CHAPTER 37: Disaster

1.3K 34 9
                                    

Chapter 37

Narinig ko ang pagsinghap nila nang maramdaman ko ang pagmamanhid ng pisngi ko. Naramdaman ko pa ang hapdi sa gilid ng labi ko. Napatawa ako ng pagak.

"Tapos na kayo?" Tanong ko saka hinarap si Dad. Galit ang mukha niya na para bang anytime ay pwede niya na akong patayin.

"Hindi na ako natutuwang bata ka!" He growled. Nagkibit-balikat ako.

"Bakit? Sa tingin niyo po ba natutuwa pa ako? Don't worry Dad, kahit naman no'ng kararating niyo palang sa bahay ay hindi na talaga ako natutuwa."

"Huwag mo akong sagot-sagutin Micca El!"

"Bakit? Sino ka ba? Ama lang naman kita!" Ngumisi ako. "Ano bang karapatan niyong magalit sa akin ha?"

"Ikaw. Kababae mong tao, nagpapalipas ka ng gabi sa isang lugar kasama ang isang lalake."

"Eh ano naman po ngayon? Anong nasa isip niyo? Na baka may mangyari sa amin. Kahit naman ulit-ulitin namin ay may laman na ang tyan ko."

"Napakalandi mo!" Nagtiim ang bagang ko. "Anong akala mo sa sarili mo ha? Hindi porke maluwag kami sa'yo ay magpapakalandi ka.."

"Tangina naman na 'yan ah!" Sigaw ko. "Maluwag? Ito ba ang sinasabi niyong maluwag ha? Kung ganoon man, paano pa kapag istrikto na kayo sa akin ha. Igagapos niyo na ba ako?"

"Kung 'yun lang ang tanging paraan," bigla akong hinawakan ni Dad sa braso para hilahin paalis pero inalis ko 'yun. "Aba talagang!"

"Tito," pigil ni Lawrence sa kanya. "Please, don't do this to Micca."

"'Wag kang mangingialam sa akin, Lawrence. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pangbubuntis sa anak ko."

"Tito, I love her."

"Wala akong paki sa lintres na pagmamahal na 'yan!" Sigaw niya. "Anong magagawa ng pagmamahal ha? Sabihin niyo nga sa akin. Ilang taon lang kayo? Sixteen! Anong kaya niyong ipakain sa anak niyo ha?"

"Ano bang pake mo?" Sigaw ko. Hinarangan ko si Lawrence. "Umalis ka na Dad. Hindi magandang ideya ang pagpunta niyo dito."

Pero bago pa man ako makapag-react ay nahila na ako ni Dad palabas ng condo ni Farrah. Sinisigaw nila ang pangalan ko pero wala akong magawa. Hinila nila ako papasok ng elevator.

"Bitawan mo ako! Ano ba!" Pilit kong inaalis ang kamay ko pero ayaw niya talaga akong pakawalan.

"Ano bang problema mo ha?" Sigaw niya bigla. "Kung ayaw mong sumunod sa akin, ako mismo ang gagawa ng paraan na mapasunod ka."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ipakakasal kita sa anak ni Mr. Gong."

"Ano?" Napasigaw na ako. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin pero bumukas na ang elevator at hinila ako paalis.

Pinagtitinginan na kami pero wala akong paki dahil sumisigaw na talaga ako pero hindi naman siya nakikinig.

"Dad, buntis ako! Sa tingin mo ba papayag ang kahit na sinong lalaki na magpakasal sa babaeng buntis na?" Hinarap ako ni Dad sabay bulong sa akin.

"Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin," kasabay noon ang paghila niya ulit sa akin.

"Micca!" Nilingon ko ang tumawag sa akin.

"Lawrence!" Balik sigaw ko saka ko lang naramdaman ang pag-agos ng mga luha ko. "Lawrence.."

"Micca!" Tumakbo siya papunta sa amin.

Maabutan niya na sana kami nang may sumulpot na isang sasakyan sa harap namin. Bumukas 'yun at pinilit akong ipasok ni Dad.

"Micca!"

"Lawrence.." nakita ko pang hinabol niya kami pero wala pa rin.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now