Epilogue

2.8K 62 12
                                    

EPILOGUE

Parang isang biro lang ang lahat. Marami ang nangyari.

Isang napakainit na umagang iyon. Maraming mga estudyante ang nagkukumpulan habang pinanonood ang iba pang dumadating na estudyante. Isang bagong semester na naman para sa mga college students. Marami ang excited, kinakabahan at ang iba naman ay tinatamad pang pumasok.

"Halloo?" Halos maagaw niya ang pansin ng lahat dahil sa bati niya. "Kumusta?"

"Farrah!" Napatayo si Cecille saka tumakbo patungo kay Farrah. Niyakap niya ito. "Aba! Hindi mo man lang kami sinabihang dito ka rin pala mag-e-enroll. Kung hindi pa sa amin nabanggit ni Ven."

"Dapat kasi surprise 'yun. Si Ven talaga.." napailing na lang si Farrah saka siya umupo sa tabi ni Lance. "Ikaw Lance Ithan Do, kumusta ka na ha?"

"Ayos lang," nagkibit-balikat ito saka binuklat ang isa sa mga pahina ng hawak nitong school newspaper.

"Saan mo nakuha 'yan?" Kinuha niya ito kaya't hindi na nakapagprotesta pa si Lance.

"Kay Kuya 'yan.."

"Oh? Bakit naman nagka-ganito si Ian? Ang pagkakakaalam ko ay hindi naman siya napapadpad dito."

"Oo. O baka kinuha niya lang 'yan sa isa sa mga nagkakagusto sa kanya."

"Oo nga. Mahaba nga pala ang buhok ni Ian," pagbibiro niya ngunit napabalik siya ng tingin sa hawak na school newspaper nang makita ang picture ng isang babae. Naalala niya tuloy ang kapatid niya. Ang tagal na simula ng mangyari iyon. Miss na miss na niya ang kapatid. Napabuntong-hininga na lamang siya.

Nagpatuloy lamang sila sa pag-uusap at nagulat nang dumating ang taong hindi nila inaasahang dadating noong araw na iyon. May kasama ito. Ang akala kasi nila ay hindi dito ito papasok dahil na rin sa mga nangyari pero mukhang akala lang talaga nila 'yun.

"Ian!" Tumakbo si Farrah at yumakap dito. Hinalikan niya ito sa pisngi saka nakangiting tinanong. "Kumusta na?"

"I'm okay, Farrah. Can you please move?" Medyo itinulak pa siya ni Lawrence dahil sa lapit nito sa lalaki. Napanguso si Farrah at lumayo dito ng kaunti.

"Ang arte naman nito!" Kunwaring nagtatampo siya ngunit tiningnan lang siya ni Lawrence na parang nababagot sa mga nangyayari. Narinig niya ang tawanan ng mga kasama.

"Grabe. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Lawrence," natatawang puna ni Cecille sa binata. Nagkibit-balikat lang ito at napatingin sa kakambal na tahimik pa ring nagbabasa ng school newspaper.

"So, you're not going to greet me, my twin brother?" Pabirong tanong niya pero parang seryoso pa rin dahil sa pagkakasabi nito.

"Oh come on, Kuya.." isinara nito ang school newspaper at hinarap si Lawrence. Ngumisi ito. "Para namang hindi tayo nagkikita sa bahay. Kung may balak kang magtampo-tampuhan ay 'wag na Kuya. Sayang effort, you know."

"Well, I'm not planning to," Lawrence shrugged his shoulders, but deep inside ay naiinis siya dahil naunahan siya ng kakambal.

"Sige na. Sige na. Tama na 'yan," napairap si Farrah dahil hindi man lang nakinig sa kan'ya ang mga lalaki. Napansin niya ang kasama ni Lawrence na tahimik lang. "Hoy."

"Maka-hoy naman.." sagot nito saka ngumiti.

"Kumusta na?" Pabirong tanong niya pero ngumisi lamang ang babae.

"Grabe naman. Mas nauna mo pa ngang batiin si Lawrence kanina eh?" Tila nagtatampong pahayag nito.

"Sus. Tampo na agad ang sister ko?" Niyakap niya ito saka hinalikan sa pisngi. Na-miss niya ang kapatid. Sobra.

"Kumusta ka na?"

"Ayos lang. Maganda pa rin tulad ng dati," ngumisi ito sa kanya. "Ikaw? Mukhang nanaba ka ah."

"Hala? Mataba na ba talaga ako?"

"Hindi naman. Medyo lang.." ginulo ni Farrah ang buhok ni Micca saka bumaling ng tingin kay Lawrence na ngayon ay nakikipag-rambulan na sa kakambal nito. "Ikaw Lawrence ha. Pinapataba mo ng sobra itong kapatid ko. Baka mamaya kapag naging mukhang lumba-lumba na itong kapatid ko ay maghanap ka ng iba na mas sexy at maganda. At obvious naman na dine-describe ko lang ang sarili ko."

Napailing na lamang si Lawrence. Lumapit pa sa kanya si Farrah at inakbayan siya.

"Basta ba patatabain mo lang ha?" Makahulugang pahayag nito at mariing kinurot ang pisngi ni Lawrence dahilan para mapasigaw ito sa sakit. Nagtawanan ang iba. "Baka mabalitaan ko eh buntis na naman itong kapatid ko. Aba't napapasarap ka na naman yata, ano?"

"Farrah. 'Wag mo namang ganyanin si Lawrence," saway ni Micca sa kanya pero hindi ito nakinig dahil panay pa rin ang pagkurot niya dito. "Saka baka patayin na talaga ako ni Dad kapag hindi pa nga kami nakaka-graduate ay susundan na namin agad si Autumn."

"Ha! Sadya ano. Aba't ahead na nga kami sa iyo ng isang taon dahil sa pagbubuntis mo eh. Kung bakit ba naman kasi inuna muna ang sarap bago makatapos! Mga kabataan nga naman ngayon."

"Hindi ko nakakalimutan na late na ako ng isang taon pero hindi mo na kailangang ipagdildilan, okay? Naku Farrah, kapag nabuntis ka bago makatapos ng college ay tatawanan muna kita bago mag-isip ng pangalan sa pamangkin ko."

"Eh 'di sige lang. Bakla naman si Ven kaya walang buntisang magaganap tulad ng nasa isip mo. Heh!" Komento pa nito.

Tama, isang taon na rin ang nakalipas. Nakaligtas si Micca sa aksidente at kahit ang anak nila ni Lawrence. Masaya sila at ngayon na nasa college na sila ay hindi nila itinatago ang anak nila. Proud kumbaga. Ngayon pa lang ay pinaplano na nila ang dream wedding ni Micca para sa kanila kahit na ba college palang sila. Lalo na ngayon na nasa iisang bahay lang sila nakatira kasama ang anak at mga yaya nila. Hindi kasi sila pinapayagan na sila lang dalawa at walang yaya.

Si boyfriend dapat..

Mabait..

Masipag..

Gwapo..

Thoughtful..

Sweet..

Magaling sa Sports..

Matalino..

Mapagmahal..

Maalalahanin..

Lahat na yata ng magagandang katangian ng lalake nasabi mo na pero ako?

Hindi na kailangan pa ng listahan..

Sapat ng marinig ko sa kanya ang 3 magic words..

Maparamdam at mapakita lang niya 'yun..

Hahanap pa ba ako ng iba? Syempre hindi na!

Kaya nang makilala ko siya..

Alam kong siya na..

He's Lawrence Ian Do..

Suplado pero gwapo..

Tahimik pero matinik sa chicks..

Masungit pero makulit..

Misteryoso pero matalino..

Pulaero pero bolero..

Siya ang lalaking nagpabago sa akin. Ang lalaking nagbigay ng kulay sa magulo kong buhay.

Yes, siya lang ang naging lalaki sa buhay ko. We're not perfect. I have my Dad who always against us, but Lawrence did everything just for everyone to know that I am his everything. Wala na nga akong hahanapin pa.

He's my past, my present and always be my future. My forever.

For me, even tough he's not a perfect person yet he's still A PERFECT BOYFRIEND.

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

Thank you for reading. :)

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now