CHAPTER 3: Flashback 2/4

2.3K 57 0
                                    

CHAPTER
THREE

Flashback 2/4

Habang naglalakad kami  ay nakahawak pa rin ako kay Lawrence. Natural, gwapo si Lawrence, kaya pinagtitinginan kami ng mga iilan pang estudyante sa hallway.

Heh! Mamatay kayo sa inggit!

Tiningnan ko si Lawrence habang naglalakad kami para sana tingnan kung anong reaksyon niya, pero tulad lang ng inaasahan ko ang aking nakita.  He was just in his poker face mode.

"Magiging akin ka rin.." I whispered.

"What? What did you say?" Tanong niya kaya 'di ko maiwasang mapangisi. Ay, narinig? Akala ko pa naman may pagkabingi siya.

"Wala! Sabi ko . . ang gwapo-gwapo mo!"

"Yeah. I know." Halos masamid ako sa sariling laway ko at napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

Seriously?

Talagang hindi man lang nagpaka-humble . . talagang nagmalaki pa! Nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad ko pero napalingon agad ako nang magsalitang muli siya.

"Edi saluhin mo ako.." He glanced at me before looking back in front of us. "Kapag nahulog na ako."

"Ha! Talaga!" I confidently said. I would probably do that.

"Let's see.."

"Kahit panoorin mo pa! O kaya naman, i-video mo para ma-play mo nang paulit-ulit, right? Post mo pa sa Youtube, Facebook, Instagram-"

"I'll be yours and . . you'll be mine. Is that it?" He asked me as he cut me off from speaking.

I nodded my head. "Yup!"

Nakangiti ako nang magpatuloy lang kami sa paglalakad. Hindi ko maiwasan. Parang may sariling isip ang magkabilang sulok ng mga labi ko dahil kusang umaangat ang mga iyon. Kahit 'yung dibdib ko parang sasabog na dahil sa pagwawala ng puso ko.

Gustuhin ko mang wala nang katapusan ang sandaling ito ay hindi iyon pwede. Maya-maya pa nga ay kailangan na naming maghiwalay dahil nasa parking lot na kami. Kung bakit ba naman kasi ang aga ni Manong na sunduin ako.

Minsan talaga hindi mo maaasahan ang traffic sa Pilipinas.

My day was too good to be true. Sa totoo lang, parang nagpupunta na nga lang ako sa school para makita siya. I would attend my classes just to make Lawrence proud, kahit 'di ako masyadong sure kung may pakialam siya sa'kin — but I would rather not think about that. Dapat positive lang!

Simula nang araw na iyon ay mas nagkalakas ako ng loob pa na magpapansin sa kanya, but at the same time, that was the last time na kinausap o nilapitan man lang niya ako. Minsan nga iniisip ko na pakipot lang siya.

I didn't have any idea if there was something wrong. Parang wala naman kasi, pero hindi ko talaga lubos maisip ang dahilan kung bakit parang lumalayo siya sa'kin. Baka nga talagang pakipot lang siya.

I sighed loudly. Bakit kaya iniiwasan ako ni Lawrence? Pwedeng hindi niya ako iniiwasan. Na talagang nagkakataon lang na hindi kami nagkikita. Yeah, right. It was not about the shitting destiny, of course. Kami kaya ang forever so.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now