririnig ko? Ano kaya 'yun?

May nakita akong batong tumama sa bintana ng kwarto ko kaya napagdesisyunan ko ng tumayo at puntahan 'yun. Kainis, ang ingay kaya 'no!

Napatakbo na ako agad ako palapit sa bintana dahil napalakas na yata ang bato at nabasag na 'yun. Ang shunga ah!

Sino ba naman kasi 'yun? Sinilip ko ang labas at may nakita akong nakatayo kaya binuksan ko na nang tuluyan ang bintana. Nagulat pa ako at pati siya nang magkatinginan kaming dalawa.

Si Lawrence na may hawak na bato at akmang ibabato pa niya ulit iyon. Napatingin ako sa bandang baba niya at shit! Ang dami pang bato!

"What took you so long?" Bungad niya sa akin at palihim akong napangiti. Naalala ko kasi 'yung unang beses naming magkita.

"Hintayin mo ako dyan ha?" Nag-sign pa ako ng wait sign gamit ang kamay ko at dali-daling bumaba.

Wala na rin akong pakialam kung nakapantulog pa ako.

Kinilig naman ako agad sa naabutan kong scenario. Sinisipa-sipa niya 'yung mga bato sa paanan niya. Sobrang cute talaga!

"Oy!" I ran. "Anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya sumagot na parang nag-iisip ng sasabihin. Parang nakalimutan ko na ang nangyari dalawang araw palang ang nakakalipas.

Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kanya. Memorizing every detail of his face, the features that I would surely miss. Siguradong walang katulad niya sa London. Siguraeong mami-miss ko siya.

His eyes, medyo malaki na napaka-cute naman talaga. His nose, it was really cute, small but pointed at the same time. His lips, kissable na tila nakakabuo ng heart shape kapag ngumingiti na siya. His eyebrows, 'yung nagsasalubong kung kukunot ang noo niya. His whole face. Him. I would miss all about him.

Napangiti na lang ako dahil 'di ko akalaing nakakilala ako ng ganitong klaseng lalake.

"Why are you smiling like that ha?" Kumunot na naman ang noo niya.

Sa loob ng dalawang araw, ito 'yung pinakana-miss ko sa kanya. 'Yung pagsinghal niya kasabay ang pagkunot ng noo niya.

"Listen to me," panimula nya at itinuon ko nga ang buong atensyon ko sa kanya. "This is important, so you should listen.."

"Wait! Pwede bang mag-Tagalog ka naman?" I pouted. "Minsan lang 'to. Saka, pupunta na rin akong London kaya mananawa na ako sa pag-i-English do'n kaya mag-Tagalog ka naman muna.."

"Okay. Basta don't talk habang nagsasalita ako, understand?" Ay! Nag-taglish ang Kwago! Konyo. "Hindi ko pa 'to ginawa noon, so, I don't know if I can do it accurately,"

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now