CHAPTER 27: Running Away

1.3K 33 10
                                    

Chapter 27

Farrah

Naiinis ako. Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko kahit wala namang sapat na dahilan para maramdaman ko 'yun.

Micca is still unconscious. Dalawang araw na rin siyang walang malay. Ang sabi ng doktor ay natural lang 'yun, para lang daw itong natutulog o pahinga kumbaga. Masyado daw kasing napagod si Micca. Dito na rin nasabi sa aming kailangan na kailangan na ni Micca na magpa-heart transplant kung gusto pa namin siyang makasama ng matagal. Masyadong harsh ang doktor, alam ko.

Sa unang araw dito ni Micca ay nakabantay lang si Ian. Ni hindi halos siya matulog dahil umaasa siyang magigising si Micca kapag kasama siya. Minsan nga narinig ko pa itong kinakantahan niya pero wala eh. Hindi pa rin magising si Micca. Matapos masabi ng doktor na hindi dapat ma-stress si Micca paggising nito ay bigla na lamang siyang nawala. Hindi ko na siya nakita, at hindi ko alam kung saang lupalop na siya naroroon.

"Kumain ka na ba, Farrah?" Napatingin ako kay Tita. Nakangiti siya sa akin.

"Opo, tapos na po. Dinalhan po kasi ako kanina ni Ven."

"Ah, gano'n ba?" Ngumiti na naman ito. "Mukhang may iba na 'yan ah?"

"Po?" Natawa ako. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Baka naman may something na sa inyo 'yang si Ven. Iba rin kasi ang tinginan niyo sa isa't isa."

"Tita! Seriously? Hindi po.." nailing ako.

"Sinasabi ko lang ang napapansin ko," dagdag pa ni Tita kaya natawa na lang ako.

Ito ang isa sa hinahangaan ko sa kanilang mag-ina. Kahit na marami silang problema ay nakangiti pa rin sila na para bang walang iniisip na problema, hindi na nakapagtataka na kahit maraming nangyayari sa kanilang kaokrayan ni Micca sa buhay ay nanatili silang matatatag. They're both extraordinary.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tumunog ang phone ko senyales na may nag-text. Ang akala ko ay si Ven na naman na nagpapaalalang uminom ako ng tubig pero hindi pala. Si Ian.

Meet me. I need to talk to you. Same place, now.

Napakunot ang noo ko. Napatingin ako kay Micca na wala pa ring malay. Ano kayang kailangan niya? Tumayo na ako at nagpaalam kay Tita. Pumunta ako sa isang coffee shop malapit sa hospital kung saan kami madalas magkape ni Ian noong nakaraang araw.

Naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa kanyang kape. Kung ako siguro si Micca, maiisip kong baka may galit siya sa kape niya dahil ang sama ng tingin niya dito. Napailing ako saka lumapit sa kanya.

"Bakit?" I asked him straight to the point. "Ayokong magpaligoy-ligoy pa kasi."

He sighed before talking. "I want to inform you that I'm leaving."

"Huh? Leaving? Leaving for what?"

"I need to go to Korea, again."

"Bakit?" Napailing ako. "Teka, 'wag mo akong english-in! Sasapakin na kita."

"Si Dad at Mom, pinababalik na nila ako. As soon as possible."

"Ano?" Nahampas ko ang table. "Imposible! Pwede ba Ian, 'wag mong bilugin ang ulo ko dahil tangina lang! Kilala kita, ano! Tinatakbuhan mo na naman si Micca. Ano na namang katangahan 'to?"

Nag-iwas siya ng tingin at pinilit kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko nagawa dahil nasampal ko pa rin siya. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat.

"Parang magising ka sa tanginang katotohanan!" Sigaw ko sa kan'ya. "Akala ko ba mahal mo siya? Ano? Na-unconscious lang 'yung kapatid ko, aalis ka na naman? Anong sasabihin ko sa kanya, sige nga! Na iniwan ka na naman ni Ian at tulad ng dati ginawa na naman niyang dahilan ang mga magulang niya! 'Yun ba ang gusto mo?"

"Ayoko lang masaktan siya.."

"So, sa tingin mo 'yan ang best way?" I mocked him. "Hindi, Ian! Naduduwag ka na naman kasi. Kung sana hindi ka nagmatigas sa kanya noong una. Hindi sana siya mai-stress at hindi siya mahohospital!"

"Sinisisi mo ako, gano'n ba 'yun?" Sinalubong niya ang mga titig ko kaya naman agad na tumaas ang kilay ko.

"Eh sino? Alangan namang ako. Ano? Tanga lang? O nagtatanga-tangahan? Sabi!"

"I need to go," tumayo na siya pero natigilan din dahil sa narinig niya mula sa akin.

"Sige. Lumabas ka ng coffee shop na 'to, wala ka ng Micca El De Torres na babalikan," pagbabanta ko sa kanya kahit wala naman akong karapatan.

"You're not Micca."

I smirked. "Hindi nga. Pero kaya kong sabihin sa kanya kung gaano ka kawalang kwenta dahil sa pangalawang pagkatataon naging mahina ka. Hindi ka naging malakas para sa kanya samantala siyang nakikipag-patintero kay kamatayan."

"You can't do that."

"Of course, I can!" I looked at his eyes. "Para sa kapatid ko, Ian. Para sa kanya, I can do everything."

Nag-iwas siya ng tingin at sa maraming pagkakataon napapikit ako ng mariin. Napasipa din ako sa upuang inupuan niya kanina.

"Shit," I cussed when I received a text from Tita.

Micca's awake!

A Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now