CHAPTER 28: Where Are You?

1.3K 40 13
                                    

Chapter 28

Nakangiti ako sa kanya simula nang pumasok ako sa kwarto niya. Nakangiti rin kasi siya kahit si Tita, Dad at Cecille na kararating lang din.

"Hay naku, Farrah!" At ito lang namang asungot na ito ang laging nakasimangot eh. Nilingon ko siya.

"Ano na naman ba, Ven?" Inis na tanong ko sa kanya. Mas sinimangutan niya lang ulit ako. "Tigil-tigilan mo ako ng kaartehan mo, Ven. Baka hindi kita matantya at masapak kita ng wala sa oras."

"Kailan mo ba kasi sasabihin sa kanya?"

"Ano ba?" Inis ko siyang binatukan. "Pati naman problema ko, pinoproblema mo!"

"Eh ano naman ngayon?"

"Wala! Ang akin lang, dapat pinoproblema mo 'yong sarili mong problema."

"Eh 'yun nga ang ginagawa ko!"

"Ano?" Kumunot ang noo ko. "So sinasabi mo na problema mo ako, gano'n?"

"Oo," tumaas agad ang kilay ko. "Ikaw kasi eh. Ayaw mo pang maging akin para hindi na kita problemahin."

Inirapan ko na lang siya dahil sa mga kagagaguhan niya.

Nagulat ako ng paglingon ko sa iba ay nakatingin rin pala sila sa amin. At ang malala ay may mga ngiti silang nakakakilabot. Napailing na lang ako dahilan para matawa silang lahat.

"Ah, Farrah.." tumingin ako kay Micca.

"Ano 'yun?" Lumapit ako sa kanya.

"Nasaan si Lawrence?"

"Huh?" Natigilan lahat ng nasa loob ng kwarto at kanya-kanyang paalam na lalabas daw muna sila sandali. Kahit si Ven ay iniwan ako!

"Nasaan na siya?" Nakangiti siya pero bakas sa mga mata niya ang lungkot. Alam kong alam na niya ang ibig sabihin ng pananahimik ko.

"Ano.."

"Umalis na naman ba siya?" Mapait siyang napangiti. Hindi ko naiwasang mag-iwas ng tingin dahil nakikita kong anytime ay maiiyak na siya.

"'Wag kang iiyak," banta ko sa kanya. "Hindi ka pwedeng ma-stress at wala din namang magagawa 'yang pag-iyak na 'yan eh."

Narinig ko ang mga pagsinghot niya kaya nilingon ko na siya.

"Wala na siyang pakialam sa'yo kaya pwede ba Micca? Gumising ka na sa katotohanan."

"Hindi totoo 'yan."

"Totoo Micca! Kung talagang mahal ka niya, nasaan siya? Wala! Umalis na naman siya. Iniwan ka na naman at sinabing kailangan siya ng mga magulang niya. What a reason! Ni hindi man lang nagawang mag-isip ng iba!"

"Nag-usap kayo?" Nag-angat siya ng tingin. Basang-basa na ang mukha niya kaya napairap ako.

"Oo.."

"Siguro pinaalis mo talaga siya!" Napakunot ako ng noo. "Ano? Ikaw na naman ba ang dahilan Farrah kung bakit siya mawawala sa akin sa pangalawang.."

"Tangina naman Micca!" Hindi ko na napigilang hindi mapasigaw. Natahimik siya. "Huwag na huwag mo akong pagbibintangan dahil tandaan mo gaano ko man minahal si Ian, hindi ko ginustong masaktan ka! Aksidente! 'Yun ang nangyari noon pero dahil sa masyadong makitid ang mga utak niyo hindi na ako nagpaliwanag pa! Sinong nakaintindi sa akin? Si Tita lang! Dahil masyado kayong nagpakabobo sa pinaniniwalaan niyo!"

"Farrah?" Narinig kong tawag sa akin ni Tita pagkabukas niya ng pinto. Hindi ko sila nilingon. "May problema ba?"

"Wala po," I firmly said. "Ginigising ko lang sa katotohanan ang anak niyong walang ginawa kundi mag-jump into conclusion."

"Ah, sige.." narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Gusto mo malaman ang totoo, Micca?" I asked Micca again. "Ian is such a coward. He always runs away when something happened to you. Bakit? Kasi takot siyang mapagbintangan. Takot siya na baka magalit ka sa kanya not even thinking na baka mas magalit ka sa kan'ya. Hindi ko nga alam kung anong klaseng pagmamahal ang mayroon siya para sa'yo eh. Bakit si Romeo kay Juliet? Hindi siya natakot na mamatay sa pag-aakalang patay na si Juliet. Ikaw na buhay pa nga, tinatakbuhan na niya."

"He loves me.."

"Oo! Pero sapat na ba 'yun ha? Sapat na ba ang pesteng pagmamahal para mabuhay ka ng mas matagal? Sapat na ba 'yun para magkaroon ng forever? Hindi! Lahat ng bagay Micca may katapusan. Wake up, Micca! Tapos na 'to. Ito ang katapusang hindi mo nakikita sa last page ng isang fairy tale. This is not a happy ending you're waiting for 'cause happy endings are only for princesses."

"Hindi mo naiintidihan, Farrah."

"Hindi nga! Sige, ipaintindi mo sa akin. Try to change my perception in life."

"I know that everything has its limit pero hindi ba pwedeng kahit ngayon lang Farrah? Hindi ba pwedeng ngayon lang hindi muna ako susuko? Hindi ba pwedeng ako muna ang lumaban para sa aming dalawa.."

"Are you that insane?" I asked her. "Ganyan ka na ba talaga kabaliw at kahit ang simpleng mga alaala, hindi mo na maalala? Hindi mo ba natatandaan na ikaw at ikaw lang ang lumalaban sa inyo? Ikaw 'yung laging humahabol. Ikaw na lang lagi. Hindi ba pwedeng, siya naman ngayon? Hindi ba pwedeng gano'n na lang? Hindi ba pwedeng ikaw naman 'yung maghintay sa pagbalik niya ulit sa'yo? 'Yun, ay kung babalik pa nga ba siya."

Natahimik siya kasunod ang malakas na paghagulhol niya. Lumapit ako sa kanya at sinubukang pakalmahin siya. Hindi nga siya pwedeng ma-stress pero kailangan naman niyang magising sa katotohanang ni minsan hindi niya nakita.

"Hindi madali.." I whispered to her. "Pero kailangan mong subukan."

"Bakit Farrah?" Tumunghay siya at tinitigan ako.

"Makitid ang utak niya para hindi ka maintindihan," I started. "Hindi mo kailangang umiyak sa taong 'yun. Hindi mo man sabihin pero alam kong sauladong-saulado mo na ang ugali ni Ian."

"Alam ko.." she sniffed. Napailing na lang ako saka mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Naghahanap na kami ng donor niya para sa heart transplant. Alam naming na maliit lang tyansang may mahanap kami pero sa tingin ko mahihirapan kaming kumbinsihin si Micca. Ngayon pa na nasasaktan siya ng sobra.

"Lawrence.." napatiim-bagang ako ng marinig ko siyang bumulong. "Where are you?"

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now