CHAPTER 13: First

1.8K 50 1
                                    

Chapter 13

Micca

"Micca, patulong naman.." nilingon ko ang tumawag sa akin at mabilis na lumapit sa kanya. Pagod na pagod na ako eh!

"Anong gagawin ko?" I asked her. Sinabi niyang lagyan ko daw ng ribbons ang mga banner. Bakit ba sa akin nila 'to pinapagawa? 'Di naman ako girly ah?

Wala na akong nagawa kundi gawin ang sinasabi niya. Next week na ang sports fest kaya naman busy ang lahat na iayos ang mga gagamitin para sa cheering at laro na rin. November na pero 'di pa kami nakakapag-sports fest dahil na rin sa busy ang mga tao. By the end of the month ay Christmas naman ang hihintayin ng lahat.

Hindi ko pa rin alam kung anong sasalihan ko pero mukhang wala akong magagawa kundi ang sumali na naman sa pageant dahil na rin sa wala namang may gusto.

"Ganito ba yung designs?" Napalingon ako kay Farrah. It's been a week simula nang lumipat siya. Everything's doing fine. Hindi pa ulit kami nag-aaway pero alam kong di 'yun magtatagal. By these days, I think we shall have some arguments.

"Micca!" Nag-angat ako ng tingin nang may tumawag na naman sa akin. "Si Pres!"

Nagliwanag ang mukha ko at dali-daling tumayo.

"Lawrence!" Masayang salubong ko sa kanya saka siya niyakap.

Tagal na kasi naming 'di nagkita. Okay, matagal na ba 'yung two days? Kung matagal 'yun, edi matagal na! Busy kasi kami this past few days.

"What's that?" Sinundan ko ang tinitingnan niya at 'yun palang ribbons sa buhok ko ang tinutukoy niya. Lahat ng ribbons ay nasa buhok ko dahil ayokong mawala ito.

"Ribbons?"

"Yeah, I know. And why do you have a lot of ribbons?" He asked. Napanguso ako dahil parang inis na siya agad dahil lang sa mga simpleng ribbons sa buhok ko.

"Wala lang. May ginagawa po kasi ako.." paliwanag ko.

"C'mon. Lets take a walk," magrereklamo pa lang sana ako na marami akong ginagawa pero huli na dahil hinila niya na ako.

Nakaakbay siya sa skin habang naglalakad kami. Busy ang lahat at kaunti lang ang tumatapon sa amin ng tingin. Mas okay nga 'yun.

"Ah, Lawrence?" Tawag ko sa kanya.

"Hm?"

"Where's Lance? I didn't see him anywhere these past few days, 'di ba sya dito papasok?"

"Don't talk about him again when I'm around.." seryosong sabi niya.

"Huh? Bakit naman? Nag-away ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko. Wala naman akong naalalang pinag-awayan nila ah?

"No! It's nothing!" Ginulo niya ang buhok niya. "Nevermind. Come on."

Tinitigan ko siya habang naglalakad kami. Halata sa kanyang stress na siya. Seryoso lang siya habang diretso pa rin ang tingin sa daan. Napabuntong-hininga ako at tumigil sa paglalakad, sakto namang nasa garden na kami.

"May problema.." seryoso kong saad. I'm not asking, but stating the fact. "Spill it."

Pinagkrus ko ang braso ko at mataman siyang tiningnan. Mataman niya rin akong tiningnan. Alam ko kapag may problema, a year and a month. Sa tagal na 'yun, simpleng pagbuntong-hininga niya lang alam ko na.

"Look Micca," nagtaas ako ng kilay kaya naman napabuntong hininga na naman siya.

"Lawrence, ano na naman ba 'to? Am I going to predict whatever your problem is?" Medyo inis na sabi ko at hindi rin nakatulong ang PMS ko.

"Micca, I'm.." malakas na bumuntong hininga siya. "I think I'm jealous."

"Alam mo, kung ayaw mo . . huh? Ano?" Tama ba ako ng narinig?

"I'm jealous.." umiwas siya ng tingin.

"Jealous? Kanino naman?" Aba napakaswerte naman pala ng lalaking 'yun dahil minsan lang si Lawrence ma-insecure at sa kanya pa. Edi wow!

"Lance.." mahinang bulong niya pero sapat na para marinig ko dahilan matawa ako.

"Seriously?" I asked after I recovered from my laughter. "Kay Lance? Si Lance? As in yung kakambal mo?"

Tahimik lamang siya bago tumango. Natawa tuloy ulit ako.

"Bakit ka naman magseselos sa kanya?"

"He's like me," nakatungo at mahina niyang sagot. Napangiti ako, this is the first time that he got jealous and it's really funny to say but I'm too happy.

Sabi kasi nila, ang mga tao, nagseselos lang kapag talagang mahal nila ang isang tao. 'Di ba? Dami kong alam.

"And I know that he's more than me.." nabalik ako sa katinuan nang magsalita ulit siya. Napatango ako nang palihim. Oo nga naman, mas nga si Lance kaysa sa kanya. If you'll compare them, Lance is more than him. "I'm afraid that what if someday, you'll realize that he's a better man than me."

"Why are you talking about this?" I asked frowning. Eh wala namang gusto sa akin si Lance dahil kung meron man. Wow ha? Haba ng hair ko.

"I'm just thinking about.."

"Reality?" Inunahan ko na siya. "Reality? Ha! Eh paano naman 'yung reality na ikaw 'yung mahal ko? Echapwera na lang ba 'yun? Nakakatampo ka naman pala kung gano'n. Saka FYI, kahit pa anong mangyari, kahit magkamukhang-magkamukha pa kayo, I will always love you dahil 'di naman mata ang nagmamahal eh."

"But.."

"No buts! Always remember that my heart will always recongnize you.." agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay nang paglipad ng mga paru-paro sa loob ng tyan ko nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.

Shit! We really are kissing! Kung itatanong niyo kung bakit ganito ang reaksyon ko, simply because this is my first! Yeah, we never kissed each other before because we believe that some couples don't need to kiss each other just to prove that they love each other. Malamang nabigla lang siya ngayon.

I slowly close my eyes to feel the moment. Dahan-dahan na rin siyang gumagalaw na para bang ingat-ingat. Ramdam na ramdam ko ang lahat ng emosyong di niya napapakita sa akin sa simpleng halik na ito.

Sa pagkakataong ito, alam kong siya na. Sana. Dahil alam ko na sa kabila ng pagkakaiba namin, we're the destiny. Kaya kung dadating man ang panahong kailangan ko siyang habulin. Gagawin ko. Aba! Patutunayan ko pa sa mga bitter that forever does exist.

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now